CHAPTER ONE
"ATE DANICA, you can't do this! Hindi ka pwedeng umalis na lang basta dito sa hacienda," pigil ni Bernard sa kapatid.
Dala na nito ang maleta sa pagbaba mula sa kwarto nito. She made a sudden decision. After weeks na nagmukmok ito sa hacienda ay bigla na lang sasabihin na pupunta ito sa ibang bansa.
He was worried about her.
Pagkatapos umurong ni Harold Monteverde sa kasal ng mga ito ay tila naligaw na ang utak ng kapatid. Sobrang nasaktan si Danica sa nangyari. At alam niyang dahil iyon sa sobrang pagmamahal nito sa binata.
"I need to be alone, Bernard. Hayaan mo muna ako."
Hinawakan niya ang braso ng kapatid upang pigilan ito sa paglalakad.
"But why so sudden? Papatayin mo naman kami sa pag-aalala niyan. Wala pa si Angelica dito. Hindi mo man lang ba siya hihintaying makauwi?"
Nakita niyang napaismid ito nang marinig ang pangalan ng bunso nilang kapatid. Bagaman hindi na ito nagsalita tungkol doon.
"Mahuhuli na ako sa flight ko..."
"Pero paano na itong hacienda, ate? We can't do this without you."
Napakagat labi si Danica.
"Hayaan mo siya, Kuya Bernard. It's her life. Hindi natin siya kailangan."
Napalingon sila sa bagong dating na si Angelica. Nakahalukipkip ito habang nakatayo sa entrada ng manson.
"Angelica, alam kong galit ka kay ate pero--"
"Kaya kong patakbuhin ang hacienda pati na ang company. Alam ko namang wala akong aasahan sa iyo, Kuya Bernard. At ayaw ko rin namang umasa sa high and mighty sister natin," taas noong sabi nito.
"Angelica!"
"Say what you wanted to say. I doubt that. Huwag mong pangaraping magiging kasing galing at kasing talino kita," nanunuyang sabi naman ni Danica.
Tumalim ang tingin ni Angelica.
"You know, mabuti nga sa'yo na hiniwalayan ka ni Kuya Harold. Totoo ngang 'the end won't justify the means'. You're just a selfish bitch. You're meant to be alone forever!"
"You, bitch!" Galit na lumapit dito si Danica.
Akmang sasampalin nito ang bunsong kapatid pero napigilan agad iyon ng huli. Nahawakan nito ang pulsuhan ni Danica.
"You can't do that, Ate Danica. I won't allow you to hurt me anymore. Tama na ang pagsira mo sa buhay ko. Tama na ang pananakit mo sa mga taong nakapaligid sa'yo," matapang na saad ni Angelica. Marahas na binitiwan nito ang pulsuhan ng kapatid. "If you wanted to leave, go on. Hindi ka kawalan."
"Your knowledge is not enough. Ako pa rin ang dahilan kung bakit lumaki ng ganito ang negosyo natin. Hindi na ako magtataka kung babagsak ito nang dahil sa'yo."
Pagkatapos niyon ay umalis na ito sa harapan ng kapatid matapos iwanan ng nakamamatay na tingin. Dire-diretso ito sa labas ng mansion kung saan nag-aabang dito ang kotseng maghahatid dito sa airport.
Hinabol niya naman ito.
"Ate, wait!"
Huminto ito at lumingon sa kanya.
"Saan ka tutuloy sa Amerika? Kailangan kong malaman kung saan ka matatagpuan doon."
"Wala naman akong ibang mapupuntahan doon kundi ang mansion natin doon."
"Ate, hindi mo naman kailangang umalis. I-I'm sure, nabigla lang si Angelica nang sabihin niya ang mga iyon."
"I'm sorry pero buo na ang pasya ko. I need this, Bernard."