Mabilis na lumipas ang ang ilang buwan at nagkakaroon na ng harutan sa room namin.
Para silang mga bata ngayon dahil nagbabatuhan sila ng mga plastic bottle. Para silang nagrarayot.
Nag-init bigla ang ulo ko ng biglang may isang plastic bottle ang tumama sa ulo ko. Natulala silang lahat na para bang nakakita ng multo.
"Sino ang bumato noon?" Makalma ang boses ko pero ma-awtoridad ito.
Lahat silang nagtinginan sa isang kong kaklase na para bang tinuturo nila ito sakin. Sorry s'ya president nila ako kaya wala syang magagawa.
"Gusto mong ipalamon ko sayo ang mga nakakalat na bote na yan?!" Parang may dumaan na anghel sa loob ng classroom. Ang tahimik.
"Amy puso mo. Hindi naman yata sinasadya." Pagbasag ni Larra ng katahimikan.
'Luh! Kayo kase pasimuno eh. Sabi ko ayaw kong makisali pero binato nyo ako kaya gumanti ako.'
'Si ano may kasalanan nito eh.'
'Damay-damay na 'to mga par.'
'Lagot tayo nito panigurado. Ginalit nyo na naman ang tigreng babaeng yan.'
Bulong-bulongan pa naririnig ko naman.
"Mukha ba kaseng palaruan to?! Kung maglalaro kayo doon kayo sa labas! Nakakasakit kayo! Kakapal ng apog nyo!" Wala na. Sumabog na ang galit ko.
'Sorry presyy.'
'Tara na lumabas na tayo. Baka mamaya ibato nya sa atin ung mga bote eh.'
Sunod-sunod na silang naglabasan.
"Hoy lalake!" Tawag ko dun sa nakabato sa akin. "Akala mo ganon-ganon lang yon? Aba sinuswerte ka. Maglinis ka ng buong classroom. Linisin nyo ang mga kalat na ginawa nyo." Hindi na ito nakapalag at dumampot na lamang ng walis.
Ganito ako pag nasa labas. Masungit. Pero kapag nasa bahay lamang ako o kasama yung mga taong pinagkakatiwalaan ko maharot ako at madaldal. Ibang-iba ang ugali ko pag-ibang tao ang kasama ko.
Naglalakad ako papuntang canteen ng biglang sumabay si Tan. Si Larra kase ay nagpunta muna ng banyo at ihing-ihi na daw siya at susunod nalang.
"Okay lang ba ulo mo Mojacko?" Tanong nito. Agad ko naman syang binigyan ng masamang tingin.
"Stop calling me Mojacko. May pangalan ako." Bakit ba sumabay 'tong lalaking 'to. Bakit hindi n'ya kasama sila Clint.
"Alam mo ang cute mo magalit kanina. Akala ko malalagutan ka na ng hininga." Kulang nalang ay maubusan s'ya ng hangin kakatawa. Ma-kabag ka sana.
"Fuck you."
"Pero seryoso ang cute mo pala magalit." Biglang sumeryoso ang mukha nito at diretsong tumingin sa aking mga mata.
"Tss." Ayokong napapalapit sa mga lalake baka mamaya ay mahulog ako sa kanila pero hindi naman pala ako kayang saluhin.
Halos lahat silang magkakaibigan ay may itsura mas lamang nga lang ang dalawang shokoy na si Clint at Tan. Kilala rin sila sa school dahil nga sa angking kapangitan este kapogian. Tatahi-tahimik lang kase si Tan last year kaya hindi ko naobserbahan ang ugali n'ya at hindi ko rin s'ya ganong nakilala.
"Bilisan mo Mojacko baka maubusan tayo ng upuan." Pagmamadali n'ya sa akin at hinahatak- hatak pa ako.
"I said stop calling me mojacko." Madiin kong sabi at nagpahatak na lamang sa kanya.
Nang makarating kami sa canteen ay halos malapit ng maubos ang lamesa at upuan. Lumapit kami sa isang lamesa at iniwan nya ako doon.
"Dito ka lang. Ako na ang bibili ng pagkain natin baka kase maagawan tayo. Mahirap na." Sabi niya at akmang aalis na ng pigilan ko s'ya.
"Sandali ere ang pambili ko." Bubuksan ko na ang pitaka ko ng magsalita na naman s'ya.
"No need presy. My treat." Nakangiting sabi nito at iniwan ako. Ano kaya ang nakain ng isang yon.
Matagal-tagal rin akong naghitay sa shokoy dahil mahaba ang pila. Dumating na din si Larra at nagtataka ito kung bakit kasama ko si Tan.
"Nasaan ung akin?" Tanong ni Larra.
"Anong iyo?" Nagtatakang tanong ni Tan.
"Pagkain ko."
"Excuse me miss. Wala ka namang binigay na pang bayad sakin. Ano ka chicks?" Sabay kumagat ito sa burger na kinakain nya.
"So si Amy chicks? Sisiw ganon? Siya nilibre mo ako hindi?" Naiinis na tanong ni Larra.
"Ang ingay nyong dalawa. Naririndi ako. Sayo na lang yan pagkain ng matahimik kana busog pa naman ako." Sabay abot sa kanya ng tray na may laman pang pagkain.
"Pero moja para sayo yan kaya ko binili." Hay nako.
"Busog pa naman ako." Hindi naman na sila nagsalita pa at busy pa sila sa pagkain.
Maiigi kong tinitigan si Tan. Ano ba ang nakain ng isang ito at bakit na lamang biglang sumabay samin at bigla akong inilibre.
"Stop starring at me. Baka matunaw ako nyan moja." Nakangising sabi nito. Umasa ka boi.
"Pero seryosong tanong Tan. Anong masamang ihip ng hangin ang nagdala sayo dito? 'Di ba dapat kasama ka nila Clint." Uminom muna ito ng juice saka sumagot.
"Nauumay na ako sa pagmumuka nila. S-saka gusto kitang makilala este kayong lahat." Sinungaling.
"Magkaaway kayo alam ko. Para kayong mga bata." Napapansin ko kaseng 'di sila naguusap o nagiimikan man lang ngayong araw.
"S'ya kaya yung asar talo." Pagmamaktol nya na para bang bata.
"Ano na naman ba kaseng pinag awayan n'yo?"
"Sikretong malupit na yon moja." Pasikreto-sikreto pang nalalaman.
LAST subject na ako katabi ko naman si Clint ngayon. Hindi sa pangingielam pero gusto kong malaman kung ano ang pinag-aawayan ng dalawang shokoy na 'to.
Alam ko kaseng matalik na magkaibigan ang dalawang shokoy. Palagi silang magkasama at halos magkapatid na rin ang turingan nila sa isa't isa. Elementary palang kase kami ng nalaman ko magkaibigan na ang dalawa, grade 4 palang yata kami noon ay napapansin ko na ang pagiging malapit nila.
Dahil nga sa kating-kati na akong malaman kung ano ang pinag-aawayan ng dalawa ay tinanong ko na si Clint.
"Psst?" Pagtawag ko. Diretso lang ang tingin n'ya sa board.
"Pag tayo nahuli paniguradong lalabas tayo ng wala sa oras mojacko." Diretso pa rin ang tingin nito sa harapan habang sinasabi iyon.
"Ano ba kaseng pinag-awayan n'yo?"
"Say please muna." Tumawa ito at ngumiti ng nakakaloko.
"Tsss bahala ka nga d'yan." Naiinis na ako. Kaya nga inaalam ko yung dahilan para mapagbati na sila eh.
Padabog akong lumipat sa ibang upuan. Bigla namang sumunod ang shokoy.
"You really wanna know?" Obvious ba? Kanina pa nga ako tanong ng tanong eh. "Ikaw yon mojacko." Huh? Anong ako.
Hahabulin ko sana s'ya para linawin n'ya yung sinabi n'ya pero nakaalis na ang mokong.
-----HiddenXBeauty-----
YOU ARE READING
Im Still Waiting For You (ONGOING)
Acak"I hate waiting. But if waiting means being able to be with you, i'll wait for as long as forever to be with you."