Ayoko. Hindi Pwede!

72 2 0
                                    

* riiiiing riiiiing~*

5:00 AM

"Di man lang ako naka tulog ng matino sa sobrang pag-iisip."

Bumangon na ako kagad para mag ayos ng susuotin ko and para ma prepare na rin ang mga art materials na dadalhin ko.

Hindi na ako mag b'breakfast, maliligo na ako kagad para maka alis na.

Mula dito sa bahay kasi papuntang Mapúa, Intramuros is 1hr-1hr and 30mins by LRT, kasama na rin dun ang pag sakay ng tricycle at jeep. So, no time to waste.

Maya-maya pa..

*vvvvr vvvvr~*

1 new message receive.

          Bianca? Asan ka na? Andito na kami sa rooftop. Andito na rin sila Sir. :)

Sender: Fatima

         OTW na po ako. Nasa LRT na po ako. ^_^

*message sent*

Pag dating ko sa rooftop..

Kagad akong tinawag ni Fatima, so nag usap muna kami about sa theme or artworks na gagawin namin since hindi pa ako makapag decide sa gagawin ko.

Hindi kasi ako kagalingan sa painting pero sinali pa rin kasi ako ni Sir! Ugh.

"Sir! Wala akong CM e. Pano yan?" Rinig kong sigaw ni Wapi.

"Ano ba yan Wapi! Napag usapan na natin ng matagal 'to! Hindi ka makakasama kapag wala kang CM! Ang aga-aga wag mo painitin ulo ko ah." Inis naman ni Sir Rai.

"Gawan mo ng paraan yan!"

Bigla akong kinabahan.

"Fatima di na lang ako sasama."

"Hala. Bakit naman?" Mabilis na alala ni Fatima.

Inexplain ko naman sa kanya kagad.

Nung January kasi nanakawan ako ng wallet. Andun yung CM (Certificate of Matriculation) ko, ATM, iba kong ID, at pera ko.

"Tara, sunod tayo kay Wapi! Try natin sa Registrar baka sakali." Alok ni Fatima.

Bumaba kami kagad at dumiretso ng Registrar. Kaso napaka aga pa, mag 6:30 pa lang kaya sarado pa.

Ano ng gagawin ko neto..

Di makali pwet namin ni Fatima kaka isip ng gagawing paraan. "Sorry, Fatima."

"Ano ka ba okay lang yun kesa naman umuwi ka pa diba?"

"Okay! Guys! Hali na kayong lahat dito!" Tinatawag na kami ni Sir Rai.

"So bale ganito, dadaan muna tayo sa España kasi kukunin natin yung mga canvas niyo tsaka na tayo papasok sa loob ng UST, maliwanag?"

"Okay Sir Rai!"

"O, si Wapi ba naka balik na? Pasaway naman kasi yun e. O, tara-tara na!"

"Pano yan Bianca?" Pangangamba ni Fatima.

"Aaminin ko na lang kay Sir. Sasabihin ko na do na ako sasama." Mahinahon kong sabi.

"Sigurado ka?"

*sigh*

"Sir Rai!"

Sigaw ko, kung san lahat ng mga kasama namin e nag sipag tinginan sakin, maskit ang crush ko na hayuuup sa ka-imbahan pag dating sa painting e huminto at lumapit samin ni Sir.

"Bakit Biancy? Ano yun?"

"Sorry po Sir, hindi na pala po ako sasama." Sabi ko habang naka tungo.

"HAAAAAAA??!?! BAKIT?!"

Parang choro na nag sabay si Sir pati ang iba pa.

"Bakit di ka na sasama? Ano problema? Sabihin mo sakin habang di pa tayo umaalis." Pagulat at pag aalalang tanong ni Sir Rai.

"Wala rin po kasi akong CM. Nanakawan po kasi ako Sir ng wallet, andun po ang CM ko, ATM at pera ko po."

Lahat sila ay nagulat at bakas talaga ang pag aalala sa kanilang mukha.

"Magkano ang pera na andun sa wallet mo? Naku naman Biancy, masyado ka kasing inosenteng tignan kaya ka nabibiktima e." Tugon ni Sir M.

"$20 po Sir M."

"$20?!" Laking pang hihinayang nanaman nila.

"Hay nako. Sayang ang pera mo. Mga hinayupak talagang mga magnanakaw yan walang magawa sa buhay."'Hayaan mo gagawan natin ng paraan yan, basta sumama ka. Ayoko na mabawasan ng magagaling sa atin. Hindi pwedeng hindi ka sumama. Ako na bahala sayo. Tara. Hayaan mo na yung nawala mong pera mapapalitan din yun." Udyok ni Sir Rai.

"Ang bait talaga ni Sir Rai no?" Ngiti ni Fatima.

"Buti naman at makakasama ka namin.

At ngayon, paalis na kami ng Mapúa.

Black ArtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon