Chapter 7: New Friend

10 0 0
                                    

Ariana POV

Bat ba ko pumayag na sumama sa pinsan ko.Alam ko naman na tropa niya yung matagal ko nang hinahanap.Oo,matagal ko nang hinahanap yung taong nagbigay sakin nang ngiti,nang pag-asa..

Ako nga pala si Ariana Gozon pinsan ni Jeser.Ulila na ko.Dito ako ngayon kila Jesser nakatira,Im a working student.Sa public school ako nag.aaral 4thyr student.Unlike my cousin na sa isang pribadong paaralan pumapasok.Nahihiya kasi ako na pati pag.aaral ko sasagutin pa nila kaya I decided na magtrabaho na lang para kahit papano hindi ako maging sagabal sa family nila.

*FLASHBACK*

1styear highschool.Umiiyak ako that time dahil hindi ako nakapag.pasa ng project sa Filipino.Pinalabas ako ng teacher ko. Ako lang ang hindi nakagawa,nakakahiya..

May mysterious guy na lumapit sakin at inabot ang panyo sakin.

"Ano yan?" Tanong ko sakanya habang nakatingin sa panyong hawak-hawak niya. Dinedma ko yon at patuloy parin sa pag.iyak

"Panyo malamang.Punasan mo yang luha mo..Cry baby.." may pagkapilosopo din siya. Ang yabang ng dating pero dahil wala akong dalang panyo kinuha ko narin yung hawak niya.

"Thankyou ha..eto na ohh.." pagkatapos ko punasan yung mga luha ko at kumalma na ko ng kaunti sinoli ko sakanya yung panyong pinahiram niya sakin.

"Are you serious ?? May sipon mo na yan ibabalik mo pa sakin.." Oo nga,bat ko nga pala isosoli yun eh nadumihan ko na. Nakakahiya shocks. Napangiti naman niya ko

"Ay sorry..Sige akin na lang to.." tumayo na ko para mag.pahangin sa may rooftop ng school nang magsalita siya.

"Hey crybaby what's your name?" Patuloy akong naglakad nang hindi siya tinitignan. Sinagot ko naman yung tanong niya. "Ariana..Cge bye..."

After ko magpakilala sakanya tuluyan ko na siyang nilisan.Ni hindi ko na tinanong yung name niya kase nabasa ko sa ID niya yung pangalan niya.. "Kim Paolo Feliciano."

Simula nun tinandaan ko yun.Siya yung unang taong nagpangiti sakin.Halos araw-araw hinihiling ko na sana makita ko ulit siya,na makasabay ko siya sa pagpasok o kaya pag.breaktime man lang.Pero wala di ko na ulit siya nakita dahil lumipat na ko ng school pagkamatay ng parents ko.

*END OF FLASHBACK*


"Saan ba tayo kase pupunta insan?" Tanong ko kay Jesser.


"Samahan mo lang ako,try.outs kase namen and besides sabi mo sakin gusto mo siyang makita di ba?"

"Sino?" Nagtatakang tanong ko sakanya.

"Dont deny it cous,sino pa ba? Si Kim yung matagal mo nang hinahanap."

Alam niya yung about kay Kim pero di niya daw sinasabi sa kaibigan niya kasi kukulitin lang daw siya non and besides di naman daw nagtatanong si Kim about sakin kaya nilihim na lang niya.

Dahil sa napilit ako nang makulit kong pinsan di na ko tumanggi pa,sumama na lang ako sakanya tska namimiss ko rin yung dati kong school.

Habang naghihintay magstart ang game,nakaupo lang ako sa mga bench ng court kasama ang ibang tropa ni Jesser.Hindi naman nagtagal may dumating , siguro tropa din nila..Masayang lumapit ito sakanila.

Narinig ko pa na sabi nang mga girls na "Lovebirds" ibig sabihin ba nun magsyota sila?

Si Kim sa pangalawang pagkakataon nagkita ulit kami.Kilala pa kaya niya ko? Natatandaan pa kaya niya yung CryBaby na tinatawag niya..I hope so.

I Love You BESTFRIEND (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon