Kabanata 1

59 20 0
                                    


Tirik na tirik ang araw, magulo at nag aagawan ang mga tao para sa sasakyan. Habang ako nag aabang parin ng masasakyan naghihintay ng jeep na may bakante.

Alasingko na at uwian na ng estudyante kaya punoan ang jeep at bus na dumadaan. Nang makita ko ang karatula ng isang jeep na sasakyan ko agad akong pumunta sa harapan para ako agad ang makakaunang makasakay. Sa ngayon practical na dapata tayo wala ng pakeme keme nakakamatay yun.

Nanghuminto ito mabilis akong kumilos at sumakay. Medyo masikip na Pero kailangan mong isiksik ang sarili mo para makauwi ka. Nilibot ko ang paningin ko sa buong jeep na nasakyan ko

Sardinas, para kaming sardinas na nagsisiksikan para Lang makauwi sa kaniya kaniyang tinutuluyan. Dito makikita mo ang iba't ibang uri ng tao May ibang nakaheadset, May ibang natutulog mukhang pagod at may mga iba naman na sobrang ingay para silang circle of friends na nagplaplastikan.

Tumingin ako sa labas at tinignan kung malapit na ba ako sa pupuntahan ko pero medyo malayo pa nga. Pinikit ko muna ang mga mata ko.

"Holdup to walang kikilos" malakas na sigaw nito

Napamulat ako dahil sa narinig ko holdup?Kung minamalas ka nga naman mga kriminal na kailangan gumawa ng krimen May mapakain lang sa pamilya o pang bisyo. May hawak na baril yung isa at yung isa naman kutsilyo napatawa na lang ako ng mahina dahil doon. Nakita ko ang mga takot na mga pasahero. Kinuha nung isa ang mga gamit na nasa kaliwang upuan. Dahil nasa kanan ako hindi pa nakukuha ang akin. Naririnig ko ang mahinang iyak nang mga pasahero at ang iba hindi makapagsalita yung mga naglalaro kanina napatigil at ang rank game nila ay wala.

"Akin na ang bag mo miss"

Ibinigay ko ang bag ko para Wala na itong sabihin nakakalungkot Lang kasi ang bag na yan ay walang magagawa na ikauunlad mo
"Asan ang cellpone mo miss"

"Wala akong cellphone" tinatamad kong sagot tinutukan niya ako ng kutsilyo
"Nasaan ang cellpone mo miss kung hindi mo ibibigay gigilitan kita ng buhay"

Napatawa ako ng mahina hindi naman ako nagbibiro at Wala talaga akong cellphone

"Sorry Pero kahit gawin mo yun Wala akong gamit na ganun" maikling sagot ko

"Eh tang ina ka pala ih" sagot nito at hinawakan ang kwelyo ko. Hindi naman ganun kahigpit pero ramdam ko ang galit nito.

"Namatay ang anak mo dahil sa gutom kaya mo to nagagawa para hindi na maulit at hindi ka iwan ng asawa mo, maghanap ka ng trabaho na marangal na kayang ipagmalaki ng mga iba mong anak"

Bulong ko rito. Natigilan ito saglit dahil sa sinabi ko. Umawang ng konti ang pagkakahawak nito sa akin.

"Pre baka Wala talaga tara na" sigaw ng kasama niya binitawan niya ako tinignan niya ako ng masama at sabay silang tumalon para makaalis sa jeep ng makaalis na sila doon ko Lang napansin na nakatingin sila sa aking lahat. At doon pinikit ko na Lang uli ang mata ko na parang walang nanyari.

Ng tumigil ang jeep tinignan ko kung nasan na ako. Tinignan ko kung May kahit sampu o bente ang naiwan sa bulsa ko para makapag bayad man lang kay manong dahil pati siya walang kita ngayon dahil sa krimen. Naramdaman ko ang isang papel sa bulsa ko at nakitang 20 pesos ito.

"Kuya bayad ho" sabi ko sabay abor sa driver at lumabas na ako ng jeep. Wala na akong choice kundi maglakad dahil Wala na akong pandowntown.

Nagsimula na akong maglakad hindi naman ganun kalayo pero kung lalakarin mo malayo nga. Tinignan ko ang suot ko habang naglalakad isang ripped jeans, at isang V neck na white T-shirt at nakatack in sa harap at sa likod hindi at sapatos na adidas na puti.

The Eye of the Past (Under Construction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon