72:00 Nightmare

2.2K 119 14
                                    

NIGHTMARE

'Her cold eyes warmed my heart.'

Napatitig si Valdemar sa naisulat niya out of the blue sa isang tissue paper, saka ulit siya humiga at tumitig sa kisame.

It has probably been three in the morning at hanggang ngayon hindi siya makatulog.

He looked at his mom and dad lying on the couch at magkatabi at nakasuksok sa isa't-isa. Pagkatapos ay tiningnan niya ang dextrose sa gilid niya.

It was quite weird, but in his wishful thinking prayed that Jourdan would come any moment by now. Even though it is really impossible.

Hindi niya alam kung nahihibang siya o hindi, pero inaamin niya sa sarili niyang hinihintay niya ngayon si Romano na dumating-- hindi, tatlong araw niya na itong hinihintay na dumating pagkatapos nitong bumisita sa kanya.

Sa tagal ng paghihintay niya'y hindi niya nalang namalayan na unti-unti nang bumibigat ang talukap ng mga mata niya, saka unti-unti itong sumasara, putting him to his peaceful sleep, habang sa dibdib niya nakalagay ang tissue paper at ballpen na hawak.

--

Hindi niya alam pero naggising siya sa gitna ng mahimbing na pagtulog. Kinusot niya ang mga mata at saka tiningnan ang wall clock sa ibabaw ng dingding ng silid. So it's already 3:32 in the morning.

Inilinga niya ang sarili sa paligid, ngunit wala siyang nadatnang taong nagbabantay sa kanya. Marahik umuwi na ang tito niya. Kaya naman binalewala niya na lang kahit wala siyang kasama.

He can't move a muscle kahit anong pilit na gawin niya. Hindi siya makabangon, o kahit na bumuhat ng isang pitsel ng tubig at baso. Kaya naman bumuntong hininga si Apollo at inis na tumitig sa kisame.

Nang bigla nalang dumating ang nurse niya sa silid niya. Naka-mask ito kaya naman tiningnan niya ito.

But hey, it seemed like something is weird.

He saw a pair of blue eyes just now, hindi pamilyar sa kanya ang nurse na ito. Nahiwagaan tuloy siya dahil bago sa kanya ang nurse na ito.

He was about to talk nang makalapit ito sa kanya nang bigla nalang itong naglabas ng baril mula sa pockets nito, dahilan para mamulat ng todo ang mga mata niya. He was about to shout nang tanggalin nito ang mask sa bibig nito.

Saka bumungad sa kanya ang pagmumukha ni Romano, who is so furious while pointing the hand gun right into his temple. Hindi agad siya nakapagsalita.

Hindi ito nagsalita, bagkus parang nakipagsukatan lang ito ng tingin sa kanya, habang siya naman ay gulantang at halos hindi makagalaw sa hinihigaan. Dinikit nito ang bibigan ng baril sa noo niya dahilan para manginig siya sa takot at mapapikit.

Hanggang sa dahan-dahang pumadausdos pababa ang baril. He tried to scream, pero ibinuka pa lang niya ang bibig niya nang bigla nalamang pinasok ni Romano ang bibigan ng baril sa bibig ni Apollo at isinubo ito sa loob ng bibig nito.

Sa takot niya ay di niya naituloy ang pagsigaw, dahil baka pag sumigaw siya ay hilahin nito ang gatilyo. Baka totohanin na nga nito ang banta nito sa kanya. At natatakot siya. Ayaw niya pang mamatay.

Habang nakadilat ng todo ang mga mata niya'y pinilit niyang magmakaawa kay Jourdan habang nakabuka ang bibig at nakasuksok dito ang bibigan ng baril. Binigyan niya ng nagmamakaawang tingin ang galit na mukha ni Jourdan at pilit na umiling para hindi nito gawin.

But he just saw her index finger sliding inside the trigger guard. Saka niya inilagay ang hintuturo sa gatilyo.

He closed his eyes in total fear when he saw her index finger slowly pulling the trigger.

Steel Skin: Code RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon