Ang Inang Hindi Mapagmahal (Ika-apat na Bahagi)

1 0 0
                                    

        Noong araw ng pagpapatawag ng magulang sa aming paaralan dumating si ina na may dalang mga bananaque na kanyang paninda. Sa una ay ayaw siyang papasukin ng mga guwardya ngunit pinakita niya ang aking larawan at imbitasyon ng aking guro kaya sa huli pinapasok rin siya nito. Nagtungo siya sa aming silid-aralan at ang mga magulang ng aking kamag-aral ay pawang nakatingin sa kanya. Patuloy siyang naglakad at hinanap ang aking guro. Nang makita niya ang hinahanap agad lumapit si ina sa aming guro ngunit hindi siya nito maunawaan 

“Misis anong kailangan ninyo?”

        dahil sa hindi pagkakaunawaan agad nagpatawag ito ng guwardya at sapilitang pinalabas ang aking ina sa aming paaralan. Nagpupumiglas pa ito ngunit sa bandang huli ay wala ng nagawa at umalis na lamang.

        Nalaman ko ang nangyaring ito kaya nakaramdam ako ng panlulumo at  awa sa aking ina. Biglang may liwanag na dumampi sa aking isipan at ito ay ang hindi ko rin pag unawa kay ina. Ilang taon akong nagbulagbulagan sa nararamdaman niya at tila hindi ko siya magawang pasalamatan. Kaya agad  akong naglakad pauwi sa amin para kamustahin siya ngunit may nakita akong rumaragasang bus papalapit sa direksyon ng isang ale. Ito ay nabunggo at maraming tao ang agad pumalibot dito kaya pati ako ay tumingin narin. Sobrang siksikan noong mga oras na iyon at parang lahat ay gustong tingnan ang taong nakahandusay. Habang papalapit ako nakita ko ang ilang bananaque sa kalsada kaya nakaramdam ako ng kaba.

 Habang papalapit ako nakita ko ang ilang bananaque sa kalsada kaya nakaramdam ako ng kaba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Inang Hindi MapagmahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon