C5
Seth's POV
nagulat ako nang malaman kong si kaori pala ang bagong makakasama namin ni mama beth. nag-request kasi si mama beth ng tutulong samin kasi daw pasaway ako, but I doubt it. jk. grabe sya noh
"I'm glad na kakilala ko na pala ang bago kong makakatrabaho, hahaha! atleast di na ako masyadong mag a-adjust" pagbubukas ko ng topic nang kaming dalawa na lang ni Kaori, lumabas kasi si mama beth, may kakausapin daw sya.
parang nine-nerbiyos na ngumiti naman si kaori. ang cute nyaaa. ewan ko ba. di na sya nawala sa isip ko mula nung isang araw, nung nakita ko sya sa mallshow. siguro dahil dun.
"ah. hehe. kinikilig naman ako kuya seth. ENEBE HAHAHA" para pa syang loka-lokang tumawa kaya nahawa ako sa tawa nya "biruin mo, yung lalaking kinaaadikan ko dati, madalas ko nang makakasama ngayon? BWAHAHAHAHA mukhang kailangan ng maghanda ng storage ko. jusq" ang cute nya talaga. natutuwa ako sa kanya kasi ramdam kong di naman sya nama-mlastik. ramdam ko yung pagiging totoo nya. pwede sya sa PBB otso. de, biro lang.
"ilang taon ka na ba? buti pinayagan ka ng magtrabaho ng mama mo?" tanong ko
"ay. kakatapos ko lang po ng college. pero ayos lang naman sa kanila ni papa. si ate lang naman yung maarte. ayaw nya akong pagtrabahuin pa kasi kaya nya naman daw akong tustusan! eh sa gusto kong magtrabaho eh! lalo na ikaw naman kasama ko HAHAHA" biro nya pa. pero isa lang nakaagaw ng atensyon ko
"ate mo?"
"Ah opo. si Katrina Oinuma. naks rhyme" natatawang sabi nya.
napatigil ako. katrina oinuma...
"ahh. parang pamilyar sya? "
"whaaat? bakit pamilyar syaaa? ako din ba pamilyar sayoooo? wag ganon aaah!" parang batang sabi nya. natawa naman ako. ang cute nya talaga.
"ewan ko ba. hahaha. nga pala, bukas sumama ka na ah. may mallshow ako sa Laoag, para na din makagala tayo"
para syang bata na namilog ang mga mata't bibig pero ramdam mo yung saya nya
"kasama na agad akoooooo? teka. Laoag? yun ba yung city of sunshines chuchu eklabush?" natawa naman agad ako dahil sa sinabi nya.
para akong baliw na tuwang tuwa sa kacute-an nya. masyado syang childish pero ang cute talaga.
"Oo, yun nga ata yon. teka, nakapunta ka na ba doon?" tanong ko sa kanya
"hA? di pa eh. pero makakapunta na ako hehe. ahm.. kuya seth, pwede po magpapicture? wala pa akong picture kasama ka eh" parang nahihiya nyang sabi, nakakagat labi pa.
di ko maintindihan pero kumalabog ang dibdib ko dahil sa pinaggagawa at pinagsasabi nya. bakit ba parang ang lakas ng epekto nya sa akin? tsk.
nang mag gabi na ay hinatid na namin sya sa bahay nila, tuwang tuwa naman yung mama nya sa amin, dream come true daw yun ni Kaori. syempre natuwa din ako, ako pala yung pinakahinahangaan ni kaori.
"Anong balita sa kanya?" agad kong tanong nang tumawag yung Private investigator ko pagkauwi ko sa bahay.
"Nabalitaan ko sir na sinagot nya na ang manliligaw nya. kanina lang, sa isang restaurant sa makati. itutuloy mo pa ba ang plano mo sir?"
di ko na narinig pa ang iba nyang sinabk dahil para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko.
may boyfriend na sya? di na nya ako hinintay? h-hindi na ako ang...
wala sa sariling ibinato ko ang cellphone ko kasabay ng mga unan sa kama ko.
nanginginig ang mga kamay kong pinagtatapon ang mga natitirang unan at kumot sa higaan ko.
"MAHAL KOOOOOOO!" umiiyak na paghihinagpis ko. isang mahapding kirot ang naramdaman ko sa dibdib ko habang iniisip syang may kayakap nang iba. "Angelineee!!!!!!" mabilis na lumabo ang panignin ko dahil sa luha at agad akong bumagsak sa kama nang mawalan ako ng balanse.
di ko inaasahang ito ang kahahantungan namin.
Humanda ka. Kasalanan mo kung bakit kami nagkahiwalay. kasalanan mo kung bakit nya ako iniwan. kasalanan mo ang lahat ng ito.
at lahat ng kasalanan ay may kabayaran. hintayin mo.
Itutuloy...
Hi guys, sorry sa mabagal na update. mahirap mag isip tungkol dito habang nag iisip ng pwedeng study about sa research. Mahirap palang maging istudyante talaga jusq. ngayon lang po kasi ako nag effort sa studies ko HAHAHA buti nga nakakapasa pa ako sa section ko ih.

YOU ARE READING
Not Enough
FanfictionMay mga bagay talaga na kahit anong pilit mo, hindi mangyayari. kahit anong gawin mo, still, It's Not Enough