Ang Inang Hindi Mapagmahal (Ikatlong Bahagi)

1 0 0
                                    

        Isang umaga naramdaman kong may nakausli sa aking sapatos ngunit hindi ko ito pinansin kaya nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Noong oras ng aming pahinga naapakan ng aking kaklase na si Berto ang aking sapatos kaya ito ay tuluyang bumuka at nasira. Pinagtawanan ako ng aking mga kaklase at sinimulan akong asarin. Sa sobrang awa ko sa aking sarili agad akong umuwi kahit walang panyapak at agad akong nagtungo papalapit kay ina.

“Bakit hindi mo parin ako binibilhan ng bagong sapatos?” sigaw ko sa kanya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Bakit hindi mo parin ako binibilhan ng bagong sapatos?” sigaw ko sa kanya.

       Nagulat ako sapagkat niyakap nalang ako bigla nito at pinakita niya sa akin ang kalupi niyang walang laman. Ngunit sarado parin ang aking isip at patuloy na nagalit sa kanya. Isang gabi pa ay madaling araw na si ina na nakauwi sa aming tahanan kaya kinaumagahan sinigawan ko siya at sinabi

“Bakit madaling araw ka na nakauwi? Hindi mo ba inisip na may anak ka?”

        Nagbitaw pa ako ng mga masasakit na salita ngunit si ina ay hindi ako pinansin sa halip ito ay naghanda ng pagkain sa akin sa lamesa. Noong mga oras na iyon napagtanto kong hindi mapagmahal ang aking ina sapagkat hindi niya man lang inisip ang nararamdaman ko at nagpatuloy lang siya sa kanyang ginagawa.

Ang Inang Hindi MapagmahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon