89:00 Last Letter

2.2K 109 47
                                    

LAST LETTER

November kicked in that instant, agad na nagsilipana ang mga halloween activities at halloween booths na sinadyang ipatayo ng Student Council para sa paggunita ng Undas-- in a much enjoying way.

Everyone anticipated for the event, dahil ngiti-ngiti sila habang nagtatayo ng booths na mga pakulo, at ang mas masaya pa, magsisimula ang event ng six pm at magtatapos alas diyes ng gabi- dahil na rin sa curfew.

"Di naman makikita ng Student Council sige na,"

"O nga sige na, sa loob na lang ng tent. Isang bote lang oh, ako na bahala sa pulutan." bulungan nila Kino at Adam kasama na sila Troy Del Soccoro at ang buong barkada.

"Huwag, magagalit si Rica eh," takot na sabi ni Troy. Suminghap naman si Kino at dinilatan siya sa mata.

"Sino ba talagang gusto mo? Si Rica o si Sloane?"

"Oy, oy, oy!" sigaw agad ni Adam na biglang may naisip na kabalastugan. Dumagdag pa ang mga kabarkada nilang nabasa agad ang nasa isip ni Adam at sinabayan ang trip nito.

"Oy ano! Pusta na yan! Pusta na yan! Ka Sloane ako!" singit agad ni Ryle Felicidad na naglabas agad ng isang libo.

"Bring down money na mga tsipmanks, sa akin niyo bigay kung manok niyo si Perez, kay Kino niyo ibigay kay Alfonso." napasapo ng noo si Troy na hindi makapagsalita dahil sa pagsi-singit ng mga depungal.

"Malakas si Perez, malakas si Perez mga tol! Ang astig non, hindi nalalayo kay Romano! San ka pa?" wika ni Adam nang makatanggap siya ng dalawang libo.

"Diba magaling din daw yon magmotor?"

"Oh! Oh! Oh!" agad na dumagdag ang tatlo nilang kasama ng tagi-isang libo kay Adam.

"Anong pusta sinasabi niyo? Abnormal ba kayo?" inis na sabi ni Troy.

"Kay Sloane ako, kay Sloane ako mga tol! Kay Sloane tayo! Nyahaha!" tawa-tawang sabi ni Kino habang binibilang ang blue bills na hawak.

"Hoy mga bobo, di niyo ba nakikita yung kurba ni Rica? Dancer yon Troy, san ka pa!" bawi ni Kino.

"Matalino, bungangera, kumander--" napahinto sa pagsasalita si Kino nang batukan siya ni Adam. Paglingon niya sa likod ay siyang pagdating ni Rica.

Kanya-kanya namang sigawan ang lahat at tuksuhan, saka binabatukan si Troy.

"Anong Rica? Ba't niyo ko nabanggit?" kunot-noong tanong nito. Eh diba kanina lang nandun sa booth yan tumutulong magdesign? Ba't napasok na naman to sa classroom?

Napahagikhik naman ang iba habang nakatingin kay Troy na mukhang masama na nga ang timpla.

"Rica, sinong gwapo saming lahat? Ituro mo nga," hamon ni Kino habang nakaakbay kay Troy ang isang braso, sa kabila naman ay si Adam na nakakaloko din ang tingin kay Troy. Lahat silangpito ay nakakaloko ang tingin kay Troy.

Itinuro ni Rica ang sentido gamit ang ruler na hawak, saka siya nakapameywang na tumingin sa kanilang lahat isa-isa.

Pagkatapos ay tinuro niya si Troy.

"Si Troy."

"Huwoahhh!" tukso ng iba sa kanya.

"Uhuuu!" tukso rin ng iba.

Binatukan nila isa-isa ang kawawang si Troy, na mukhang anumang oras, puputok na sa inis.

"Sandali lang!" sigaw ni Rica at pinatahimik silang lahat.

"Well, what I am about to say, si Troy lang ang katanggap-tanggap ang feslak sa inyong lahat." taray niyang sagot kaya naman pabirong sinungitan siya nila Kino.

Steel Skin: Code RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon