💙Chapter 38💙

31 1 0
                                    

Abrianna

"Let's do swimming plus mukbang!"-masayang sabi ni Heon ng matapos niyang libutin ang buong bahay. He does really like houses.

May jacuzzi pool kasi akong pinagawa dito sa may balcony na parang terrace at sa side nun ay may maliit na table at may griller sa gitna. Tapos may 6 na kuwarto rin dito, ang tatlo na kuwarto sa 2nd floor ay ang mga guest room at ang isang kuwarto doon ay bodega habang ang dalawang kuwarto sa baba ay ang master bedroom kung saan pinasadya kong tagisa kami ni Heon. Kung sa Pilipinas sagot niya ang bahay ko sa Korea nilibre ko rin siya ng bahay. Hati kami.

Napailing nalang ako. "Sige tara. Kaso mag grocery muna tayo para sa ingredients. Ako ang magdadrive I miss driving cars already."-natatawang sabi ko

"Okay. Tara na grocery."-sabi niya sabay abot ng car keys niya atsaka ako hinila at sumakay ulit sa bugatti niya. Inabot ko ang duplicate ng susi ng bahay para sa kanya bago ko i-on ang engine ng kotse.

Natuwa naman siya at hiningi ulit yung susi sakin at isinama sa keychain ng susi niya sa sasakyan bago ibalik sakin.

In-on ko ang engine ng sasakyan at minaneho yun papuntang grocery sa malapit sa hospital kung saan na-admit si Ericsson. Oo malapit yung bahay doon pero coincidence lang yun at hindi naman nila alam na ako ang nagmamay ari nun. Convenient kasi sa lotte na yun eh. Malapit lang lahat unlike ng hotel 1 taxi at 1 hour na biyahe bago makarating dito.

Agad kaming nakarating sa grocery which is only kilometers away from my house.

Nagpark ako atsaka bumaba habang bitbit ang cellphone at wallet ko tinanggal ko yung sumbrero ko at iniwan sa saksakyan.

Pumasok kami sa grocery at kumuha ng kung ano ano.

Will this help me to move on? Sana.

"Jinx, hanap lang ako ng inumin natin atsaka iba't ibang ramen."-sabi ko kay Heon

He looked at me. "Sige. Pili ka ng maayos better check the expiration date."-paalala niya

Sumaludo ako. "Yes, Tay!"-natatawang sabi ko ginulo naman ni Heon yung buhok ko bago ako itulak ng marahan paalis

Nagpunta ako sa beverage section. Habang tumitingin ako ng inumin may nakabangga sa likod ko kaya inis akong tumingin doon at agad din napayuko.

'Si Jordan.'

Sumugod yata siya dito sa Korea dahil sa nangyari kay Ericsson.

"Jordan, alak talaga bibilin mo eh naka-admit na nga yung tao!"-tawag kay Jordan kaya marahan kong iniangat ang tingin ko at agad din yumuko at tumalikod atsaka hinarang ng kaunti ang buhok ko sa mukha.

'Si Clarence.'

Mukhang napasugod sila ng wala sa oras.

"T*nga. Napadaan lang ako. Kukuha ako ng chocolate drink yung favorite ni Ericsson."-sabi naman ni Jordan

"Oyt. Kukuha ka lang? Masama yan. Dapat bayaran mo. Look at me, ako bibilihin ko yung mga pagkain na gusto ni Ericsson, hindi ko kukunin. I'm not a theif though."-pambabara naman ni Clarence

"Tss. Shut the hell up."-sabi ni Jordan

Madali kong kinuha ang 4 na soju pear flavor. At ng maglalakad na sana ako paalis ng biglang magsalita ulit si Clarence.

"Wait. Si Abrianna ba yan?"-tanong ni Clarence

Kaya nanigas ako at nanuyo ang lalamunan ko.

"Hindi. Di naman nagshoshort ng ganyan kaikli yun. Lalaki yun eh."-sabi ni Jordan

Napalit ng inis yung pakiramdam ko. Hayp siya. Babae kaya ako!

Prosecutor is in-love with a Lawbreaker Where stories live. Discover now