Gaano nga ba natin kakilala ang ating tinatawag na Ina?
Totoo nga bang ang lahat ng Ina sa mundo ay mahal ang kanilang anak?
Ito ang isang maikling kwento tungkol sa isang Inang Hindi Mapagmahal.
Ang kwento na kasama ang isang binata na naghahanap n...
Nagulat ako sapagkat ito ay may lamang sapatos at sa tabi nito ay isang liham na agad kong binuksan. Ang liham na ito ay galing sa aking ina
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
“Anak, patawarin mo ako dahil hindi ko magawang sabihin sayo na mahal kita. Patawarin mo ako sa kakulangan ko at sa pagiging pipi. Sana magustuhan mo itong sapatos na ito bunga ng paghihirap ko sa araw-araw. Alam mo anak, kamukhang kamukha mo si Ding ang papa mo. Pasensya ka na di na kita pinakilala sa kanya dahil nung sanggol ka palang ayaw ka na niyang tanggapin. Pero alam mo anak sa tuwing niyayakap kita doon ko lang napaparamdam na mahal na mahal kita at handa akong gawin ang lahat para sayo. Pangako ko lagi lang nandito si mama para sayo”
Biglang tumulo ang aking mga luha sapagkat hindi ko nakita ang halaga ni ina. Sa sobrang dami kong mabibigat na salitang binato sa kanya nanatili parin siyang mahalin ako. Napagtanto kong hindi man nasabi ni ina na mahal niya ako sa pamamagitan ng salita ito naman ay naramdaman ko sa kanyang mga yakap at pag-aaruga.