Chapter Two

6 1 0
                                    

Chapter 2

2PM na at kailangan ko ng umalis para magtrabaho sa barbeque house. Mga kamag-anak ko rin ang may-ari noon kaya hindi na rin ako nahirapang makisama pa.

At kanina pa rin nakauwi si Larra sa kanila.

"Insan!" Bati ni Jean pagkapasok na pagkapasok ko sa loob at nginitian ko naman ito.

"Ikaw ba kapalitan ko?" Tanong pa nito.

"The one and only." Natatawang sagot ko. Halos kami-kami ring magpipinsan ang tumatao sa tindahan para hindi na kami mahirapang humanap ng tauhang mapagkakatiwalaan at para pandagdag na rin namin ng pambili ng sariling luho.

"Sandali lang insan. Punta muna akong kusina. Nandoon ba si lola?" Ang lola kase namin ang nagtitimpla ng mga iniihaw. Halos 25 years na rin ang business namin na to.

Hindi pa ako nabubuo at napapanganak ay naitayo na ang business na ito.

"Oo nandiyan sa kusina. Kanina ka pa hinihintay, alam mo naman ikaw ang paboritong apo."

"Sira." Sabi ko na lamang dahil totoo naman. Kapag may problema kase si lola sa akin agad ito nagsasabi at kapag may lakad ito ay ako ang palaging kasama.

Pagpasok ko ng kusina ay nakita kong hinahalo na nila ang imamarinate na karne.

"Lola." Masayang bati ko. Napunta naman sa akin ang lahat ng atensyon nila.

"Hay salamat Amy at dumating ka din. Halika nga apo at lagyan mo sandali ng langis ang aking balikat at likod. Hay matanda na talaga ang lola mo." Sabi nito at iniwan sa mga tauhan ang paghahalo ng karne.

"Lola naman kase 'wag ka ng tumulong doon. Kaya na nila yan." Hinalikan ko naman ang kili-kili nito na para bang naglalambing. Wala naman itong amoy.

"Hay nako. Para ka talagang mama mo. Manang-mana ka talaga." Natatawang sabi nito.

Ewan ko ba nakasanayan ko na rin amuy-amoyin ang kili-kili ni lola at totoong gawain rin iyon ni mama. Like mother like daughter.

Pagkatapos ko i-massage ang likod at balikat ni lola ay bumalik na ako sa kahera para palitan ang pinsan ko.

Sa 25 years na family business namin na ito marami na rin kaming naipundar. May kaniya-kanya ng kotse ang bawat pamilya samin at sari-sariling bahay. Pero ewan ko ba sa parents ko at gusto pa ring mag ibang bansa.  Nasa iisang compound lang kami dahil ayaw ni lola na magkakahiwalay.

-----------

10PM na at closing na. Sa wakas ay makakauwi na rin ako at may pasok pa ako bukas. Napaka daming mamimili ngayong araw at marami ding mga order kaya sobra ang pagod ko.

"Amy, sahod mo." Sabi ni Tita Mary, mama ni Jean. Iniabot sa akin nito ang 300 pesos.

"Thank you po tita. Mauna na po ako baka hinihintay na po ako ni kuya Levi." Pagpapaalam ko at umalis na.

KINAUMAGAHAN nagising ako ng kalabugin ng magaling kong kapatid ang pinto ng kwarto ko. Hindi ko pa naiimulat ng matino ang mata ko pero binuksan ko na ito ng padabog.

"Ano bang problema mo. 5:30 palang ah?!" Hindi ko maiwasang pagtaasan s'ya ng boses dahil ang ayaw ko sa lahat ay iniistorbo ang tulog ko.

"Nandito na." Nakangiting sabi nito. Ako naman itong naguguluhan. Ano bang pinagsasabi n'ya.

"Sino? Sinong nandiyan?" Nagtatakang tanong ko.

"Nandito na si Bong Revilla tutttt tutt tututtt." Kumanta pa ito saka sumayaw ng budots. Parang tanga.

"Hayop ka! Ginising mo ako para lang d'yan?" Nanggagalaiting tanong ko dahil naudlot ang masarap kong pagkakatulog.

"Hahahaha joke lang kapatid. Gumising kana kase anong oras na 6am na baka nakakalimutan mo sira iyang relo mo sa kwarto." Agad naman akong napatingin sa orasan, hindi nga ito gumagalaw.

"Thank me later. Bumaba kana may almusal na baka ma late pa ang napaka ganda kong kapatid." Bumaba na ito at napangisi nalang ako.

Dire-diretso ako sa banyo at nagbihis pagkayari. Ano kayang almusal ang niluto o binili ng shokoy na 'yon.

Pagkadating ko sa kusina ay nadatnan ko ang maraming pagkain. Himala at sinipag ang kapatid kong magluto ngayong araw ah.

"Himala at nagluto ka ngayon magaling kong kapatid." Natatawang sabi ko.

"Syempre naman kapatid. Para saan pa ang pag-aaral kong magluto kung 'di ko gagamitin sa pang araw-araw." Nakangising sagot nito.

"Buti naman at hindi mo sinasayang nag pag-papaaral sayo nila mama. Kumain na tayo at baka malate pa ako." Sa aming dalawa mas mature akong mag-isip para bang panganay ako. At parang magkaibigan lang ang turingan naming magkapatid pero pag may times na nakikita namin ang isa't isang nahihirapan sa problema doon na lumalabas ang pagka-seryoso naming dalawa.

Hindi ko kasabay si Larra ngayon dahil kasabay daw niya ang isa pa n'yang kaibigan. Habang naglalakad ako papuntang school nakasabay ko si Tan kaklase ko rin s'ya last year at kaklase ko pa rin hanggang nagyon. Isa rin s'ya sa mga kaibigan ni Clint.

"Hindi ka naligo no?" Pang-aasar ko. Gulo-gulo pa ang buhok nito na para bang napaka hangin sa labas.

"Taka naligo ako no baka ikaw ang hindi naligo Mojacko." Tss. Halata naman sa buhok kong basang-basa pa na naligo ako duh.

Pagpasok naming dalawa ay naghiyawan pa ang mga kaklase kong mga itlog.

"Parang kahapon lang si Clint at ngayon si Tan naman president." Pang-aasar ni Vanie.

Pagpinalamon ko 'to ng chalk mananahimik 'to.

Agad ring nagsimula ang klase at wala akong madaldal dahil ang layo ng upuan ni Larra. Peste kaseng sitting arrangement na yan. Sa tingin ko panahon na para makipag kilala sa mga itlog kong kaklase.

"Hi I'm Amy. You are?" Tanong ko sa babaeng nasa gilid ko.

"I'm Alexa. Nice to meet you president ." Ngumiti naman ito ng pagkatamis sa akin.

Kada subject ay nagiiba na ng upuan at may panahong katabi ko si Larra.

Madali ring natapos ang ikalawang araw ng pasukan. Sa mga panahong ito ay wala pang ganong ginagawa pero napaka daming pinapabili.

Ang alam ko nag-aral kami para matuto hindi para bilhin ang pangangailangan nilang mga teacher. Pati chalk at basahan ay sa amin pinapabili.

-----HiddenXBeauty-----

Im Still Waiting For You (ONGOING)Where stories live. Discover now