Chapter 11

87 7 5
                                    

Alpha’s POV

Sarado ang mga pinto ng mga kwarto. Para itong isang abandonadong ospital. Kung nasa horror movie ka, ang kulang nalang dito ay patay-sinding ilaw. Hindi ako kinakabahan. Sanay na ako sa ganitong pakiramdam. Pero ang sitwasyon ko ngayon ay iba.

Naghari na naman ang katahimikan, pero ang katahimikan ay binasag ng isang hindi normal na pakiramdam. Alam kong may ibang tao. Nagkatinginan kami ni Sky at alam na niya ang gusto kong iparating. Kaya ko bang lumaban? Alam kong kakatahi palang ng sugat ko sa may tagiliran. Alam kong hindi pa ako okay. Alam kong hindi pa ako magaling. Pinakiramdaman ko ang paligid. Tanging paglunok nalang ni Sky ang naririnig ko.

May naramdaman akong paparating sa may likuran namin kaya nagmadali akong lingunin ‘yon. Pero ng paglingon ko. Si One, may hawak na baril at ito’y nakatutok sa akin. He pulled the trigger of his gun at ang bala ay mabilis na tumama sa isang reaper. Dahil nasa may harapan ko ang reaper. Mabuti nalang at mabilis si One dahil kung hindi, nagilitan na sana ako ng reaper na ‘to sa batok. Inipan pa ni One ang dulo ng baril niya pagkatapos mapatay ito.

Hindi naman ako kinabahan dahil kilala ko ang presensiya ni One. Pero may ibang tao at ramdam na ramdam ko sila. Lumapit si One sa amin. Nagkatanginan kaming tatlo. Alam kong nararamdaman din nila na may ibang tao pa sa paligid.

Nagmadali naman si Sky na alalayan ako para makapunta sa isang safe na lugar. Nakasunod sa amin si One at siya ang nagbabantay sa dinadaanan namin. Maging kami ay luminga-linga sa paligid. Hindi pa man kami nakakarating sa kwarto ko, may humarang na sa amin na dalawang nakaitim na lalaki. May balot ng itim na tela ang mukha nila kaya hindi namin sila makilala. May hawak-hawak silang mga katana. Uso ba katana ngayon? Tss.

Pinaputukan sila ng sunod-sunod na bala ni One pero mabilis silang nakakailag. Tss. Maging si Sky na tumulong na sa pagbaril pero hindi sila nagawang tamaan. Isa pa ‘to. Tss. Magagaling ang mga reapers na ipinadala nila ngayon. Dahil madalang lang naman na sumablay ‘tong si One at Sky sa mga ganito kalapit na sitwasyon.

Tumingin silang dalawa sa akin, “Tsk. Tsk. Tsk,” usal ko habang umiiling-iling pa. Napakamot naman sa ulo si One habang si Sky naman ay inirapan ako.

Sumugod na si One sa kanila. Sumunod na rin si Sky para tumulong kay One. Alam kong naasar sila sa nangyari, lalo na sa akin. Nakakahiya ang bagay na ‘yon para sa kanila, lalo na nandito ako. Lalo na at itinalaga sila ng The highness mafia, bilang magagaling na reapers. Ibinigay ni Sky sa akin ang baril niya. Pinanood ko muna silang makipaglaban. Kung titingnan mukha silang nagwu-wushu. Kahit walang hawak na panangga ang dalawang ‘to, alam kong kaya nila.  

Pero ayoko naman na pahirapan sila. Asintado kong binaril sa noo ang kalaban ni Sky. Napangiti nalang si Sky ng makita niyang humandusay sa harapan niya ang nakaitim na lalaki. Kampante ko rin na binaril ang kalaban ni One sa tuhod. Alam kong hindi na siya makakagalaw dahil doon. Binaril ko rin ang kamay niya na may hawak na katana. Napaluhod ang lalaki sa sahig.

Kinuha ni One ang ulo ng lalaki pero bago pa man magawa ni One ang nais ay..

“One, kailangan natin siya,” usal ko. Nakuha na nila ang nais kong ipunto.

Narating namin ang silid ko. Tinulungan akong humiga ni Sky. Habang si One ay kinakausap ni Johny. Mabilis na nagpunta si Johny dito matapos siyang tawagan ni One. Kailangan na naming pigain ang lalaking nakuha namin para sabihin niya kung sino ang pinuno niya. Alam na ng The Highness mafia ang gagawin. Siguro ay malaki ang galit niya sa akin kaya balak niya talaga akong tapusin.

“Kahit may tama, asintado pa rin ha,” nakangiting anas ni Sky. Ngumisi lang ako sa kaniya.

“Nasaan si Mercury?”

UNFAILING LOVE [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon