Ang Inang Hindi Mapagmahal (Unang Bahagi)

2 0 0
                                    

        Noong araw na iyon, pagod ako galing sa aming paaralan kaya pumasok ako sa aming tahanan na may kainitan ang aking ulo. Hindi ko na hinanap si ina'y sapagkat sa tuwing babatiin ko naman siya ay hindi nya ako magawang batiin pabalik. Ang aking ina ang pinakatahimik sa lahat ni anong salita sa kanyang bibig ay hindi mo maririnig. Hindi mo siya makikita na nakikihalubilo sa aming mga kapit bahay kaya madalas siyang pinaguusapan ng mga matatanda na walang magawa sa buhay.

       Masipag si ina sapagkat nagagawa niyang linisin ang aming tahanan bago siya magtinda ng bananaque sa gilid ng Escolta malapit sa aming paaralan at sa gabi naman kapag ako ay nakakain na siya ay nagtutungo sa kanto para naman magtinda ng balot at penoy. Pero hindi parin sapat ang kinikita niya kaya minsan nagalit ako sa kanya dahil kulang ang binigay niyang baon sa akin ngunit hindi niya ako magawang pansinin at patuloy na lamang siya sa kanyang trabaho. Lalo akong nainis at lalong kumulo ang dugo ko kaya ginulo ko siya sa kanyang ginagawa ngunit hindi man lang siya nagalit sa akin.

        Habang naglalakad ako papasok sa aking paaralan may mga katanungan na gumulo sa aking isipan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        Habang naglalakad ako papasok sa aking paaralan may mga katanungan na gumulo sa aking isipan.

"Bakit kakaiba ang aking ina sa ibang ina?".

        Hindi ko lubos maisip kung mahal ba talaga ako ng aking ina sapagkat ni minsan wala naman siyang sinasabi sa akin tungkol sa kanyang nararamdaman. Ang lagi niya lang ginagawa ay yayakapin niya ako subalit nakakaramdam ako ng pagkairita sa tuwing gagawin niya iyon kaya agad akong bibitaw at pipiglas makalayo lang sa kanya.

Ang Inang Hindi MapagmahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon