Desperation

25 2 0
                                    

Isang oras na ang nakalipas.

Wala pa rin akong nasisimulan.

Ang ginagawa ko lang ay tumingin-tingin sa paligid ko. Sa bawat ginuguhit ng mga kasamahan ko.

Maskit ang bestfriend ko na si Alyssa nag p'paint na.

Hayy. Ang gagaling nila.

"Hindi ka pa ba mag sisimula Bianca?" Tanong ni Fatima.

"Maya-maya na siguro. Di kasi ako makaisip ng gagawin ko e." Sabi ko ng may pagkalugmo.

Alam niyo ba yung feeling na, nasa isip mo yung output pero hindi mo magawa mismo?

Ganun na ganun ang situation ko ngayon.

No choice ako.

Kailangan ko na mag start.

10AM na. Ang pasahan is 3PM daw.

Nag sketch na ako ng mukha ni Botong Fransisco.

Ang theme kasi ngayong taon ay, Sino Si Botong Fransisco Para Sayo?

Mag damag ako nag search tungkol sa kanya and nakagawa na nga ako ng draft kagabi kaso di ko talaga alam pano ipipinta.

DAHIL DI NGA AKO MARUNONG MAG PAINT.

Nag halo na ako ng paints sa mixing plate ko para magkaron ng Flesh color, at nag paint na ako.

Dumaan ang BF ng bestfriend ko sa likod ko at nakita niya ang ginagawa ko.

Natawa siya.

"Hahaha! Si Botong ba yan? Bakit ganyan ang kulay niya? HAHA!" Tawa niya ulit.

"Di kasi ako marunong mag paint e. Haha." Defend ko naman.

Syempre kahit papano, masakit malait e.

11AM na.

Karamihan samin kalagitnaan na at ang iba patapos na pero ako eto pa rin, NGA NGA.

Ayoko na.

Bahala na.

Dahil hindi maganda ang pagkakapinta ko, tinakpan ko at pininturahan ko ang buong canvas ko ng itim na ikinagulat naman ng mga kasamahan namin.

"Hala. Bakit mo pininturahan ng itim Bianca?" Laking gulat at pag tatakaka nila.

"Ayoko na. Suko na ako. Di ko talaga kaya mag paint e." Hinaing ko.

"Sigurado ka? Sayang naman yan. Ituloy mo na kahit ano lang." Tulak ng iba.

"Hindi na. Ipapasa ko na lang ng ganyan yan or baka iwan ko na lang yan dito sa school grounds." Talagang nawalan na ako ng "will" to paint.

"Oh. Bianca. Ano nangyari dyan sa canvas mo?"

Ay shit! Si Sir Rai! Kasama pa niya ang terror prof namin na si Sir Carlos! HALA.

Kung tinamaan ka nga maman ng kamalasan.

"Uulitin ko po kasi Sir. Nagkamali po kasi ako. Hehe." Pagsisinungaling ko.

Nakakatakot kaya mapagalitan ni sir Carlos! Yung puso ko muntik ng malaglag nung nakita ko sila sa likod ko at nakita nila yung canvas kong ITIM!

"O sige. Dalian mo na at anung oras na baka di ka makatapos." Concern ni Sir Rai. "Opo, sir!"

Eh kaso, di ko na nga tatapusin to e. Ano ba.
Ayaw ko na. Suko na ako. Huhu. Ano ba yan.

Napansin ko na may mga ibang tao na kumukuha ng mga litrato sa mga gawa at paintings ng iba.

Hangang hanga sila pero iniiwasan nila ang gawa ko. Malamang. Ano ba naman inaasahan ko, e itim lang naman ang nasa canvas ko.

Nothing amazing.

Pero sa loob-loob ko.

Masakit.

Bilang artist, gusto mo rin na may maka appreciate sa gawa mo diba?

Kaso wala.

"Uy, Bianca! Kamusta naman gawa mo?"

Sino--

"Jeremy!!! Uy!! Andito ka din? Contestant ka din pala dito?" Laking tuwa ko. Huling kita ko kasi sa kanya graduation pa namin nung HS.

"Ay hindi. Spectator lang ako dito. Haha. Pero kung alam ko lang. Sumali na din sana ako. Ano meron dyan sa gawa mo bakit itim?" Taka niya.

"Ah, eto. Tinatamad na kasi ako. Di naman kasi ako marunong mag paint e. Nag drawing ako ng mukha ni Botong kaso tinapalan ko ng itim. Nagkamali kasi ako."

"Ano yan, ganyan mo na lang ipapasa?" Tanong niya ulit.

"Siguro? O baka iwan ko lang dito."

"Ano ba theme?"

"Sino si Botong Fransisco para sayo. Nag search ako kagabi at meron naman akong idea kaso di ko talaga alam pano ip'paint." Bugtong hininga ko.

"Ah. Di ko rin siya kilala. Hahaha. Kaya kung sumali ako baka ganyan na lang din ipasa ko or blank canvas. As in puti lang." Biro ni Jeremy.

"Pero seryoso. Pag ako sumali ganun lang ipapasa ko. Pake nila e di ko naman kilala yon. Ipasa mo yan. Haha. Troll mo sila pati judge. Haha."

Yun na talaga ang plano ko. Ipapasa ko na lang ng ganito 'to.

"Osha. Balik na ako. Mukhang mag l'lunch na rin kayo. Balitaan mo na lang ako sa plano mo Bianca. Haha."

12PM na.

At nag l'lunch na kami.

Ano na talaga ang balak ko rito?

Black ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon