CHAPTER NINE (part two)

2.6K 69 1
                                    

CHAPTER NINE (part two)

BERNARD breathe in the fresh air. Iginala niya ang paningin sa paligid. Sa wakas ay nakauwi na siya sa Ilo-ilo. But he's not alone. Nilinga niya si Monica kasama ang nurse nitong si Teresa.

Pumayag sina Mrs. Remo at ang mga doctor sa kahilingan ng dalaga. He talked to her mom pero hindi pa rin nito pinigilan ang anak. Gusto daw nitong sundin si Monica para sa ikaliligaya nito. Ipinagbilin lang nito na huwag niyang bibigyan ng lungkot ang anak nito. Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag.

Ipapaliwanag niya na lang kay Ehrie ang lahat. Maiintindihan naman siguro nito.

"Sir Bernard?"

Napatingin siya sa lumapit na matanda sa kanila. Ito ang family driver nila.

"Manong Rey, kamusta po?"

"Mabuti naman, sir. Tayo na po sa kotse." Binitbit nito ang dalang maleta nina Monica at Teresa.

"Siyangapala, Manong. Sina Monica at Teresa... Ito si Manong Rey, family driver namin."

"Hello po," magiliw na sabi ni Monica dito.

"Kamusta po, ma'am? Napakagaganda naman ng kasama niyo, Sir Bernard. Lalo na si Ma'am."

"Ikaw talaga, Manong," natatawang sabi niya sabay sulyap sa namumulang mukha ni Monica.

Ilang sandali lang at nagbibyahe na sila pauwi sa Hacienda Del Carmona. Nakita niyang nag-i-enjoy si Monica sa pagmamasid sa labas ng bintana.

Natanaw niya ang mansyon ng mga Monteverde. Mas lalo niyang naramdaman ang pagka-miss kay Ehrie. Hindi niya inalis ang tingin sa mansion hanggang sa mawala iyon sa paningin niya.

'I will see you soon, Ehrie. I promised.'

Ilang minuto pa at nakarating na sila sa Hacienda Del Carmona.

"Ang laki ng bahay niyo, Bernard!" bulalas ni Monica nang makalabas sa kotse. Humahangang pinagmasdan nito ang buong paligid. "Ang ganda dito!"

"Oo nga, sir!" sang-ayon ni Teresa.

Ngumiti lang siya. "Let's go inside."

Sinalubong sila ng mga katulong. Kinuha ng mga ito ang dala nilang bagahe.

Humahangang pinagmamasdan pa rin ng dalawang bisita ang kabuuan ng bahay.

"Alam ko'ng gutom na kayo. Let's eat first before you rest."

Tumango lang ang dalawa.

"By the way, welcome to Hacienda Del Carmona. Feel at home."

--------------------------

"EHRIE!"

Nabitin ang isusubo niyang pagkain nang marinig ang tili ni Ally. Mukhang pagkababa pa lang nito sa kotse ay isinigaw na kaagad ang pangalan niya. Ilang sandali pa at pumasok na ito sa komedor kung saan nag-aagahan siya. It's already ten a.m. pero nag-aagahan pa lang siya. Ang sarap naman kasing matulog lalo na kung si Bernard ang kaulayaw mo sa panaginip.

"O, ano na namang problema mo?" kunot-noong tanong niya bagaman nakangiti. Isinubo na niya ng tuluyan ang kinakain.

"Wala lang." Naupo ito sa harapan niya at dumampot ng hotdog na nasa pinggan niya. "Yayayain lang kitang magshopping ngayon."

"'Yan lang ang sasabihin mo but still you shout my name."

"As always, ofcoarse," ngisi nito.

Napailing na lang siya. "Bakit hindi si Chico ang ayain mo?"

HACIENDA DEL CARMONA SERIES 2  "SING ME A LULLABY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon