Siyam na Bituin

34 0 0
                                    

AN: Di siya dagli pero gusto kong ipublish. Hakhak

-----------

Siguro'y ang iba sa inyo ay pamilyar na sa kwentong ito. Pagbibilang ng siyam na bituin sa loob ng siyam na araw upang makamit ang hinihiling. Nung una'y natatawa lamang ako kapag naririnig ito ngunit iba din pala ang nagagawa kapag wala ka ng mapagpipiliang iba.

Ito na naman ako. Nasa ilalim ng karagatang bumabalot sa mundo tuwing mawawala ang sinag ng araw, ang kadaliman.

Ito na ang ika-siyam na araw ko sa pagbibilang ng bituin. Sana nama'y matupad na ang aking kahilingan. Ilang linggo ko na din naman itong paulit-ulit na ginagawa.

Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim.. Pito.. Walo..

Hindi maari. Bakit wawalo lamang ang aking bilang? Muli akong nagbilang

Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim.. Pito.. Walo..

Agad akong tumayo sa aking hinihigaan at naghanap ng isa pang bituin. Hindi maari. Bakit wawalo na lamang ang aking bilang?

Aligaga ako sa paghahanap ng nawawalang bituin ng biglang nagkaroon ng liwanag. Hindi maari! Ang aking mga bituin!

"Anak.. Please kumain ka na. Ilang linggo ka ng nasa kwarto mo at nagbibilang ng mga idinikit mong bituin sa kisame mo. Anak.. Tama na.. Hindi na siya babalik anak. Kahit gaano katagal ka pa magbilang ng mga iyan."

Unti-unti na akong napaluhod at walang tigil ang aking mga luha sa pagpatak. Nagising ang aking diwa sa sinabi ng aking ina. Alam kong hindi na siya babalik ngunit ano itong ginagawa ko? Ilang minuto rin akong umiyak ng umiyak at narinig kong napabuntong-hininga ang aking ina bago umalis sa aking kwarto.

Kaagad akong tumayo at inabot ang aking idinikit na mga laruang bituing umiilaw sa aking kisame. Akin ito muling binilang sa huling pagkakataon.

Isa.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Anim.. Pito.. Walo..

Agad akong napatawa sa aking nasilayan. Ang ika-siyam na bituin na aking hinahanap ay nakadikit pa rin sa kisame ngunit wala na itong ning-ning. Kasabay ng pagkawala ng liwanag ng laruang bituing ito ay ang ang unti-unting pagkawala ng aking pag-asang babalik pa sa akin ang aking pinakamamahal na ngayo'y nasa piling na ng maykapal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon