CHAPTER THREE

4.3K 104 1
                                    

CHAPTER THREE

"'Tol!"

Nagulat si Bernard nang tapikin siya nina Chico at Bryan sa balikat. Nasa beach sila noon. Habang enjoy na enjoy ang mga ito kanina sa mga girls na nakabikini, siya ay nakahilata lamang sa kanyang beach towel sa ilalim ng malaking payong.

Iniisip niya pa rin ang nangyari nang nagdaang gabi.

"What's up?" aniya sa mga ito. Ipinatong niya sa magkasalikop na kamay ang ulo.

"Hulaan mo kung sino'ng nakita namin," ani Bryan na may naglalarong pilyong ngiti sa mga labi.

"Manghuhula ba ako?"

"Hey, napakakilljoy mo yata ngayon?"

"Problemado ako ngayon, Chico. Kaya huwag niyo muna akong guluhin."

"Saan ka namann problemado, 'tol?"

"Kay--" '...Ehrie.' naiikom niya ang bibig. Muntik na siyang madulas.

"Kanino?"

Napabuga siya ng hangin at naupo. "Kay Ate Danica."

"Come on, tol. Malaki na ang ate mo. Kaya na no'n ang sarili niya."

"Tama si Bryan. Tara, sama ka na lang sa amin. Tiyak na matutuwa ka sa ipapakita namin sa iyo."
Akmang hahawakan siya ng mga ito nang pigilan niya ang mga ito.

"Ano na naman ba'ng kalokohan 'yang ipapakita niyo sa akin? Let me guess, nakakita na naman kayo ng mga sexy at magagandang babae at magpapatulong na naman kayo sa akin para makadiskarte kayo, ano?"

Nagsitawanan ang mga ito.

Napailing naman siya. Sinasabi na nga ba niya. Nahiga siyang muli at inayos ang shades. Pumikit siya.

"Hey, 'tol! Tara sabi, eh."

"Ayokong mambabae ngayon. Wala ako sa mood."

"Okay, sasabihin na lang namin sa iyo kung sino ang nakita namin kani-kanina lang."

"Si Miss Ehrie. Kasama 'yung babaeng nakabunggo sa kotse ko."

Bigla siyang napadilat. Nabibingi na yata siya?


"Who?"

"Si Miss Ehrie, 'tol. Ehrie Monteverde."

Napabangon siya sa sinabi ni Bryan. Tama nga ang narinig niya. Si Ehrie nga iyon.

"Nasaan?"

"Nasa restaurant. Come on. Let's call it a revenge meeting. Hindi pa ako nakakaganti sa babaeng bumangga ng kotse ko."

HACIENDA DEL CARMONA SERIES 2  "SING ME A LULLABY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon