Chapter 18

6.6K 213 14
                                    

Nakakabinging katahimikan ang namayani sa bawat sulok ng gym. Napalunok ako at umiling.

"You shouldn't have done that," mapait ko saad at mabibilis ang hakbang paalis. Sunod-sunod na tumulo ang aking luha pababa sa aking pisngi.

Inis kong pinalis ang aking mga luha. Why am I crying?

Napatigil ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Validana.

"Grace, why are you crying?" nag-aalala niyang saad at mabilis na humakbang papalapit sa 'kin.

Umiling ako sa kaniya at ngumiti. "Napuwing lang."

Agad akong napahawak sa aking balikat at napaubo. I'm feeling kind of dizzy, I think need to change my clothes now...

"Excuse me, I'm not really feeling well Validana, salamat sa pag-aalala," aniko at nakayukong nagpatuloy sa paglalakad.


"Bitch," I hissed then rolled my eyes at her back. 

A smile crept on my lips and quickly dialed 'his' number.

"She's free tonight," I smirked when he approved at my plan.

Go to hell, Grace...


I was blankly staring at my ceiling. I'm feeling so dizzy, I can feel the world's spinning...

I coughed as many times so I closed my eyes and tried to rest.

Dahan-dahan akong naalimpungatan nang makarinig ako ng sigawan. Agad nanlaki ang aking mga mata nang makitang nasa gitna ako ng field at nakagapos ako sa isang upuan. Maraming nakapaligid sa 'kin na mga nakakapang pula. Who... who are they?

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Halos lahat ng estudyante ay nasa labas ng field at masasama ang tingin sa mga nakapaligid sa 'kin.

A-Anong nangyayari...

Napatigil ang aking paningin kay Damon. Bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha habang nakatingin sa 'kin.

He mouthed, "It's okay," while smiling at me.

Napayuko ako dahil nakaramdam na naman ako ng hilo. Ilang beses din akong napaubo.

Napataas ang aking paningin nang magsalita ang isang nakakapa na nasa aking gilid.

"Damn," kumunot ang aking noo ngunit agad ring nawala nang may magsalita na naman—ngunit ito'y nasa aking harapan.

"We just want our queen back, we can talk this without killing—besides we don't kill students," nakangising saad nito at sumulyap sa 'kin. 

"How dare you attacked my school and claimed that, that girl is your queen," walang emosyong saad ni Principal Stein.

Pagak na tumawa ang lalaking nasa aking harapan at tumingin sa akin.

Humakbang siya papalapit sa 'kin at lumuhod sa aking harapan. "Queen," anito at yumuko.

Lahat ng nakakapa ay agad ring lumuhod at yumuko sa akin.

Bumakas sa aking mukha ang pagtataka at takot.

"I-I'm no queen..." paos kong saad at pumikit nang mariin. Hinaplos niya ang aking buhok at suminghot sa hangin. Inaamoy ang aking buhok.

"You have the sweetest scent of blood, My Queen..." the guy creepily whispered. I gasped. I tried to cast some spells but I only felt weaker.

"You are under our spell, My Queen. Your power's won't work here," he added, devilishly chuckling.

Naramdaman kong tumayo siya at may kinuhang matalas na bagay sa loob ng kaniyang kapa.

"Your aroma smells so sweet, I wonder what it taste like..." aniya habang nakangisi at pinaglaruan ang matalas na kutsilyo sa kaniyang kamay.

"N-No," naiiyak kong saad. Ilang beses akong napailing nang itutok niya ang kutsilyo sa akin.

Napakagat ako sa aking ibabang labi nang dahan-dahan niyang hiwain ang aking balikat pababa sa aking braso. Bumagsak ang aking sariwang dugo sa lupa upang magwala ang lahat ng mga bampirang nakapaligid.

Ilang beses niya akong hiniwaan sa mga iba't-ibang parte ng aking katawan. Hindi ko nalang mapigilang umiyak sa sakit. It hurts like hell... It feels like hell.

Tanging hikbi nalang ang aking nagawa habang pilit na nilalakasan ang loob dahil sa isang tao.

Damien...


"Damien. Fuck! Where are you?" Napalunok ako nang maamoy ko mula rito ang dugo ni Grace.

Goddamn it!

Mayroong nagtangkang sumugod na estudyante ngunit agad ring napapabagsak ng mga kalabang nakakapa. Damn, they're really strong.

I breathed heavily as I heard Grace's sobbing and whimpering in pain. Damn it, Damien.

What the heck is in your mind?


Walang tigil sa pagtulo ang aking mga luha. Isabay mo na rin ang aking mga dugo.

Dinilaan ng lalaki ang kutsilyo na punong-puno ng aking dugo. Ngunit dahil sa panghihina ay hindi ko nalang iyon pinansin.

Lumabas ang matalas niyang pangil at mabilis na hinawi ang aking buhok na nakatakip sa aking leeg.

Mapait akong napangiti at tumingala sa langit. Hinihintay ang kaniyang pangil sa aking leeg.

Ngunit agad na napaaalis ang aking paningin sa makulimlim na langit nang magsilmulang tumakbo lahat ng estudyante para sumugod sa mga lalaking nakakapa.

Nanlalabo ang aking paningin kaya ako'y napayuko at napapikit nang mariin...

Mabibigat na rin ang aking paghinga at unti-unting bumabagal. Naramdaman kong inilapit na ng lalaki ang kaniyang pangil sa aking leeg ay handang ipagpatuloy ang balak na gawin.

Ngunit naramdaman kong biglang tumalsik ang lalaki na nasa aking harapan at agad napaubo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Sumalubong sa aking ang isang lalaking nakatalikod sa aking pwesto.

Nakakapa siya katulad ng suot ng mga lalaking nandito. Biglang nahulog ang suot niyang kapa kaya tuluyan ko nang nakita ang kaniyang katawan.

Ang matipunong likod niya lamang ang aking nakita ngunit agad akong nabuhayan ng dugo. Pinilit kong magsalita ngunit agad ring napatigil dahil sa kapaguran.

Itinagilid niya ang kaniyang ulo para sulyapan ako. Kalahati lamang ang aking nakita sa kaniyang mukha ngunit bago ako tuluyang mawalan ng malay ay nasulyapan ko ang kaniyang mabagsik ngunit mapula niyang mga mata.

A long yet tiring sigh came out on my lips as I closed my eyes.

... Damien.

A Witch in Disguise (Editing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon