Chapter 2

10.3K 442 55
                                    

Nauna siyang umiwas ng tingin at nakapamulsang naglakad deretso... sa akin!

Nataranta ako sa aking pwesto at napapikit nang mariin. This school has a lot of vampires...

I mean dangerous yet handsome vampires!

"Historia, you can sit down, now," rinig kong saad ng aming guro.

Napamulat ako ng aking mata at nahihiyang umupo. Where'd he go?

Napakagat ako sa ibaba ng aking labi. Ramdam ko ang mainit na titig ng lalaki sa aking likuran. I can't help but feel uncomfortable.

Nakakapaso.

Napahinga ako nang malalim at tahimik na nakinig sa aming guro. My new classmates' still silent.

Pati paghinga ay mahihina. What happened? Are they scared of someone?

But to whom?

Napatigil ako at napaayos ng pagkakaupo nang maramdaman ko ang mahihinang sipa ng lalaki sa aking upuan. He's slowly tapping it using his foot. He's like listening to music.

Napalunok ako at unti-unting tumingin sa aking likod. It's making me uncomfortable.

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likod kung saan nakaupo 'yong lalaking bampira.

Agad ako napaharap sa aming guro nang makita ko ang seryoso niyang pulang mata na nakatitig sa 'kin. Ilang beses akong napalunok at hindi mapakali sa aking upuan. Oh, my.

His stares... it's making me nervous. Who is he?

Napatalon ako nang mahina nang marinig ko ang kaniyang pagtayo at mabibilis na hakbang papalabas.

Pagkasara ng pinto ay rinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ng aking mga kaklase; dahilan na nagpipigil sila ng hininga simula nang makapasok dito ang lalaking may mga pulang mata. Pati ang guro ay napahinga nang malalim ngunit nagpatuloy pa rin sa pagturo.

"Grabe, nakakatakot talaga si Damien! Titig pa lang nakakapatay na. Hay," rinig kong bulong ng isang babae.

"I wonder why he went here? Hindi naman niya 'to classroom," bulong ng isang babae. Mataman akong nakikinig sa dalawang babae nang mapatingin siya sa 'kin.

Matalim niya akong tinitigan. "Why are you staring at me? Nerd," nakataas na kilay niyang saad.

Napayuko ako at pinaglaruan ang aking mga daliri. So that man's name is Damien...

Damn... mine.

Namumula kong itinagilid ang aking ulo at pinilit ang sarili na makinig sa aming guro.

Stop it, Historia! Remember, this is your new life! Don't get involve with just some vampire guy!

Agad kong pinalis ang kaisipang iyon habang lumipas ang oras sa pagturo ng aming guro.

Matapos ang klase ay agad na nagtayuan ang aking mga kaklase para pumunta sa canteen. Hinintay ko munang umunti ang nasa loob ng classroom bago ayusin ang aking mga gamit.

Napatigil ako nang biglang may kumuha ng aking notebook sa aking desk.

"A black notebook? What are you? So weird," nandidiri niyang ani at tumawa. Tumawa rin ang mga kasama niyang mga babae.

"Please give it to me..." bulong ko habang nakayuko. Stop, I want a peaceful school life.

Don't tempt me... please. I don't want this...

"What? I can't hear you," nakangisi niyang saad. I don't know wolves can be this bad. Huminga ako nang malalim bago magsalita.

"Give it to me," medyo malakas kong saad ngunit nakayuko pa rin.

"Sure." Agad ako na nagtaas ng tingin at makita ang matamis niyang ngiti sa akin. Iniabot niya sa 'kin ang aking notebook habang matamis pa rin ang pagkakangiti. Napalunok ako bago dahan-dahang kinuha ang aking notebook.

Ngunit sa sunod niyang ginawa ay aking ikinagulat. Ramdam ko ang unti-unting pamumula ng aking mukha.

She hit my head using my notebook...

Agad silang nagtawanan sa aking reaksyon at lumabas ng classroom.

Naiiyak kong pinulot ang aking notebook na nasa sahig at hinilot ang aking ulo. It just made me dizzy as hell...

Pinalis ko ang aking luha at inayos ang aking salamin.

Lumabas ako ng aming classroom at hinanap ang canteen.

Bumungad sa 'kin ang maingay na canteen. Nagpatuloy ako sa paglalakad at bumili ng pagkain.

Pumunta ako sa pinakasulok at tahimik na kumain. Patigil-tigil ako sa aking pagkain at inililibot ang aking paningin sa paligid.

Vampires, wolves, and witch in the same room... not bad.

Tinapos ko ang pagkain at balak nang lumabas ng canteen. Napatigil ako nang harangan ako ng isang grupo ng mga babae.

Witches.

"Hi, newbie! I'm Josalith. Josa nalang," nakangiti niyang salubong at inilahad ang kaniyang kamay. Between the six of them she's the one who look friendly.

Pilit akong ngumiti at inabit ang kaniyang palad.

"Historia po," nahihiya kong saad. Ngumiti siya nang malaki at ipinakilala ang kaniyang mga kaibigan.

"This is Krcyne. We call her Cry, because she's a crybaby," natatawa niyang saad at itinuro ang isang babaeng maganda. In fact they're all beautiful.

"Hi," mahinhin niyang saad at itinaas ang kaniyang kamay. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.

"This is Rubelyn. You can call her what you want." Ngumiti sa 'kin si Rubelyn at naglahad ng kamay. Inabot ko ito at nahihiyang ngumiti.

"And these three are, Juliana but you can call her Julia. And then Faye, and Casmira," sunod-sunod niyang pagpapakilala. Ngumiti nalang ako at nahihiyang tumango.

"So, kaya kami nagpakilala sa 'yo kasi we want you to join our club. I can sense that you're a powerful witch, Historia..." seryosong saad niyang habang nakatitig sa 'kin.

Kinabahan ako sa kaniyang ani at pilit na ngumiti.

"Uhm..." Nilawayan ko ang aking ibabang labi at ngumiti.

"I want to explore something new... sure," nakangiti kong saad habang nakayuko.

I heard them cheered with joy then hugged me. Nagulat ako sa kanilang ginawa pero sa huli ay gumanti rin ng yakap.


Pagkatapos makipagkaibigan kila Josa ay agad akong pumunta sa aking susunod na klase. Masaya kong kinuha ang aking notebook at nakinig sa aming guro.

Inayos ko ang aking malaking salamin at kinapa ang aking kwintas. Thank God, it's still here...

The remaining class ended well. I let my classmates went out first before me.

Mabilis kong kinuha ang aking notebook at lumabas ng aming classroom. Mahigpit ang aking pagkakahawak sa aking bag habang naglalakad sa corridor.

Napatigil ako sa paglalakad nang may isang babaeng nakasandal sa gilid ng pader. She's staring at me with her gray dull eyes. She's wearing a black hoodie.

Napalunok ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Malalagpasan ko na sana siya nang marinig ko ang kaniyang mahinang ibinulong.

"Grace."

A Witch in Disguise (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon