Chapter One

16 2 0
                                    

Chapter 1

Amy POV

Kanina pa ako naglalakad mahanap ko lang yung  room 802 na yan. Naiinis na ako dahil kanina pa ako paikot-ikot sa buong paaralan na ito.

Pawisan na ako at sa tingin ko ay bago ako makarating sa room ako ay dugyutin na ang itsura ko. Hulas na hulas na ako.

Hindi rin nagtagal nahanap ko rin ang kwartong ito. Agad akong sumilip sa bintana at nakita kong halos marami na ring tao sa loob.

Pagkapasok ko ay hindi na ako nagulat sa nakita ko. Halos mga kaklase ko rin ito noong nakaraang taon. Agad akong umupo sa isang upuan sa gilid ngunit nasa harapan ito. Ayaw ko munang makipag kaibigan sa iba dahil wala akong tiwala.

Marami na akong naging kaibigan noon kaya nga lang bina-backstab ako hahaha di kayang lumaban ng nakaharap ako.

Dahil wala akong magawa magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Alexandra Emily Salazar for short Amy nalang. 17 years old na ako at isa akong highschool student.

Nagulat ako ng bigla na lang akong tabihan ni Clint. Kaklase ko rin s'ya last year. Chicboy yan kaya mag-iingat kayo kahit ako ay hindi nakatakas sa mga pagpapaasa nyan.

Biruin mo last year kada tapos ng PE namin hinahalikan ako sa noo at sasabihin mag-ingat ako sa pag-uwi. Isa pa minsan din ako hinalikan sa pisngi kaya nakatanggap sya sa akin ng malutong na sampal. Tapos nalaman kong ganon ang trato nya sa ibang mga babae.

"Amy kamusta? Mag kaklase na naman tayo ah." Nakangiting sabi nito. Hindi ko masasabing gwapo pero may itsura naman si Clint mabait din sya at makakasundo mo pagdating sa kalokohan.

"Kaya nga eh kaklase na naman kita. Nagsasawa na ako sa pagmumuka mo." Sabay irap. Nagulat na lang ako ng bigla nyang kurutin ang magkabila kong pisngi.

"Putcha! Clint! Bitawan mo 'ung pisngi ko!" Sigaw ko sa kanya at pilit na tinanggal ang kamay nya sa muka ko.

"Mojacko!" Natatawang sabi nya at binitawan ang pisnge ko.

Yun ang kadalasang tawag nila sa akin ng mga kaibigan nya o kaya naman 'bilog' dahil daw bilogan ang mukha ko.

"Damn you Clint." Inis kong sabi.

"First day of school may lovers agad dito." Natatawang sabi ni Vanie. Kaklase ko rin sya last year.

"No way noh!" Sigaw ko. At tumawa naman ang luka.

Nilingon ko si Clint at sinabi kong umalis sa tabi ko at lumipat na lamang kasama ang mga kaibigan nya. At sa wakas nakinig naman sa akin ang shokoy na yon.

Nakita ko namang dire-diretsong pumasok ang kaibigan kong si Larra at tumabi pa ito sa akin.

"Akala ko ba ibang section ka?" Nagtatakang tanong ko. Dahil iyon talaga ang alam ko. "Akala ko ba D ang section mo?" Dagdag ko pa.

"Chill friend ako pa. Hahaha nagpalipat ako girl di ko kaya don." Maangas na sabi nya.

Jusme. Buti naman at may makakasama na akong matino dito.

---------------

Uwian na. Gustong-gusto ko ng umuwi dahil nagugutom na ako at wala akong balak makipag bonding sa mga kaklase ko.

Natatawa nalang ako sa kabaliwan ko kanina dahil may iilang lumalapit kanina para makipagkilala pero tinatarayan ko lang.

Na-elect din ako bilang president hahaha. Humanda na sila sa bagsik ko. Nung una nananahimik lang talaga ako pero nagulat ako ng i-nominate ako ni Clint, sira talaga ang ulo ng lalaking iyon.

"Bilisan mo gutom na ako." Sabi ko kay Larra. Magkasabay kaming uuwi dahil halos magkapit-bahay lang kami.

"Dun muna ako sa inyo. Makikikain muna ako saka maaga pa naman." Ayos lang. Palagi naman syang nasa bahay at kilala na rin sya ng mga tao doon.

Nang makarating kami sa bahay ay naabutan pa namin ang kapatid ko. Si Lebron Salazar pero minsan ay tinatawag syang Levi. Kasama nito ang kanyang girlfriend na mukang unyango.

Hahaha bitter ang lola nyo.

"Babush" sabi ko at sinarado ang pinto.

"Simulan mo ng maghugas ng pinggang Larra."

"Ay! lintek pala. Nagpunta ako dito para makikain hindi para mag hugas ng mga plato nyo. Gagang 'to." Ganto talaga kami magmahalan.

"Wala ka talaga alam gawin kundi kumain." Agad akong nagtungo sa kusina at naghanap ng pwe-pwede naming kainin. May pork pa sa ref kaya iyon nalang ang lulutuin ko.

"Tara pumunta muna tayo ng talipapa para bumili ng mga panahog sa ulam. Mag-ambag ka naman par." Natatawang sabi ko. Agad naman akong inabutan ng bente.

"Saan aabot ang bente pesos mo?" Ginagaya ko pa ung commercial ng cornetto.

"Wala na akong pamasahe." Sagot nya.

"Baka gusto mong suntukin kita. 'Di ka namamasahe ine nilalakad mo lang ang bahay nyo papuntang school." Natatawang sabi ko.

Wala na syang nagawa at inabutan pa ako ng sampung piso. Kuripot talaga.

------------

Habang kumakain kinukwento naman sakin ni Laraa ang mga chismis na nakalap nya.

Si ganto daw nabuntis.

Si ganto daw iniwan ng jowa at pinagpalit sa iba.

Si ganto daw na galaw na.

Hahaha chismosa talaga ang babaeng to. Biruin mo unang araw ng pasukan may mga balita na s'yang nasasagap. Daig pa ang dispatch e.

"So kamusta na lovelife mo?" Bigla naman akong nasamid sa tanong nya.

"Alam mo namang walang pagbabago. Ganon pa din single." Sagot ko at pinagpatuloy ang pagkain. "Ikaw kamusta naman lovelife mo?" Pagbabalik ko ng tanong sa kanya.

"Ganun din. Wala ring pagbabago." Bata pa kami kaya ayaw ko munang magkaroon ng boyfriend. Ayos lang kung crush-crush lang.

Palagi ko ring pinagsasabihan si Larra tungkol dito na dapat palagi naming unahin ang pag-aaral at pag papa-fangirl.

Saka nga pala. Kaming dalawa lang ng kapatid ko ang palaging nasa bahay. Parehong nasa ibang bansa ang parents namin para kumayod at makapag tapos kami ng pag-aaral. Kaya palagi ring nandito si Larra sa bahay para mayroon akong kasama tuwing tanghali. At tuwing hapon mayroon akong sideline isa akong kahera sa isang barbeque house. Ayaw ko kaseng umasa lang sa mga binibigay ng magulang ko.

#TheFirstOne


-----HiddenXBeauty-----

Im Still Waiting For You (ONGOING)Where stories live. Discover now