Ch.10

15 6 2
                                    

CHAPTER TEN

******

Arah POV.

Nagpababa na kami sa spacing coaster nung sumigaw ako.. Hinimatay kasi si Tomtom.. Nangangatog na ako sa takot kung anong nangyari.. Napansin ko ring kanina na wala siyang imik .. Pero tinanong ko naman siya sabi niya okay lang..

"Relax Arah.. Magiging okay din siya." Diniretso agad namin siya sa hospital .. Hindi ko rin alam ang gagawin ko dahil first time lang ako makakita ng nagcollapse sa mismong harapan ko..

"Anong bang problema sakanya Sonson? anong sabi ng doktor?"

"Nastress lang daw sabi ng doktor .. my fear of heights kasi si Tommy, Arah. kaya sinabayan ito. hindi na kinaya.."

"Ano? takot siya sa matataas tapos nang aya siyang sumakay don?" Hay! wala ba sa pag iisip yung lalaking yun? Nang ayang sumakay sa rides , eh may takot pala sa matataas..

"Ikaw ?! nanaman?! Nasaan ang anak ko ha? Ano nanamang ginawa mo sakanya?" .Nagulat ako sa babaeng sa tingin ko ay 40+ years old na pero hindi masyadong halata kung hindi mo tititigan .. Kung sa unang tingin ay dalaga..

"Tita? Mag eexplain ako"

"No! Mr.Liam! Lagi nalang napapahamak ang anak ko!"

*SLAAAAAAP* Kasabay ng isang malakas na sampal ang pagtulo ng luha nito. At hindi ko na kinaya kaya sumabat na ako..

"Tita.. Excuse me po? I can explain. Kasama po ako ni Tomtom.."

Tumingin siya saakin at hinead to toe.. "So kasama ka kaya napahamak nanaman ang anak ko?!"

"No Tita! Wala siyang kasalanan!" Sabat ni Johnson..

"Umalis na kayong dalawa bago pa ako tumawag ng guard para kaladkarin kayo! At ayoko nang makita pa ang pagmumukha niyong dalawa!" Galit na galit nitong sabi.. Ano bang kasalanan ni Johnson at ganun nalang magalit ang Mommy ni Tomtom?

"Tara na."

Makalabas kami ng Hospital .. Hindi na ako nagdalawang isip pa na magtanong ..

"Sonson?"

"Hmm? Sasagutin ko lahat yang tanong mo..Pero umupo muna tayo." Tinuro niya yung bench at nauna siyang umupo. Tapos tinap niya yung space sa tabi niya..

"Paano mo nakilala ang mommy ni Tomtom?"

"Bestfriend ko si Tommy gradeschool palang kami.. Halos araw araw nasa bahay nila ako.. Parang mas nanay ko pang ituring si Tita keysa sa Totoong mommy ko.. Haha Nakakatawa nga eh Gradeschool palang kami nun.. Nainlove ako at sa tingin ko naman nainlove din siya sa babaeng kakaiba na yun.. " Nakikinig lang ako sa kwento niya.. Satingin ko seryosong seryoso siya at mabigat ang dinadala niya.. Pero? Hindi kaya ? Si Tomtom at yung Firstlove ko ay iisa? Pero hindi.. Hindi naman bestfriend ni Johnson yun eh..."at dahil dun nag away kami ni Tommy.. Naiinis lang ako dahil masyadong indenial pa siya sa nararamdaman niya.. " Bukod saakin may naging crush pa si Johnson ? Bukod saakin nainlove din sa iba si Johnson? "Arah.."

"Hmm? ituloy mo lang ang kwento Sonson.. Makikinig ako"

"Haha.. Sigurado ka?"

"Ou naman.. Gusto ko gumaan yung pakiramdam na dinadala mo.. "

Johnson Liam POV.

Hindi ko alam kung nasa posisyon pa ako para sabihin sakanya at ituloy ang kwento.. Pero sobra na ang sakit na nararamdaman ko ngayon.. Sobrang galit na galit pa saakin si Tita .. Kaya Itinuloy ko na..

"So ayun nga... Nainlove ako, Ginawa kong bestfriend yung babae na yun.. Pero out of the blue nagtanong siya saakin.. "Sonson anung pangalan ng lalaking nakapolo nayun?" Hindi ako umimik.."

"Sonson?"

"Ang sakit kasi. Iniisip ko nga na makakaporma pa ba ako sakanya ? kasi iba pala yung gusto niya. Ano na lang pala ako magiging panggulo? Psshhh. Ha ha!" Kasabay ng isang pekeng tawa para mapigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko na kanina pang nagbabalak. "Nung mga sumunod na araw naging close sila.. Tumigil na ako sa kanya, umiwas para mapigilan tong sakit." Tinuro ko yung left part sa dibdib ko.."Palihim ko siya laging tinatanaw , sinusundan kung saan siya pupunta. Gustong gusto kong siyang lapitan pero ayoko namang mawala yung ngiti niya paglapit ko kaya hindi na ako nagbalak. Naramdaman ata ni Mamu na malungkot ako kaya pinadala niya ako sa America, Nabuhayan nga ako ng loob nun e, kasi nabalitaan kong pupunta din siyang America."

"Sonson anong ibig sabihin mo?

Arah POV.

"Sonson anong ibig mong sabihin?" Maraming tanong at pumapasok sa utak ko. Tinanong ko siya pero nagpatuloy lang siya sa pagkukwento.

"Hm, *sniff* kaya nga andito nanaman ako sinusundan siya pero, Napakamanhid niya. Minsan nabibingi na nga ako e, kasi palaging bukang bibig niya yung pangalan nang bestfriend ko..*sniff*" Nasasaktan ako sa nakikita kong umiiyak si Sonson sa harapan ko. PALAGI! Kasi sino ba namang baliw ang ibang bukang bibig? E samantalang andito yung naging sandalan ko ng matagal.

"So-sorry Sonson!" Hindi ko na napigilan. Nasasaktan na ako ng sobra , akala ko okay parin pero hindi na pala.

"Arah? Bakit? HIndi pa tapos ang kwento ko ah.!" Ni hindi siya makatingin saakin.

"Sorry Sonson! Alam ko nayan e. Nagsosorry yung girl na manhid kasi hindi manlang niya binigyan ng chance yung lalaking naging sandalan niya, Na mahal na mahal siya.." Ako na ang nagtuloy . Ako kasi yon e!

"Arah pwede ba magtanong?" Hindi ako sumagot dahil hindi ako ready. Hindi ako ready sa isasagot ko.

"...."

"Okay lang kung hindi mo sasagutin. Pero itatanong ko lang naman kung babalik ka ba kung sakaling kunin ka ulit saakin ni Tommy?"

"Sonson, siguro oo. Kasi alam naman natin na siya lang eh. Siya lang ang tinitibok nito.Sorry Sonson" Turo ko sa left part ng dibdib ko.

"Alam ko," Ngumiti siya pero alam kong peke at pilit lang ito. "Umuwi ka na , Bukas okay narin naman si Tommy. Hindi kita maihahatid may pupuntahan pa ako. Ipapara nalang kita ng taxi. " Nauna siyang naglakad saakin.

Nakatayo lang kami dito sa kalsada walang imikan. Ang awkward nga eh.. Maya maya may humintong taxi sa harapan namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at Kinausap niya yung driver..

"Manong ihatid mo siya ng buo ah!" Aktong isasara na niya yung pinto pero.."Teka manong! Kukuhanan muna kita ng picture.. In case lang na may mangyari e, Ipapabillboard ko itong picture mo..*click* Yan! Good, pang bench to manong. Haha!.." Sabay humarap siya saakin at ngumiti. Yung Johnson nung nasa America kami Jolly, Pero ngayon konti nalang hindi katulad ng dati."Bye! Arah ingat!" *BLAAG* tas nag wave na siya.

Nakauwi naman ako ng buo . Hindi nga lang maganda ang pakiramdam ko. Andaming nangyari sa araw na to. Tama nga yung sabi na ang saya ngayon, mamaya mapapalitan ng lungkot ..

\

tbc; sorry medyo sabaw.

I need 10 votes please?;) guys. ♥ btw' comment kung sino want idedicate ko :) im effin nice , okay? :* ciao!

-SimplengBrutal<3

Again And AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon