Chapter 13

63 5 3
                                    

Chapter 13: Their romance.

January’s POV

Nagulat nalang ako ng makita ang pangalan niya sa screen ng cellphone ko. Ano ang gagawin ko? Natutuliro ako. Ano bang dapat maramdaman?

‘Bading na bading ka na naman January, eh.’

Pero kinakabahan talaga ako.

“Oh? Anong nangyari?” tanong ni Drea. Hindi ko namalayan na bumalik pala siya. Tiningnan ko siya, “May nakita ka bang multo? Bakit ang putla mo?” dagdag niya pa.

Itinaas ko ang cellphone ko at ini-level ko ito sa mga mata niya. Naduling si Drea.

“Ilayo mo naman ng konti! Paano ko makikita?!” anas niya. Siya na mismo naglayo noon dahil nanginginig ang kamay ko. Napabuntong-hininga siya ng makita ito, “Bakit di mo sagutin?” tanong niya.

Tiningnan ko ulit ang screen ng phone ko. Huminga ako ng malalim at naisipan ko ng sagutin ang tawag. Pero ng sasagutin ko na, bigla naman nawala ang tumatawag. Napakunot ang noo ko.

“Twahahahah!” tumawa ng pagkalakas-lakas si Drea. Napailing-iling nalang ako. “Tayo na nga. Ang lakas talaga ng sapak mo!” natatawang anas niya sa akin. Pero napatigil siya ng mag ring ulit ito.

Tiningnan ko ang screen ng phone ko. Siya ulit. Kinuha ni Drea ang cellphone ko at sinagot ito. Ibinigay niya sa akin ang phone.

“Hello,” usal niya. Bigla akong kinabahan dahil ang lungkot at ang seryoso ng boses niya. Malayo sa boses na alam ko noon.

“Napatawag ka?” tanong ko. Pilit kong pinakalma ang tono ng boses ko.

“I need to talk to you,” usal niya. Mas lalo akong kinabahan. Anong sasabihin ko? Papayag ba ako? Pero kaya ko na ba siyang makausap? Ano namang sasabihin ko sa kaniya?

“Sige,” sagot ko. Sinabi niya sa akin ang lugar at oras. Pagbaba ko ng phone. Napalapad ang ngiti ko dahil sa tuwa sa puso ko.

“Masaya?!” tanong ni Drea. Hindi ko alam kung ano ang tanong niyang yon. Pero masaya talaga ako.

Ganado ‘kong tinapos ang mga paper works ko sa school. Naging aktibo din ako sa klase. Parang ang lahat ay magaan dahil gusto ko na agad dumating ang oras na hinihintay ko, ang makausap si Hera. Pakiramdam ko ay may sasabihin siyang maganda sa akin. Pakiramdam ko ay babalik na siya sa akin.

Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na ako kay Drea na aalis na ako. Nasa parking lot na ako ng school. Nang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko ay may umagaw ng atensyon ko. The mysterious girl. Nakasandal siya sa isang kotse habang nakacrossed arms at nakapikit. Talaga bang kahit saan natutulog siya? Hindi ko mapigilan na pagmasdan siya. Nagulat ako ng magtama ang mga mata namin. Napakatalas ng tingin niya sa akin. Napalunok ako. Nangingilabot na naman ako at nandito na naman ang natatakot kong pakiramdam. She’s really creepy.

Binuksan ko na ang pinto ng kotse ko. Bigla kong naalala ang araw na sumakay siya dito. Pakiramdam ko’y naiwan pa ang bango niya dito sa loob ng sasakyan ko. Hindi naman siya nagsalita nung araw na ‘yon. Pero bakit ganon? Mas nakakatakot siya pag hindi na siya nagsasalita. Parang nakakatakot ang pagiging tahimik niya. Ang mga tingin niya ay kakaiba. Ang bawat galaw niya’y iba din. Ano ba talagang meron sa pagkatao niya? Oh baka naman, nahihiya siya dahil hindi niya pa ka-close ang mga classmates namin? Oh baka naman, kaya hindi siya nagsasalita, dahil mabaho ang bibig niya?

‘Hindi naman siguro,’

Pero bakit ganoon siya? Napabuntong-hininga ako. Niligon ko ulit siya, pero nagulat ako ng mawala siya sa lugar niya kanina. Nasaan na siya? Yun ba yung kotse niya? Bakit ang bilis niya?

UNFAILING LOVE [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon