Chapter 9

4 0 0
                                    

Lumipas na ang mga araw at dumating na ang araw ng mga exams. Ang exam namin ngayon ay italian, we have 6 hours para mag sulat isang composition. We have to choose between three topics and we can write first a draft tapos yung final.

Medyo kinakabahan ako kasi baka ma out of topic ako or wala akong maisip na isulat, pero at least may 6 hours ako at hindi 3 tulad ng ginagawa namin sa pag e-exercise

Dumating na ako sa school at focus na ako, hindi ko na tiningnan kung nandito na ba yung mga kaclassmates ko, hindi ko na din tiningnan kung nandito si Robert. Kailangan ko mag focus, ang kailangan ko lang isipin sa mga araw na ito ay yung mga exams ko, tama na muna ang kadramahan

Robert's POV

Nandito ako sa labas ng school at nakita ko si Alexis na mag isa, lalapitan ko na sana siya, pero nauna na siyang pumasok, hindi man lang niya kami nilapitan dito? Bakit? Naiintindihan ko naman kung ayaw niyang lumapit sa mga kaclassmates namin, pero bakit ako din?

"Robert, perchè Alexis non si è avvicinata a noi ed è entrata subito?" (Robert, bakit hindi lumapit sa atin si Alexis at pumasok agad) tanong sa akin ni Federica. Nag kibit balikat lang ako sa kanya bilang sagot

Simula nung araw na sinabi sa akin ni Alexis na puro fake ang mga kaclassmate namin ay parang lumayo na ang akin loob sa kanila, akala ko talaga mabubuti yung mga kasama namin, at least sina Mikaela at Federica, pero hindi pala...

Maya maya pumasok na din kami. Pagkapasok namin sa classroom, nakita nga namin si Alexis na nakaupo na at nagrereview...may nanyari ba sa kanya....? Umupo ako sa upuan malapit sa kanya, pero hindi pa din niya ako pinapansin... mamaya ko na lang siya kakausapin, kailangan ko muna mag focus sa exam...

5 hours later

Tapos na ako, kaya pinasa ko na ang mga papeles ko at palabas na ako nung sinulyap ko muna si Alexis, kita mo talaga sa kanya na naka focus siya sa sinusulat niya... hihintayin ko na lang siya sa labas

Maya maya ay lumalabas na din yung mga kaclassmates namin at bumati naman sila sa akin pagkalabas nila.

Lumilipas ang mga minuto at hindi pa lumalabas si Alexis, 10 minutes na lang bago matapos ang oras, kinakabahan ako para sa kanya... siya na lang yata ang natitira sa loob eh... sana makatapos siya in time...

Anim na oras na ang nakalipas at sa wakas lumabas na din siya, per naka earphones na siya at nakatingin siya sa cellphone niya kaya hindi niya ako napapansin...

Sinusundan ko siya, hindi pa ako lumalapit sa kanya kasi baka galit siya, sa hindi ko pa alam ang dahilan, baka bad mood, ewan ko

Nasa kalahati na kami ng way papunta sa bahay niya nung tumigil siya sa paglalakad kaya nagtago ako sa likod ng isang puno

"Lumabas ka na dyan Robert" ayun, eh di nahuli din ako. Lumabas na ako ng dahan dahan sa akin pagtatago at lumapit sa kanya

"Ehm...hi" ako

"Anong ginagawa mo?" siya

"Ehh naglalakad..." ako

"Robert Santiago go straight to the point, bakit mo ako sinusundan?"

"Ehhh kasi ano... kaninang umaga, bago tayo magumpisa ng exam nasa labas kaming lahat at magkakasama, ikaw lang hindi, tapos nauna ka pang pumasok. Nung nasa loob naman tayong lahat hindi mo ako pinansin at ngayon naman lumabas ka na hindi mo pa din ako pinapansin... may nagawa ba ako?" sabi ko ng konting mabilis

Huminga muna siya ng malalim at sabi "Hindi ako lumapit kasi sawang sawa na ako sa pagka fake nila at sa pagpapangap ko tuwing kasama ko sila, hindi din ako lumapit kasi nakafocus ako sa exam natin at ayokong isipin ang mga ibat ibang bagay during this period of our exams. I know that maybe I'm a little bit hursh with this but wala naman silang pakialam sa akin. Remember the fact na pagkatapos ng mga exam natin, hindi na sila magpaparamdam sa atin, or at least sa akin... Ayoko nang sayangin ang oras sa mga bagay na alam ko naman na hindi mananatili. Sana maintindihan mo ako, at kung pwede ikaw na ang magsabi sa mga classmates natin ang nanyayari sa akin. Sige aalis na ako, magrereview pa ako. Umuwi ka na din at huwag mo muna akong isispin. Magfocus muna tayo sa atin pagaaral" Pagkatapos niyang sabihin ang mga ito ay tumalikod na siya at paalis na pero may hinabol pa ako

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon