💙Chapter 34💙

32 2 0
                                    

Abrianna

Paglabas ko ng bahay sinuot ko ang face mask ko na nasa bulsa ko atsaka pinaharurot paalis yung motor ko.

Naging mabilis ang biyahe ko at agad na nakarating sa destination ko. Pinark ko ang motor ko at bumaba atsaka pinasok ang warehouse ng walang alinlangan.

Pagpasok ko inilibot ko ang paningin ko at naagaw din ang pansin ko ng may marinig akong nagkasa ng baril at naramdaman kong nakatutok sakin yun kaya naman mabilis akong gumalaw at inagaw ang baril atsaka pinaputukan sa binti yung nagtutok nito sakin.

At isa pa ulit may nagkasa nanaman ng baril kaya naman mabilis akong tumakbo at nagmala spider man sa pagkuha ng puwersa sa pader at tumambling sa ere at sumakto ang paa ko sa ulo nung dalawang lalaki atsaka cool na bumaba.

Napahinga ako ng maluwag at mamaya ay may nagtutok ng baril sakin sa harap ko mismo kaya naman kumuha ako ng puwersa at finlying kick ang isang to atsaka sinuntok ang isa pang sumulpot.

Gumalaw pa yung isa kaya ito ang nilapitan ko at inapakan ito sa dibdib. At dahan dahang umupo.

"Hoy."-tawag ko sa lalaki na yun at tinignan naman ako ng lalaki na yun

He smirked. "I'm Hu-en-gee."-natatawang sabi niya

"Ah yeah then who is your master?"-seryosong tanong ko

"Bakit ko sasabihin sayo? Di naman kita master."-sagot niya

I shrugged my shoulders. "Okay, just let him or her know this... You will never defeat me, whether you use guns or manual you choose the wrong choice. Iparating mo sa kanya yan."-sabi ko atsaka tumayo at sinipa ulit siya bago naglakad paalis.

Paglabas ko sumakay ako ng motor ko at pinaandar paalis.

Nakarating ako agad ng bahay at nagpark sa tabi ng kotse ko. Bumaba ako ng motor ko atsaka tinanggal ang face mask pati ang sumbrero ko at tinitigan ang sarili ko.

'Clear. Walang dumi, walang sermon.'

Pumasok nako ng bahay at nandoon na si kuya Arden at Heon na nagdadaldalan.

"I'm home!"-masiglang sabi ko at naupo malapit sa tabi ni Kuya Arden. "So... Aalis na tayo?"-tanong ko

Tumayo sila atsaka ako hinila ni kuya Arden patayo. "Yup. Tara na."-sabi niya atsaka kami lumabas ng bahay. Ni-lock ni Heon ang mga pinto at may mga tsineck pa siya.

"Nasa sasakyan na yung maleta ko?"-tanong ko kay Heon ng makaupo siya sa tabi ko sa backseat.

Tumango siya at nagseat belt. "Yup. May driver din pala tayo. Kasama ni kuya Arden para mauwi yung kotse niya."-sagot ni Heon

"Nice. Saan ba punta natin?"-tanong ko

"South korea for some stuff experience and volunteers at may medical mission doon si Kuya Arden."-sagot niya ulit

Tumango ako atsaka nagchill. Sa passenger seat umupo si kuya Arden at nag shades.

Nasa biyahe na kami papuntang airport mga after 2 hours nandoon na siguro kami.

'Airport here we go.'

............Seoul, South Korea...........

Napainhale exhale ako dahil sa malamig na hangin na dumadampi sa mukha.

"Now we're here."-nakangiti ngunit may autoridad parin sa tono na pagkakasabi ni Heon nun

"Even here? Bakit ba ganun ka kaseryoso at kalalim magsalita?"-kunot nuong tanong ko

Prosecutor is in-love with a Lawbreaker Where stories live. Discover now