Inspiration

17 3 0
                                    

"Ang sarap talaga ng Chicken Joy."

Tawa namin ni Fatima.

"Pero Bianca, ano na plano mo dyan sa canvas mo? Ganyan mo na talaga yan ipapasa?" Tanong ni Fatima habang ngumunguya.

*lunok*

"Opo, baka ganito na lang. Di rin naman ako mananalo dito e. Andito lang naman ako para sa experience at bonding." Ngiti ko.

Tama.

Nung una pa lang. Alam ko namang hindi ako mananalo rito e. Experience lang ang habol ko dito and bonding kasama ng mga art club members.

Pero..

Masama bang hingiin kay Lord na sana maskit last place lang or yung 8k na price ay makuha ko?

"Hey look!"

Napatingin kami ni Fatima sa gilid ko.

Merong dalawang mag kasintahan na lumapit sa canvas ko.

"It's beautiful! Amazing!"

Napa twitch ako sa loob ko habang nakangiti sa labas.

Nang aasar ba 'to? Hahaha. Pano magiging maganda yan?

Napansin kong siniko ng babae ang kanyang BF at tila may binubulong.

Siguro sinasabi niya na umalis na sila kasi nakaka offend sakin at nakakahiya ang sinasabi ng bf niya.

Nakatingin lang kami sa kanila.

"Why? It's the truth! It's wonderful! If you look closely you can see a man's face!"

Sabay hinatak ng babae ang BF niya paalis.

Bigla akong naliwanagan.

Para bang may ilaw na nabuksan sa loob ko.

At dun naisip ko..

"Fatima, ipapasa ko talaga 'to ng ganito. Bahala na kung manalo or matalo basta ipapasa ko yan ng ganyan. Sure na ako." Laking ngiti ko.

Lumapit ako kay Jeremy at sinabi sa kanya ang plano ko na itutuloy ko ang pag pasa ng Black canvas ko na ikinatuwa naman niya.

"Susuportahan kita."

2PM na.

Hindi mapakali ang pwet ko at paikot-ikot ako sa venue kakaiwas kay Sir Rai at Sir Carlos.

Ayoko kasi na tanungin nila ako about sa gawa ko, mapagalitan at paulitin.

Sa buong oras na yun hanggang mag 3PM wala akong ibang ginawa kung hindi mag pagala-gala from paintings to paintings ng iba.

"Bianca. Asan sayo?" Tanong ng iba.

Pag pinapakita ko ang gawa ko sa kanila. Kitang-kita mo ang pagtataka nila at pang hihinayang at ang masasabi lang nila..

"Ulitin mo! Kaya pa yan!"

Dumating na rin ang iba naming mga kaibigan galing sa Mapúa para suportahan kami.

Tuwang tuwa sila sa mga paintings nila Fatima, at sa mga paintings kagaya ng kanila Master Kristan at kagaya rin sa bestfriend kong si Alyssa.

Ng makita nila ang gawa ko..

"Bianca. Ipapasa mo ba yan ng ganyan lang?" Hindi ko alam kung namamalik mata lang ako or sa pagod (kakaikot-ikot sa venue) pero halata ang disgust sa mukha nila.

"Ulitin mo. Baka makahabol ka pa."

"Hindi. Ipapasa ko yan ng ganyan lang."

Nasaktan nanaman ako.

Kasi alam ko nawala ang tiwala nila sakin, dahil sa school, isa ako sa mahuhusay mag drawing. Bumaba ang tingin nila sakin.

Pake nila. May tiwala ako sa gawa ko. Sa kakayahan ko. Lord kayo na po ang bahala sakin. Pinagkakatiwala ko po sa inyo ang mangyayari sakin.

Tinawag ko na si Lord para gabayan ako pati ang namayapa ko ng Lolo, at Lola maskit kaluluwa ng mga aso namin para mabiyayaan ako ng swerte.

"Uy!"

Natanaw ko ang PPG (Powerpuff Girls) ng Mapúa at iba naming tropa.

"Guess what? Andito kami para suportahan kayo! Nga pala balita ko andito raw si Jose? Yung magaling na painter galing FEU!"

"TALAGA?! HALA. SAN? SAAN?" Laking gulat ko. Sobrang idolo ko kasi yun. Crush. Hinahangaan kasi mas mahusay pa siya kaysa kay Master Kris. Iba ang level ng husay niya. Although magaling din naman talaga si Master Kris.

Nakita namin siya across the venue nag pipinta at marami ring nag papakuha ng picture kasama niya.

"Bianca! Tara pa picture tayo!" Yaya nila.

"Sige po!!" Gustung gusto ko yan syempre.

Lumapit na kami at ako ang kumausap since nahihiya silang tatlo.

"Pwede po ba mag papicture kasama niyo po?" Tanong ko habang nahihiya.

"Ay sige. Okay lang!" Napaka warm ng pagkaka welcome niya samin.

Dali daling tumabi ang PPG sa kanya. Nagulat ako sa sinabi ni kuya Jose.

"Ay. Mauna na muna siya." Sabay turo sakin.

Wow. Ako pa gusto niyang unang makasama sa pic?

Sayang nga lang kasi at may GF na siya.

Kakaiba ang kuha naming dalawa kasi para kaming mag GF at BF sa style ng kuha at posing namin sa picture.

Ang swerte ko naman.

Ang simple lang ng kuha nila Fatima kasama si kuya Jose pero sakin ang special.

Aww.

Okay lang kahit di na ako manalo sa contest na to. Sapat na yung bonding and exp na to. Sobra sobra ang saya ko ngayon. Lord, thank you. Okay na ako rito.

Pero okay lang din kahit yung last place. Hahahaha.

"Attention all participants. The competition has now officially ended. We advise you to pass your canvas along with your name and artwork title. Once again, thank you for joing and goodluck to each and one of you."

Eto na.

Pasahan na.

Lahat na nag sisipag pasahan na ng gawa nila.

Nakakalula ang gawa ng lahat. Napaka husay at ang gaganda.

Pero may tiwala ako sa gawa ko at ito ang ipapasa ko.

"Bianca, nahulog yung sticker mo oh. Kabit mo dyan sa canvas mo. Lagay mo name, school at arywork title mo."

"Ay thank you! Nalagyan mo na yung sayo?"

"Oo. Tapos na. Ikaw? Ipapasa mo talaga yang gawa mo na itim lang?" Tanong ulit nila once more.

"Yup. Ito na talaga."

Nauna na sila.

Habang isinusulat ko ang pangalan at school ko, napaisip ako sa title ng artwork ko sapagkat on a whim lang naman lahat ng 'to.

I decided.

Ang title ng artwork ko ay..

Pananaw.

Black ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon