Chapter 5: Favorite Food

13 0 0
                                    

Jericha's POV

Nagising ako sa alarm ko..4am pa lang bat ang aga kong nag-alarm,dapat 6am pa yan ah.Ano bang meron today? May special occassion ba? Wala naman ahh..

OMG..I almost forgot dito nga pala sa bahay namin nakitulog si Popoy kailangan na niya umuwi sakanila bago magising sila Mommy and Daddy,baka mapagalitan pa ko ni Mom kasi di siya nagpaalam na dito siya matutulog.Eh Tulog mantika pa naman yung lalaking yun..Mapuntahan na nga sa guestroom..

Kakatok na sana ako dun sa room niya nang biglang bumukas yung pinto.

"Oh nakakita ka naman nang gwapo..Ehem bagong gising pa toh.." abnormal talaga bestfriend ko kahit kailan.

"I just want to remind you na kailangan mo na umuwi sa inyo before mag.5am..Magprepare kana for school..Magigising na sila Mom.." hatak ko yung shirt niya habang bumababa kami nang hagdan.

Kimpoy: "Wagas ka naman makahila sakin Ekang,ginagawa mo kong aso.."

"Bilis na kasi,diyan ka na sa main door dumaan.. Bye.." siguro naman andun na sila Tita Nene and Tito Ato sa bahay nila.

Bumalik ulit ako sa room ko para matulog ulit may time pa naman para matulog..Pero kahit anong pilit ko di na ko makatulog..Kasi naman si Popoy e..Bitin tuloy yung tulog ko,imbes na naghihilik pa ko e ..

Ano ba magandang gawin para di ako mabored. Aha Alam ko na makapag-open na lang nang FACEBOOK ilang araw narin ako di nakakapag.update ng status.

"Imbes na nananaginip pa ko sa prince charming ko,di natuloy ako makatulog.May istorbo kase"
Like.Comment.Share

Ang bilis may nag.like agad.Pagtingin ko sa notification ko ang magaling kong bestfriend lang pala...

On Chat |

Kimpoy: Bat gising ka pa?

Me: Kasalanan mo kase bwiset ka.

Kimpoy: Hahaha. Balik ako diyan best.

Me: Magtigil ka nga..Gumayak ka na. Pagong. :)

Kimpoy: Sige na nga maliligo at magbibihis na ko.See yah later best :*

Umabot kami nang almost 6am kakachat. agtwitter din ako at tumblr.Yun lang naman ginagawa ko pag nag.laptop e ..

Hayst papasok na naman bitin tulog ko. Sana naman di ako makatulog sa klase.Idlip na lang ako pag vacant o kaya sa breaktime , di na lang ako kakain para makabawi ako ng tulog..


"Hi,miss me?" Popoy na wagas makangiti.

"Mukha mo." Sabay hikab.

"Mukha ko?? Pogi syempre. Inaantok ka ata.." sabay akbay sakin.

"Ikaw kase e. Wag ka na matutulog samin ha?" Hikab lang ako nang hikab hanggang pagpasok nang classroom.

Andun na ang tropang TS . It means late na kami?? Kasalan talaga ni Popoy e. Dati lagi kami nauuna buti na lang wala pang teacher kundi lagot.

Jamil: "Your late guys.."

Mico:"First time ha,anyare? Puyat lang?" Nakita nya kasi na naghihikab ako e.

"Pinuyat kasi ako ni Kimpoy.." iniyuko ko na yung ulo ko sa desk idlip muna ko habang walang teacher.

"Oh bat ganyan kayo makatingin sakin??" Boses ni Popoy yun.Naririnig ko parin usapan nila kahit nakayuko ako.


"Anong ginawa mo Kim?? Ikaw ha?" Boses ni Pekto yun.

"Wala. Nagpaturo lang ako nang mga homework dito kay Jericha" paliwanag nang bestfriend kong baliw..

"Talaga lang kim ha?? Wari pa ito." Narinig ko naman na sabi ni Mico.

Dumating na yung teacher namin kaya nag.angat na ko ng ulo ko..

"Si James bakit wala?" I ask Jas kung nasan si Mr.Transferee.Di nya ko pinansin kaya tinanong ko ulit siya.
"Asan siya?" Bulong ko kay Jas.

Jas: "Sino ba?"

"Si Mr.Transferee,I Mean si James.Kakapasok lang absent agad??" Habang nagsusulat nang lecture pinag-Uusapan lang namin si James.

Jas: "Nag.aasikaso pa ata ng requirements.Bakit mo hinahanap? Miss mo na agad girl"

"Wala.Sige na.Maya na lang tayo magchikahan."

Puro si James na lang iniisip ko,simula nung dumating ung lalaking yon naging interesado na ko.Idagdag mo pa yung bestfriend ko.I dont know what I really feels.Ayoko maapektuhan pag.aaral ko pag inisip ko pa sila.Erase erase erase. Focus sa study Jericha.


Friday na pala,ngayon nga din pala yung try.outs nila bestfriend,pano yun kasabay ng practice ko sa Music Club. Hayst sana naman makapanuod ako ng laro nila..

"Best later ha. Wag kang mawawala sa try.outs namin.." paalala ni Kimpoy.

"I will try best kasi i do have practice pa sa Music Club.." paliwanag ko sakanya.

"Postponed yung practice sa Music club Jericha,may lakad daw si President.." si Mina yung nagsalita one of the member ng Music Club.

"Un naman pala. Wag kang mawawala Best 4pm ha. Sige best kita na lang tayo later sa Gym , magpractice na kami nila Mico..Bye.." naglaho na naman bestfriend ko nang di ako nakakapagsalita.. ganyan yan.Haha

Ano naman kaya gagawin ko? Wala nang klase dahil busy sila sa kanya-kanyang Clubs. Sa Music Club lang ako sumali kaya Nga-Nga ako ngayon.Sila Jamil at Jas naman may try-outs nang volleyball.Ayoko naman ng any sports kung sana my chess pwede ko pang salihan.

Kakain na lang ulit ako..Pagdating ko ng cafeteria nakita ko si Rico,mag-isa lang naman siya kaya nilapitan ko na..

Si Rico Cepeda yung rookie sa basketball lastyear.Section B,fourthyear student din..Medyo close naman kami kaya di na ko nahihiya..

"Can I have a sit?" tanong ko sakanya.

"Sure.Wala ka kasama?" Tanong naman ni rico sakin.

"Obvious ba?. Baka may nakikita ka na di ko nakikita?" Biro ko sakanya. Tinawanan lang niya ko..

"Komedyante ka pala.Hahaha. Ahmmm , Anything you want? Spaghetti?"Alok niya sakin. Bakit niya nalaman favorite food ko. Stalker ko ba siya?

"No thanks. Busog pa naman ako." Iidlip na lang muna ko. Antok na antok pa kasi ako e.

"Wala ka bang sinalihan na mga clubs?" Umiling lang ako habang nakayuko.

Narinig ko na lumakad na siya palayo,di man lang nagpaalam sakin..Lagi na lang ako iniiwan ng mga kasama ko.Baka akala niya tulog ako kaya di na siya nagpaalam..

After 30 minutes.Nag-iinat pa ko,nakita ko may spaghetti at sandwich sa tabi ko.Binili ba ni Rico ang mga foods for me? How sweet naman.Ako na kinikilig.Hahaha..

Kakainin ko na sana yung food na may nagsalita sa likod ko.. Nagutom ako bigla e..Nabitin pa.

I Love You BESTFRIEND (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon