This is a work of fiction. Name, characters, business, event and places are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Prologue
"Sana naman sinabi mo kaagad. Para akong tangang naghihintay dito sa Pilipinas. Tan, pitong taon! Pitong taon akong umaasa na babalik ka dahil nangako ka. Nangako kang babalik ka dahil ang sabi mo tayo pa rin hanngang sa huli. Tiniis ko ang pangungulila sa'yo. Tapos malalaman kong ikakasal kana!? Tangina naman! Hanggang ngayon ba pinaglalaruan pa rin ako ng tadhana!?"
Hindi na mapigil ang mga luhang nag-uunahang tumulo. Ang sakit. Sobrang sakit.
Ilang taon akong naghintay sa kanya. Umaasa akong kami ang nakatadhana at sa oras na bumalik s'ya ay magpapakasal na kami pero humadlang ka na naman tadhana.
'Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit palaging ako ang nakikita mo? Trip mo ba 'ko?
"I'm sorry." Pumiyok ang boses n'ya.
Nasasaktan ako dahil nakikita ko na s'ya ngayong umiiyak.
Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at pinunasan ko ang mga luha n'ya.
Ang sakit makita na ang lalaking pinakamamahal ko ay umiiyak.
"I love you . Hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang miss na miss na kita." Nang sabihin nya iyon ay muli na naman nagunahan ang mga luhang tumulo. Niyakap nya ako ng napakahigpit na para bang hindi na ako makahinga. Damn you Tan . Hindi mo alam kung gaano ko namiss ang mga halik at yakap mo. Hinding hindi kita kayang mawala sa buhay ko.
"I love you more." 'Di ko maiwasang maging marupok pagdating sa kan'ya. Humarap s'ya sa akin at tinitigan akong maiigi sa aking mata.
Ganon pa rin ang mata n'ya. Mapupungay. Hindi ko maiwasang alalahanin ang mga panahong nahulog ako sa kanya.
YOU ARE READING
Im Still Waiting For You (ONGOING)
De Todo"I hate waiting. But if waiting means being able to be with you, i'll wait for as long as forever to be with you."