Chapter 4

128 4 0
                                    

C4

Kaori's POV

hinahanda ko na yung mga gamit ko para sa bago kong trabaho nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko

"Kaori? kaori anak?" ah si mama pala. binuksan ko naman yung pinto para makapasok si mama sa kwarto ko

"Bakit po ma?" tanong ko at umupo sa kama ko. sumunod naman si mama at hinawakan ang kamay ko

"ready na ba talaga magtrabaho ang baby ko? naku baka uminit lang yung ulo mo don kapag inutusan ka ah?" mukha syang nag aaalala talaga na mangyari yun kaya natawa ako

"Mama naman, syempre hahabaan ko yung temper ko noh. kesa naman yung araw na itatagal ko sa trabaho ang umikli" nakangiti kong sabi sa kanya, pilit na pinapagaan ang loob nya.

sabagay, di ko naman masisisi ang mama ko. masyado kasi akong spoiled sa kanila ni papa kaya naman sanay akong nakukuha ang gusto ko, yung ako yung nasusunod. kaya baka kaoag inutusan ako, ako pa ang magalit. hahaha.

tumango na lang sya "Sige na 'nak. pinaghanda kita ng baon mo. nilagyan ko pa ng extra para kung sakaling may maging kaibigan ka agad at gusto mo syang bahagian"

napangiti naman ako. ang bait talaga ng nanay ko. sobra.

yung tumawag nga pala sakin nung isang araw, yung secretary yun ni Mr. Sison daw, yung big boss nila.

pagdating ko sa building, dumiretso agad ako sa attendance at pumunta na sa room na pinapapuntahan sakin

"Good morning, Miss. pinapapunta ako dito ni Mr. Sison? ako yung bago, sasabihin nya daw kung kanino ako magta-trabaho" bati ko sa babaeng nasa labas ng office room na iyon. mukhang secretary ito ni Mr. Sison

ngumiti naman agad ang babae sakin "Ma'am---" tumingin muna ito sa folder ko bago nakangiti ulit na tumingin sakin "uh, Ms. Oinuma, kanina pa po kayo hinhintay ni Mr. Sison. Good luck po sa first day" nakangiti pa din ito. tingin ko naman di sya plastik. normal na ngiti lang ang pinapakita nya eh. di pilit

tumango na lang ako bago ngumiti, tsaka ako tumuloy sa pinto ng office, kumatok muna ako bago ako pumasok.

striktong tingin ang sumalubong sakin pagkapasok ko. marahil ay sya si Mr. Sison. agad naman akong yumuko ng bahagya bago ngumiti

"Good morning po, sir. ako po si Kaori Oinuma, yung ba----" di ko pa natatapos yung sinasabi ko nang bahagya nyang ini-wave yung kamay nya, tila pinapatigil ako.

"I know. stop the introduction. we'll just wait for them. by the way, you'll be helping the secretary in monitoring and doing things for him" sabi nito

kinabahan ako na ewan pero bahala na. nandito na ako. alangan namang maging tambay ako forever diba? though wala naman talagang forevs.

biglang bumukas ang pinto at nagulat ako  nang makita ko si Mama beth at syempre, yung lalaking kinaaadikan ko! omg! sino pa ba? si Seth Fedelin lang naman ang pinaka kinaadikan ko noh!

nakita kong nagulat din sila pareho. pero ang kyut kyut pa din ni yancybabe ko kahit nanlalaki ang mata. hihihi. enebe. bakit ka ba nakatitig, babe? nawe-wet akesh ih. charot na may kasamang harot.

"K-kaori?" na-shookt naman ako kasi kilala pa pala ako ni yancybabe ko! omg.

"Beth, she's Kaori, the one that i'm talking about. Kaori, this is beth, and I bet you already know Seth here. they're going to be your workmate" singit ni Mr. Sison, maitim. areeeng!

na-shookt na naman aq. di ko alam kung matutuwa ba ako, kakabahan o kikiligin? o baka naman sabay-sabay kong nararamdaman yun?

will this be a good idea? or will this bring a 180° turn?

to be continued...

sorry for the lame update po. wala talaga akong maisip na scene eh. sorry.

pero pramis talaga kapag binasa nyo yung "My Unlucky Love Story", mas maganda ang updates don hehe.

Not EnoughWhere stories live. Discover now