Chapter 15

66 6 12
                                    

Chapter 15: She saved me, again.

January’s POV

Nawala ang atensyon ko kay Kian ng magsalita ulit ‘tong si Drea.

“Ang ganda niya talaga,” anas ni Drea.

Kusa akong napatingin sa tinitingnan niya at nakita ko ang mysterious princess. Nakapamulsa ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants niya at papunta sila dito sa cafeteria. Kasama ang nerd na babae at ang kasama pa nilang lalaki.

Nakapasok na sila sa cafeteria. Nakatungo si mysterious princess habang naglalakad kaya hindi niya napansin na may makakasalubong siya. Nagkabungguan sila ng isa pang magandang babae.

“OMG!” anas ng babae sa kaharapan naming mesa.

Natumba ang magandang babae at nabuhusan siya ng juice sa damit. Balatay sa mukha nito na naiinis at nagagalit na ito. Habang si mysterious princess ay nakatayo lang at parang walang pakialam sa nangyari. Para siyang statwa na nakatingin sa magandang babae. Wala siyang ekspresyon at parang nakantingin lang siya sa walang kwentang bagay.

“Lagot siya kay Chariz,” anas ng babae sa may kaharapan naming mesa. Hindi ko alam kung sino si Chariz. Kung si mysterious girl ba o ang magandang babae.

Tumayo ang magandang babae. May chain siya na hugis star, at ang simbolong ‘yon ay galing sa black empire. Ang black empire ay kalaban ng white empire. Ibig sabihin gangster ang magandang babaeng ito. Pero gangster din naman si myterious girl. Hindi ko pa rin naman nakakalimutan kung paano niyang napatumba ang mga masasamang lalaking ‘yon. Pero kaya ba niya ngayon? Nandito ang leader ng black empire. Nakita ko kung paanong nakaagaw sila ng atensyon ng lahat.

Ang mga ibang students ay halatang natatakot. Nakita kong nakatingin ang black empire sa kanila. Mataman na tiningnan ng magandang babae si mysterious girl. Halos ang lahat ng mata ay nasa kanilang dalawa dahil nasa gitna sila. Ang dalawang kasama ni mysterious girl ay umorder na ng pagkain at parang walang pakialam sa kasama nila.

“Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” seryosong tanong ng magandang babae kay mysterious princess.

Tiningnan lang siya ni mysterious princess at kung titingnan, wala siyang balak na sumagot. Lalapit na sana ang mga black empire pero isinenyas ni Kian na hayaan ang dalawang babae. Baliw ba sila? Magkakagulo dito. Mahilig talaga sila sa away.

“Hindi ako tumatanggap ng sorry,” anas ng magandang babae. “Kaya, hindi ako magdadalawang isip na saktan kita ngayon,” dagdag pa niya.

“Ow my gosh! Chariz is really mad now,” natatakot na anas ng babae sa may malapit sa amin.

Ngayon nakakasiguro na ako na ang Chariz na tinutukoy nila ay ang babaeng kagrupo ng black empire. Sinampal ni Chariz si mysterious princess pero wala pa rin nagbago sa ekspresyon ng mukha nito. Poker face pa rin siya. Hay. Muli siyang sinampal ni Chariz at halos lahat ng babae dito sa cafeteria ay napapangiwi sa sakit, kahit hindi naman sila ang tinatamaan.

Napangisi si Chariz dahil napayuko si mysterious princess. Napatingin na rin ang dalawa niya pang mga kasama. Nag-angat ng tingin si mysterious princess at nakita ko mismo na dumugo ang labi niya. Meron pa siyang konting pasa sa mukha niya kaya madaling nagdugo iyon.

Nag-crossed arms ang kasamang lalaki ni mysterious princess habang ang nerd naman na kasama niya ay parang umiiyak na. Seriously, may pakialam ba talaga sila? Hindi ba nila tutulungan ang kasama nila? Sasampalin pa ulit sana ni Chariz si mysterious princess pero mabilis niyang napigilan ang kamay nito. Pilit na inaalis ni Chariz ang kamay niya pero walang kahirap-hirap naman itong pinipigilan ni mysterious princess.

UNFAILING LOVE [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon