C1Maingay na sigawan kahit saang banda. Magulo at nagtatalunang mga tao.
Napailing ako, pero ang totoo, isa ako don sa mga yon
HAHAHAHAHA
Panandaliang natigil ang kasiyahan namin nang sumingit ang host na nasa unahan "Guys! Thank you for today! Pero ikinalulungkot namin na hanggang dito na lang ang mallshow ni Mr. Seth" biglang sabi nya kaya ang daming nagsigawan na naman, kabilang na ako
"HINDI PWEDE YON! ASAWA KOOOOO! WALA PA. TAYONG PICTUREEEEE!!!" Kung malakas ang sigawan ng iba, di ako papatalo noh! Akin ang pinakamalakas, syempre
d--,b
May ibang inis na napapatingin sakin pero tinatarayan ko lang sila. Duh? Pakialam ba nila? Di ako gaya nila na nahihiya pa, e aalis na yung idol nila? Duh?
"Guysss! Listen!" Biglang salita ni seth kaya lalong nagsigawan "Dapat kasi tayong sumunod sa rules. Ang sabi kasi sa akin ay hanggang alas syiete lang, at sa totoo lang ay lagpas na ng alas syiete. Sorry guys" sabi nya kaya madaming nalungkot
Inilibot nya ang paningin nya at...
Parang tumigil ang mundo ko nang TUMINGIN SYA SAKIN AT NGUMITI!!!!
Aalisin nya na sana ang paningin nya pero syempre di ako papayag!!!!
"KUYA SETHHHHH!!!! AKIN KA NA LAAAAAAAANG!" Sigaw ko na talaga namang sobrang lakas
d--,b
At gaya ng inaasahan ko ay muli syang napatingin sakin at parang natawa
"Pwede naman haha" natatawa ata talagang sabi nya kaya lalo akong kiniliiiiiiiig alam kong para sa akin yonnnnn
Enebeeeee nemeen yeeeen keye seth eneeebeeeee
d❤_❤b
"WAAAAAHHHHHHHHH!" sigawan ng iba pero syempre mas malakas pa din ang akin dyan noh
Ilang minuto pa nya pinursue ang mga fans nya na tapos na daw ganito ganyan. Tapos may pa-sabi sabi pa sya na magkikita daw ulit kami, well, hehehe kasama ako don syempre. Pero di ako nadadala sa paganyan ganyan nya noh.
Nung paalis na sya, dali dali akong tumakbo papunta sa aalisan nya dapat pero syempre, nahirapan ako
"Ano ba naman yan!"
"Alam ng masikip, nasingit pa"
"Luh. Sorry po ah? Nakakaharang ata ako? Masikip po kase? Baka lang di mo alam?"

YOU ARE READING
Not Enough
Hayran KurguMay mga bagay talaga na kahit anong pilit mo, hindi mangyayari. kahit anong gawin mo, still, It's Not Enough