end

1.5K 80 49
                                    

kim wooseok's

Si Jinhyuk nagdrive papunta sa venue. Nung malaman kong ngayon siya ikakasal, narealize ko na ayaw ko talaga siyang mawala sa akin.

Tama sila. Dapat nakinig muna ako sa kanila. Pero hindi ko naman alam gagawin ko dahil makapangyarihan ang pamilya nila. Prinsesa si Kei ng pamilya niya.

"Dito na tayo. Ito 'yung sinabing address ni Kookheon." Bumaba ako ng kotse ni Jinhyuk.

Tatakbo na sana ako papasok nang hawakan ni Jinhyuk 'yung braso ko.

"Teka lang, may plano tayo, susunduin tayo ni Byungchan tsaka Dohyun dito." Sabi ni Jinhyuk sa akin.

Nakita namin na tumatakbo si Dohyun at Byungchan papalapit sa amin.

"Tara, hindi pa nagstastart 'yung wedding." Sabi ni Byungchan.

Tumakbo naman kami kung saan tumakbo si Dohyun. Nakita ko naman 'yung kotse sa tapat, may flowers dun. Baka nandun si Kei.

"Hyung, si ate 'yan. Ikaw na bahala sa kanya. Si Byungchan hyung bahala kay Kookheon hyung." Tumango naman ako sa sinabi ni Dohyun.

Nagsimula na ako tumakbo papalapit sa kotse at humarap ako sa tinted na window ng kotse. Sinubukan ko naman kumatok.

Bumaba 'yung salamin ng kotse at ayun nga, nakita ko si Kei. Nakamake-up siya, pero halata pa rin sa mata niya ang pakamaga.

Pero, ang ganda niya pa rin.

Ningitian ko siya, "Hi, Kei." Bati ko sa kanya.

Lumabas naman siya ng kotse at niyakap ako bigla ng mahigpit. Nakarinig ko naman ng mga hikbi.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya habang hinihimas ko 'yung ulo niya.

"Akala ko wala ka na pake sa akin." Sambit niya.

"Hindi ah, kaya tara na."

"Tutulungan mo kami tumakas ni Kookheon?" Tanong niya tapos kumalas siya sa yakap. Tumingin naman siya sa mata ko, hinihintay ang sagot ko.

Ngumiti ako at nilagay 'yung ibang strands ng buhok niya sa likod ng tenga niya, "Oo." Sagot ko.

Nakita ko naman tumatakbo papalapit sa amin sila Byungchan, Dohyun, Jinhyuk na kasama si Kookheon.

"Tara na, sa kotse ko." Sabi ni Jinhyuk.

Aalis na sana kami patakbo nang makarinig kami ng boses.

"Keira, where the hell are you going again?" Napalingon kami lahat sa tatay ni Kei, "Really, Kei? Nandamay ka pa talaga? Pati kapatid mo dinamay mo? Si Kookheon sinama mo pa sa walang kwenta mong plano?"

"Dad, I just want to live my life I want. Ilang years na ako sumusunod palagi sa gusto mo. Hindi mo ba ako naisip? Kami ni Dohyun? Puro na lang 'yung business! Hindi mo ba naisip 'yung pangarap ko, Dad? Gusto ko maging fashion designer! Gusto ko rin pakasalan 'yung taong mahal ko, Dad."

Napatingin sa akin si Keira at ngumiti kahit may mga luha siya sa mata niya. Bigla naman dumating 'yung nanay ni Kei na may mga luha rin sa mata. Paniguradong narinig din niya ang mga sinabi ni Kei.

"Nak, we're sorry." Ang tanging nasabi ni Mrs. Nam.

"Mom, Dad. May boyfriend ako." Matapang na sabi ni Kei. Napatingin ako sa kanya at tumingin na nagtataka.

Nabigla rin 'yung mga magulang niya at nagulat ako nang hawakan ni Kei 'yung kamay ko, "Si Wooseok po, boyfriend ko."

Parang hindi naman tanggap ni Mr. Nam 'yung sinabi ni Kei dahil halata naman sa mukha niya. Pero si Mrs. Nam ningitian ako kaya ningitian ko rin siya pabalik.

Hinawakan ni Mrs. Nam 'yung asawa niya sa braso, "Ako na bahala sa Daddy mo, Kei. Umalis na kayo. Aayusin ko lahat nito. Sorry, nak."

"Thank you, My." Sabi ni Kei.

Hinila ni Kei 'yung kamay ko at tsaka kami pumunta sa kotse ni Jinhyuk.

Pero bago siya sumakay hinila ko muna. Napatingin sa akin silang lahat tapos nagsalita si Jinhyuk, "Sige, hahayaan na muna namin kayo mag-usap."

Tumingin sa akin si Kei at hinawakan ko parehas 'yung kamay niya.

"Totoo ba 'yun, Kei? Boyfriend mo ako?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman."

"Weh?" Paninigurado ko.

"Gusto mo pa pakasal na agad tayo eh." Natatawang sabi niya.

"Tara." Natatawa ko ring sabi ko.

Niyakap ko naman siya at pagkatapos nun hinakawan ko 'yung mukha niya.

"'Wag ka na umiyak, ha? Nandito na ako. I love you, Keik— Keira pala." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

"Thank you, Wooseok. I love you too." Tapos ngumiti pa siya, "Parang dati nastranger-zoned ako, ngayon ano na?"

"Lover-zoned?" Natatawang biro ko.

Oo nga no? Strangerzoned lang pala dati pero iba na 'tong narating namin.

— ♡ —

THE END YEY.
sorry corny hehehehehehee.

sino mas gusto niyong isunod ko tapusin?

koo jungmo or lee eunsang?

anyways, may draft na ako para kay sihun!

salamat sa pagsuporta nito!! malapit na siya mag 4k reads! thank you so much!!

i love you all!! ♡

stranger | wooseokWhere stories live. Discover now