keiko shin's
Camp na namin ngayon. Pagpasok ko ng campus ay nakita ko agad 'yung bus namin pati na rin mga kaklase ko.
Napansin ko rin si Wooseok na may kausap na babae sa may tabi ng bus. Baka siguro 'yun 'yung katabi niya.
Papasok na sana ako ng bus habang dala ko 'yung gamit ko nang bigla ako tawagin ni Wooseok.
"Keiko!" Lumingon naman ako at hinila niya bigla 'yung kamay ko at pumasok kami sa loob ng bus.
Pinauna niya naman ako umupo para sa may bintana ako pumuwesto.
"Hinintay nga kita dun sa labas tapos iiwan mo rin pala ako." Sambit ni Wooseok.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti, "Akala ko kasi siya na katabi mo eh."
"Si Hailey? Hindi ah, ayoko dun. Palagi ako kinukulit nun. Ilang beses ko na iniwasan tsaka nireject 'yun." Sabi niya. Pero sa akin, okay lang? Yieeee charot.
—
Nakarating na kami sa camp site and everyone's is setting their tents agad after sinabi ng mga guides doon.
Tinignan ko muna si Wooseok habang nagseset-up siya ng tent niya.
"Kailangan mo ba tulong?" Tanong niya sa akin. Tumango ako at lumapit siya sa akin.
Kinuha niya naman 'yung tent ko at inayos. Kilig naman ako. Char.
Hindi ko namalayan na tapos na pala siya kaya nagthank you ako at bumalik na siya ulit sa tent niya.
Pagkatapos nun ay nagkaroon na rin na mga activities tsaka kainan.
Pero nung dumating na 'yung gabi, nagkaroon na ng free time kaya pwede naming gawin gusto namin habang may bon fire.
Habang may sari-sariling mundo ang lahat, nakaupo ako malapit sa may bon fire.
Tumabi sa akin si Wooseok at ngumiti siya bigla sa akin, "Keiko."
"Bakit?"
"Bakit kakaiba ka sa lahat?"
Ha? Anong kakaiba?

YOU ARE READING
stranger | wooseok
Historia Corta❝'wag mo naman ako i-friendzone. jowa hanap ko hindi kaibigan.❞ ❝stranger❞ ➳ kim wooseok ➳ broduce x series ➳ completed. ➳ neozity epistolary.