That's My Handsome Girl(Book 1 and 2)

1.1K 6 0
                                    

Written by: red_pages

Prologue

Ako si Raven.

Marami na akong pinagdaanan sa buhay ko. Mga dramang hindi ko naiwasan. Mga pagsubok na pilit ko noong nilabanan.

Nagawa ko naman... dahil itinaboy ko na noon sa sarili ko ang pagiging mahina ang loob.

Natuto kasi akong magbago.
Natuto akong tumayo sa sarili ko.
Natuto akong maging malakas.

Ayoko na ng mga malungkot na bagay. Ayoko ng mga sakit ng ulo. Wala ng puwang sa akin ang mga nakaraan ko.

Gusto ko nalang ngayon ay isang tahimik na buhay.

Ipinanganak ako na isang babae... pero sa kasarian lang iyon.
Hanggang doon nalang iyon.

Hindi naging madali para sa akin ang ginawa kong desisyon na baguhin ang sarili ko. Pero nadala ako ng mga pinagdaanan ko sa buhay at maging ng mga sitwasyon.

Kaya ito na ako ngayon.

Isang lalaki...
Sa pananalita, sa itsura, sa kilos, sa isip at maging sa damdamin.

Ang totoo, hindi naman sa pagyayabang... pero sa totoo lang mas lamang pa nga ako sa ibang kalalakihan.

Bakit kailangan kong maging isang babae kung palagay na ako sa pinili kong desisyon?

Ang alam ko masaya na ako kung ano ako ngayon.

Hindi ko na maramdaman na may natitira pang pag-asa para harapin ko ang katotohanan na ipinanganak akong isang babae at hindi isang lalaki.

Wala na nga kayang natitira?

Alam kong darating ang oras na may pagsubok pa rin akong kailangang pagdaanan at kailangan kong harapin.

Isang pagsubok sa pagkatao ko na ang tanging solusyon at sagot ay manggagaling sa totoong nilalaman ng puso ko.

Best Wattpad StoriesWhere stories live. Discover now