CHAPTER FIVE

3.4K 88 0
                                    

CHAPTER FIVE

NAKANGITING bumaba ng kotse si Bernard. Pumipito-pito pa siya habang naglalakad papasok sa mansion ng mga Del Carmona.

Kauuwi niya lang ng hapong iyon galing sa kasalan nina Harold at Aivie. Harold gave him an invitation letter and personally apologize for what he had done to his sister kahit na ang ate niya naman talaga ang may kasalanan. Napabilib siya dito. Kaya naman nagpaunlak siya na dumalo. Besides, may isa pang dahilan...

Si Ehrie.

It's been two weeks mula nang huli silang magkita. Naging busy kasi siya sa pag-aasikaso ng hacienda.

Muli siyang napangiti nang maalala ang reaksyon nito matapos niyang halikan. She looked shocked and her face was flushed with red. Ewan niya pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naggigive up sa pagyayaya dito ng date.

"Senyorito, may bisita po kayo."

Napatingin siya sa sumalubong na katulong. Napakunot noo siya. Wala siyang inaasahang bisita ngayong araw.

"Kanina niya pa po kayo hinihintay," dagdag pa nito.

"Sino daw?"

Itinuro nito sa kanya ang babaeng nakaupo sa sofa. Pagkatapos ay nag excuse na ito at nagpunta na sa kusina.

Lalong nangunot ang noo niya. Hindi niya kilala ang may edad nang babae na naghihintay daw sa kanya.

Ipinasya niyang lumapit na dito. Tumikhim siya.

Nag-angat ito ng paningin mula sa binabasang magazine. Tumayo at tipid na ngumiti.

"Please have a seat, ma'am." Naupo siya sa single sofa nang maupo itong muli. "Hinihintay niyo daw po ako?"

Napalis ang ngiti nito at humugot ng malalim na hininga. Tila ba may dinadalang suliranin. Inilapag nito ang binabasang magazine sa mesita.

"Let me introduce myself first. I am Mrs. Camille Remo. You must be Bernard," anitong titig na titig sa kanya.

"Yes, Mrs. Remo. What can I do for you?"

"No wonder, my daughter likes you a lot," bagkus ay sabi nito.

Alanganing ngumiti siya. Sino ba talaga ito? She said her 'daughter' likes him a lot. Hindi kaya nanay ito ng isa sa mga ex niya?

"Ah, ma'am, I don't think... I--"

"My daughter named Monica Joyce Remo. College schoolmate mo siya at naging magkaklase kayo sa ilang units."

Hinagilap niya sa utak ang Monica na sinasabi nito. Sa dami ng mga nakilala niyang babae, hindi na niya matandaan ang anak nito. Saka magsi-six years na mula nang gumradweyt siya ng college.

Gayunpaman ay hindi niya ipinahalata dito iyon. Ayaw niyang maoffend ang ginang.

"W-what about her?" kabadong tanong niya.

"She likes you a lot, Bernard," seryosong sabi nito. "Kaya nandito ako ay para makiusap sa iyo."

Tumindi ang kabang nararamdaman niya. Lalo siyang naguluhan. Ano'ng ipapakiusap nito sa kanya?

Mukhang nabasa nito ang nasa isip niya kaya nagpatuloy na ito sa pagsasalita.

"I want you to court my daughter... and be her man."

Napanganga siya. Talagang ikinabigla niya ang sinabi nito. Kung hindi lang seryoso ang mukha nito ay tinawanan na niya ang sinabi nito.

"Why? I-I mean..." Hindi niya madugtungan ang sasabihin. Hindi niya talaga alam ang iisipin.

HACIENDA DEL CARMONA SERIES 2  "SING ME A LULLABY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon