Chapter 3 : Jealous Bestfriend

14 0 0
                                    

Kimpoy's POV

Di ako masyado nakatulog kakaisip dun sa sinabi sakin ni best.. Jericha talaga lagi na lang ginugulo utak ko..

Buti maaga akong nagising at nakauwi pa ko sa bahay para maligo at magpalit ng uniform. Sabi ni Tito Mar sakanila lang daw ako magbreakfast para daw di na magluto mga maids namin.Sayang naman daw at ako lang ang kakain.

"GoodMorning sa pinakagwapo kong bestfriend.." were eating breakfast with her parents. Nakabihis na kami nang uniform.

"Goodmorning sa pinakamaganda kong bestfriend.."bati ko naman sakanya..

"Nagbolahan na naman kayong dalawa..Lets eat na.." nakangiting sabi ni Tito Mar.

"Inggit lang daddy mo kase di mo siya sinasabihan na gwapo.." singit naman ni Tita Josie..

"Naku naman daddy.. Syempre kayong dalawa ni Kimpoy ang pinakagwapo sa paningin ko.." niyakap ni Jericha yung daddy niya.

Ang sweet talaga ng bestfriend,kaya ako naiinlove lalo sakanya..

"Alam ko naman yun anak,basta ako laging una dyan kay Kimpoy ha." natatawang sabi ni Tito Mar.

"Of course namam dhie..Kumain na nga tayo baka ma'late pa kami ni Kimpoy.." tahimik lang kami sa pagkain hanggang sa matapos kami..

"Mhie, dhie alis na po kami ni Kimpoy.." nagpaalam narin ako kila tita and tito ..

Tita Josie: "Sige mag-iingat kayo ha. Kim kaw na bahala diyan sa bestfriend mo.."

"Wag po kayo mag-alala tita bantay sarado po sakin tong anak niyo.." hinila na ko ni Jericha at nakaladkad na ko palabas ng bahay nila.. Di na lang ako umimik.

Daily routine namin ang maglakad pagpapasok sa school,di kami nagsasawa na palagi magkasama ..

Papasok na sana kami sa classroom nang may tumawag kay Jericha..

"GoodMorning Jericha.." pamilyar yung voice na yun ahh.

"Goodmorning din James..Ang aga mo ah.." bati naman ni best.

"I dont want to be late .. Nakakahiya naman pag late ako,eh transfer lang ako..tara pasok na tayo.." aya ni James kay Jericha.

"Ehem...Hey Mr.Dy May kasama siya.Di mo ba ko nakikita ??" Kunot noong sabi ko sakanya.

"Sorry pre di kita napansin.. Sige.Una na ko pumasok." nauna na siyang pumasok sa room kasunod ni Jericha.Dito muna ko sa labas maaga pa naman tska wala pa yung mga tropa kong baliw,hintayin ko na lang sila ..

Jericha: "Popoy di ka pa ba papasok??"

"Mamaya na . Hintayin ko na sila Mico . On the way na daw sila e.." nakatayo lang ako sa may pintuan.

"Di ba Hindi mo pa nagagawa yung homework sa stats. Tara tulungan na kita.." Nga pala di ko nagawa kagabi kasi di niya ko tinulungan..

"Buti pinaalala mo , di mo kasi ginawa kagabi e.." biro ko sakanya.

"Grabe ka talaga . Pinakain kana nga tapos pinatulog sa room tapos gagawan pa kita ng homework . Aba matinde..Dami mo nang utang sakin ah " tinakpan ko yung bibig niya using my hand kase di siya titigil kakasalita.

"You better shut up best.. Hahaha ..Ang ingay mo" tawa ako ng tawa kase hanggang pag.upo namin nakatakip yung kamay ko sa bibig niya .. Nakatingin naman samin si James.

"Pasakan ko nang papel yang bibig mo Tabachoy.." Hahaha .. Sarap niyang inisin.Maaasar yan kapag tinutukso na tabachoy ..

"Hindi na ko tabachoy ..Sexy na kaya ako..Hmmp Di na nga kita tutulungan sa homework mo.Bahala ka.." sabi ko sainyo e .Maiinis yan . Hahaha

"Joke lang ito naman di na mabiro..Super sexy kaya ng bestfriend ko.Pang FHM model ka nga e.. " sabay kindat sakanya.

Dati kase ang taba taba niya , yung pisngi niya parang siopao.Hahaha..Pero ngayon ang laki nang pinagbago niya . She's slim already kakadiet .. Simula kasi nung binubully siya nang mga klasmeyt namin konti na lang siya kumain pero pagdating sa spaghetti walang awat yan.

Sabay na dumating sina Jamil at Mico magka.holding hands pang pumasok sa room.

"Hey .. Anong meron?" Tinignan ko yung kamay nilang dalawang magkahawak ..

"We're official.." sabay taas ni Mico ng kamay nila ni Jamil.

"Wow naman . Kailan pa?" Kinikilig na tanong ni Jericha.

"Kanina lang Ecka.. Nakakaawa e..3years nagtiis pinagbigyan ko na" pabirong sagot ni Jamil.

"Hahaha . Naawa lang pala pre e.." biro ko kay Mico.

"Inggit ka lang pre, Kase wala kang lovelife..Mag.girlfriend ka na din kase,di ba jericha para naman may ka.holding hands narin siya" kindat ni Mico sabay tingin kay Ekang.

"Di pwede . Magseselos yung isa dyan kapag nag.girlfriend ako. "

"Bat ka nakatingin sakin?? Tska Who told you na magseselos ako? Buti nga yun atleast hindi na ko mamomroblema sa ugali mo. " sabay tawa niya ..

Aww Bat ako nasaktan sa sinabi niya? Problema lang ba lagi dala ko sakanya ? Baka naman nagsasawa na siya sakin ? Okay.Di ko na lang siya pansinin.. Hanggang lunch time di ko siya pinapansin.


Jericha POV's

| Lunch break |

"Uy Popoy , bat di mo ko pinapansin kanina pa?" Kulit ko sakanya..

"Gusto mo na ba talaga akong magka.girlfriend best ??" Tanong niya sakin with his serious look.

"Oo best . I want you to be happy best.. Basta if ever na may nagugustuhan kana sabihin mo lang sakin ha??"  Sabay hawak ko sa dalawa niyang kamay.

"Paano ka na lang pag nagka.girlfriend na ko?" Ano na naman kaya problema nito . Kaya ba ayaw niya magka.girlfriend because of me ?

"Bes matanda na ko tska wala na mangbubully sakin.. I have set of friends na naman di ba? May mga magtatanggol na sakin" Hindi ko inaalis ang kamay ko sakanya. Nilagay ko ung ulo ko sa balikat niya .

"I know..Pero your still clumsy parin and childish.. Hahaha" sabay gulo sa buhok ko.. 

Super clumsy ko ba ? Minsan lang naman yun..Ang Tatanga kase nung bato kaya minsan natatapilok ako.. Di naman ako childish,moodswings lang yun.HAHAHA .. :D

"I have something to tell you best..? Seryoso to ha" Minsan lang kami mag.usap nang serious so lubusin ko na.

"Oh ano naman yun??" Humarap ako sakanya at tumitig.
"May nagugustuhan ka naba ?" Tanong ko sakanya.


"Ha?Alam mo namang ikaw lang gusto ko di ba?" Sabay peace sign at tumawa ng malakas ..

"Magtigil ka nga . Sabi mo seryoso..Adik nito.." Layasan ko nga siya.Puntahan ko na lang yung TS friends ko..

Ayoko mag-isip.Gusto ko makatapos nang pag-aaral ayoko muna problemahin ang lovelife na yan .. Tska I make a promise na kapag 18years old na ko tska pa lang pwede may manligaw .. Hep .. LIGAW pa lang wala munang commitment na magaganap..Pwede yung crush crush muna sa ngayon.

I remember nung may kinwento sya sakin , that was 3 years ago.May nakita daw siyang babae na umiiyak at inabutan niya yun ng panyo and that was the first time na magka.crush siya dun sa babaeng yon na until now di parin niya ulit nakikita.

I Love You BESTFRIEND (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon