Chapter 2

167 8 0
                                    

C2

SETH'S POV

Habang hila hila ko ang babaeng to ay kumakabog ang dibdib ko. Naiinis ako at gusto ko itong pigilan pero wala akong magawa. Pinanghihina ako nitong nararamdaman ko.

Ano ba tong ginagawa ko? Di pwede to. Baka masira nito ang plano ko

"Seth! Bakit ang tagal mo---- oh? Sino yang kasama mo?" Biglang singit mi mama beth kaya natuon sa kanya ang paningin ko. Naniningkit ang kanyang mga mata

Natawa ako sa inakto nya "kaibigan ko lang, mama beth" nakangiti kong sabi pero ganon pa din ang tingin nya sakin. Alam kong nakakahalata na ang babaeng ito sa gilid ko kaya nabahala ako lalo.

Tumingin pa muna sya sa babae bago ako hinila papalayo don

"Alam kong naiintindihan mo ako, mama" pangunguna ko bago pa sya magsalita

"Naiintindihan?!" Nagulat ako nang bigla nya akong pinalo sa balikat kaya napahawak ako don at gulat na napatingin sa kanya "sino nagsabi sayong naiintindihan kita?!" Isa pang palo ang iginawad nya sakin kaya lalo akong umiwas at sinamaan sya ng tingin

"Mama ha!" Dinuro ko pa sya nang akmang papaluin nya pa ako "nakakailan ka na! Mama naman! Alam mo naman ang nararamdaman ko!" Sabi ko pa kaya napatigil sya

"Alam ko. Naiintindihan ko ang nararamdaman mo pero ang di ko maintindihan ay itong ginagawa mo" seryosong tugon nya kaya napatingin na lang ako sa kanya "hindi tama ito, seth. Kung itutuloy mo to, balang araw ay makikita mo kung ano yung sakit na hinahanap mo" bigla nya akong iniwan pero nakatingin pa din ako sa spot na kinalalagyan nya kanina.

Hindi. Kung talagang naiintindihan nya ang nararamdaman ko ay aayon sya sakin. Sakin at hindi sa kanya.

"K-kuya seth? N-nagalit po ba si Mama beth?" Agad akong napatingin sa babaeng to na hila-hila ko kanina. Para syang nahihiya na ewan "k-kung di po okay, pwede na po akong umalis" nakangiti nyang sabi bagaman halatang kinakabahan

ang cute nya

Napailing ako "hindi. Sumama ka sakin, kung okay lang" agad syang tumango kaya hinila ko ulit sya "nag-dinner ka na ba?" Walang kwentang tanong ko. Obviously, di pa kase nandun sya sa mall show ko

d-_-b

"Di pa po" nakayuko nyang sabi kaya lalo akong natawa. Mukha syang nagtaka kaya nag angat sya ng tingin sakin

Natigilan ako.

Ang ganda talaga ng mga mata nya

"Wag kang mahiya sakin, okay? Halika. Samahan mo akong maghapunan" nakangiti kong sabi at pinasok sya sa loob ng kotse ko

Tahimik lang kami sa biyahe. Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa, actually. Di ko alam kung dahil ba sa sinabi ko kanina kay mama beth o may iba pang dahilan. Pero ang pinakamalapit na posible ay iyon

"Pwede ko po bang malaman kung bakit nyo to ginagawa?" Mamaya-maya'y sambit nya sa gitna ng katahimikan. Nagtataka akong nakatingin sa kanya, pinapaalam na di ko maintindihan ang sinasabi nya. Mukha namang na-gets nta ito "bakit mo ako pinansin? I mean---- hindi naman sa ayaw ko. Nagtataka lang ako. Tapos ito, sinasama mo pa ako sa hapunan mo" natigilan naman ako dahil sa sinabi nya

Napabuntong hininga ako. Agad na may bumalik na ala-ala sa isip ko. At ayoko don. Ayoko nang balikan. Ayoko na. Sawa na ako.

"Di ko alam. Di ko din alam" pigil ang hiningang sabi ko. Ayoko na. Ayok

"Nako baka in love ka na sakin, kuya ah? Areng" tumatawa nyang sabi kaya napatitig na naman ako sa mga labi nya

Pero parang sinaktan ko lang ang sarili ko. Agad akong nag iwas ng tingin.

"Baka" makahulugang sabi ko tsaka mas binilisan ang takbo ng kotse

To be continued...

Omgggg nahihirapan na ako huhu. Areng. Oy binago ko nga po pala yung C1. Baka lang di nyo makita. Baka magkamali kayo d^_^b

sa totoo lang, mahal na mahal ko ang KaoSeth pero naiinis na ako kay Kaori. Sorry ate kao pero kase, parang laging nada-down ang FamDom natin. Di nya pinapansin, pero kapag iba like KaoRhys or KaoChi ba yon? Pinapansin nya pare. Nakakalungkot. Pero love ko pa din sila yieee. Laban lang. Maglalayag din tayo patungong araw 💛🌞

Not EnoughWhere stories live. Discover now