keiko shin's
Uwian na at habang nag-aayos na 'yung mga kaklase namin, nilapitan ko si Wooseok na nag-aayos din ng gamit niya.
Tumingin siya sa akin at ningitian ko siya, "Saan kayo magprapractice?" Tanong ko sa kanya.
"Sa dance room lang." Tapos sinabit na niya sa balikat niya 'yung bag niya, "Tara na." Sabi niya.
Naunang lumabas si Wooseok kaya sumunod na ako sa kanya tapos tumigil kami sa tapat ng dance room.
"Dito ka na lang sa labas." Sabi sa akin ni Wooseok.
"Ha?"
"Wooseok hyung, nandito ka na pala— Oh, hi!" Bati nung lalaki sa akin, "Donghyun nga po pala hehe."
"Keiko." Nakangiting sabi ko.
Naglapitan naman lahat sila sa pinto.
"Hoy teka, ano meron?" Tanong ni Wooseok sa kanila.
"Wala, curious lang kami sa inyo, hyung." Sabi nung isang lalaki Tinignan ko naman 'yung nameplate na suot niya. Lee Hangyul 'yung nakasulat. Binasa ko isa-isa 'yung nameplate nila. Keum Donghyun, Cho Seungyoun, Lee Sejin, Lee Hangyul, Kim Sihun at Hong Seongjun
"Sa amin?" Tanong ni Wooseok tapos tinignan naman ako ni Wooseok.
"Eh, kung magpractice na kaya tayo?" Sabi ni Wooseok sa kanila. Bumalik naman silang lahat sa kani-kanilang pwesto pero ako nagpanatili pa rin ako sa labas ng dance room.
"Bakit hindi ka po pumapasok, ate?" Nahihiyang tanong nung Donghyun. Tapos tumingin silang lahat sa akin.
"Pasok ka." Sabi nung Sihun.
"'Di sabi kasi ni Wooseok, dito na lang ako." Sabi ko sa kanila. Bakit ba?! Masunurin ako eh.
"Tsk tsk. Si hyung talaga!" Sabi ni Seongjun.
Napa-'tsk' si Wooseok at lumapit siya sa akin tapos kinuha niya kamay ko at hinila papasok sa loob, "Masyado kang masunurin." Sabi niya. Syempre, ikaw 'yan hihi charot.
—
Tapos na 'yung practice at grabe, ang galing naman nila sumayaw tsaka kumanta. Tapos nakakainlove lalo si Wooseok. Paano pa kaya kapag 'yung mismong performance na nila?
Napatingin ako kay Wooseok at nakita kong hinihingal siya. Sakto namang may tubig akong dala kaya lumapit ako sa kanya at inabot 'yung tubig. Tinanggap niya naman 'to. Yieee.
"Salamat." Tapos binalik niya sa akin'yung tubig pero wala ng laman.
"Wow, sana all." Sabi ni Sejin.
Natawa naman ako, "Bibilhan ko na lang kayo!" Sabi ko sa kanila. Natuwa naman sila lahat except kay Wooseok.
"'Wag na. Malalaki na 'yang mga 'yan." Sabi ni Wooseok.
"Grabe ka naman, Wooseok!" Sabi ni Seungyoun.
"'Di ayos lang! Bilhan ko na rin kayo makakain." Sabi ko tapos kinuha ko 'yung wallet ako at lumabas.
Bumili ako ng pagkain sa malapit na mall sa school. Bumili ako ng mga pwede makain tsaka dinamihan ko rin kung maari.
Pagkatapos ay bumalik ako sa school at napansin kong nakaabang pala dun si Wooseok sa may gate.
"Bakit ang dami mong dala?!" Sabi ni Wooseok sa akin, "Akin na nga 'yan." Tapos kinuha siya sa akin lahat ng dala kong plastic na may lamang pagkain.
Naglakad na kami pabalik sa dance room. Pinagtitinginan naman nila si Wooseok. Grabe, sikat pala talaga siya rito.
"Bakit ang dami mo naman binili? Tsaka, ang laki ata ng ginastos mo rito. Magkano ba 'to?" Sabi ni Wooseok sa akin.
"'Di ayos lang naman. 1k lang naman." Nakangiting sagot ko.
"ANO?!" Nagulat naman ako sa kanya.
"Ha? Bakit ano problema dun?" Sabi ko sa kanya.
"Saan ka ba bumili? Sa restaurant???" Sabi niya.
"Parang ganon na nga—"
"Siraulo ka ba???"
Nakarating naman na kami sa dance room at tuwa-tuwa silang lumapit sa amin.
"Keiko, bakit ang dami mo naman ata binili tsaka mahal pa ata 'to." Sabi ni Seungyoun.
Pero nagpasalamat sila sa akin.
"'Wag mo na ulit gagawin 'yan, kahit anong bilhin mo okay na. Masyado 'tong madami." Sabi ni Wooseok.
Thank you lang naman, Wooseok, okay na. Hmph.
![](https://img.wattpad.com/cover/187995737-288-k233223.jpg)
YOU ARE READING
stranger | wooseok
Historia Corta❝'wag mo naman ako i-friendzone. jowa hanap ko hindi kaibigan.❞ ❝stranger❞ ➳ kim wooseok ➳ broduce x series ➳ completed. ➳ neozity epistolary.