61:00 Hungover Tablets

2.2K 108 23
                                    

HUNGOVER TABLETS

"Huuuy narinig niyo na ba yung tsismis tungkol sa away ni kuya Valdemar at Apollo Agustin?"

"Huy narinig niyo na ba? Nakipagsuntukan si Kuya Valdemar kagabi sa mismong birthday niya!"

"Ang cool ni Kuya ayiiee!"

"Ano kayang dahilan no?"

"Hay nako, hindi naman gumagawa ng dahilan si Kuya Valdemar para ikakasira ng pangalan niya."

"Oo siguro nagalit talaga yun ng sobra kaya niya nagawa yun."

"Walang duda. Kilala niyo naman yung pagkatao ng Agustin na yon diba?"

"Halaaa oo nga, hindi talaga nakakapagtaka."

Kaswal na naglakad si Romano sa hallways patungo sa classroom niya habang binabalewala ang mga bulungan at usapan ng mga grupo-grupo at magkakaibigang nakakasalubong niya.

Hindi rin niya mapigilang magulat at matawa. Ibang klase talaga kasi ang popularity ni Valdemar kasi agad na nakalat ang isyu sa buong school. Yung sa tingin niya siguro ultimo kahit pangungulangot guro ng lalaking 'yon kakalat sa buong school.

Bilib din siya sa forum at sa mga taong 'to na ang bilis makasakop ng tsismis at impormasyon. 

And sometimes she couldn't help but think this is getting all absurd and unhealthy. Alam niyo naman, ayaw niya ng masyadong pinag-uusapan.

"Hello ate Jourdan," napalingon siya sa mga babaeng nakasalubong niya na nakangiti at manghang nakatingin sa kanya. They even waved their hands at her bago siya lampasan, kaya naman saglit siyang napatingin sa kanila.

"Good morning ate Jourdan," bati na naman ng tatlong Grade 7 students sa kanya bago siya lampasan. Her cold eyes gazed at them.

Anong meron?

Bakit parang iba ang timpla ng mga tao ngayon?

Nilingunan niya ang mga batang iyon nang lampasan siya nito, at pagharap niya ulit ay siyang ikinahinto niya.

Napahinto siya nang may biglang humarang sa dinadaanan niyang... base sa ID nito ay dalawang Grade 8 students.

"Good morning ate," nakangiti at nahihiyang bati ng isang babaeng makapal ang bangs. She's partly Japanese, hula niya.

"Hi ate." dagdag ng isang kasama niya. Hindi naman sila nakatanggap ng sagot mula kay Jourdan dahil poker lang ang mukha niyang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"A- ah, ate, baka po may hungover ka pa. Eto po," sabi nito at nakangiting inilahad kay Romano ang dala nilang hungover tablets. Walang reaksyon naman itong tiningnan ni Jourdan, saka ulit sila tiningnan.

Walang imik niya itong tinanggap.

"Sige po ate, inumin niyo po. Ang cool niyo po!" energetic na sabi ng may bangs, saka nila winagayway ang kamay nilang dalawa at nakangiting umalis.

O... kay?

Nakatayo at tahimik na nabaling atensyon ni Jourdan sa hungover tablets na hawak niya, matapos niyang lingunin ang mga babaeng iyon.

Anong meron sa mga taong to?

Halata naman kasing kalat na ang ginawa niya kagabi sa party ng mga Florentin, at wala siyang ideya na ganito ang magiging kalalabasan. Cool? Yung ginawa niya? Saan banda? Kasi kung tutuusin, parang nilunod niya lang naman ang sarili niya sa alak sa harapan nilang lahat.

Agad siyang pumasok sa classroom ng Class 3 kung saan bumungad sa kanya ang mga makahulugang tingin ng lahat sa kanya. May nakikita siyang bahid ng pagdadalawang-isip na paglapit sa kanya para may sabihing kung ano, may ibang tinging galak na galak na makita siya, sa wakas.

Steel Skin: Code RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon