Knight's POV
"Oh! Ayan na kape mo."
"Teka Knight! Bakit ganyan ang damit mo? Natapunan ka ng kape?" Tanong ni ate -______-
"Hindi ba obvious?"
Ininom nya yong kape bago magsalita.
"Mag ingat ka kasi!" She said.
"Tss. Ako pa hindi nag iingat? Ako na nga yong nabunggo."
Binato nya ko ng unan.
"Ano ba ate?!" Sigaw ko.
"Matulog ka na!" Sigaw nya pabalik.
Pumasok na 'ko sa kwarto ko.
Napaupo ako sa kama ko.
May picture frame sa gilid. Kinuha ko.
Picture namin ni Kath.
She's very beautiful.
Kaya mas lalo akong naiinlove sa kanya.
No one can replace her. NO ONE.
*zzzzzzzzzzhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhttttttt*
Nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko.
From: Amanda
| Hey Knight, how are you? It's been a long time. Kakauwi ko lang galing Canada eh. Kaya sorry kung ngayon lang ako nakapagtext. I heard what happened. I'm sorry. I wasn't there to comfort you. I'll call you tomorrow. Bye. See ya. |
Si Amanda. Ang best friend ni Kathlyn. Isa sya sa mga taong nakakakilala sa'kin.
Napabuntong hininga ako. Why do I have to suffer? Bakit hindi na lang si Kath ang makasama ko habangbuhay?
Unfair. I loved her so much. Tapos ilalayo lang sya sa'kin. Sama naman ng tadhana. But they said that I control my own destiny.
Teka..
Destiny?
=________="
Bakit parang pamilyar yong word na 'yan?
Tss.
Oo na. Naalala ko na.
'Yong batang tutubi.
Destiny Faith ang pangalan nya. Ang PANGIT kagaya nya. Iritang irita ako sa babaeng 'yon. Puro kamalasan ang dala nya sa'kin.
Magkamukha sila ni Kathlyn. Magkamukhang magkamukha. Pero mas maganda syempre si Kathlyn.
Magkaugali sila. Pero swerte ang dinadala sa'kin ni Kath, 'yong babaeng 'yon, KAMALASAN.
Tch.
Stress. Pagod.
'Yan ang naramdaman ko ng makahiga ako. 4 days na din akong hindi makatulog ng maayos. I better sleep now.
School**
"Mr. Johnston." Banggit ng teacher ko.
Napatingin lang ako sa kanya.
"You will transfer to section A. Since mataas ang grades mo ngayon, we decided to transfer you to the higher section. Is that okay with you?" She asked.
Tss. Hindi na kailangan. Wala na si Kathlyn. Wala na 'ko inspirasyon.
"Mr. Johnston? Is that okay with you?" She asked again.
"Yeah. Whatever you want." I answered.
"Okay. Follow me." She said. Naglakad sya palabas ng room.
Tch. Sumunod ako.
Nang makarating sa room, nakita ko ang reaksyon ng lahat ng estudyante.
Nanlaki ang mga mata nila at natahimik.
"Okay class, listen. Mr. Silver Knight Johnston will transfer now here at section A." Sabi ng teacher.
"ANO?!"
Biglang may tumayo at sumigaw na babae.
O_O
"IKAW?!"
Sigaw namin sa isa't isa. Nakalimutan ko nanaman ang pangalan nya.
"Yes, Ms. Faith. From now on, you'll treat him as your classmate." Sabi ng teacher.
Nagbulungan ang mga estudyante.
Nang makaalis ang teacher..
*BLAG!***
Sinara ko ng malakas ang pinto at nagtigilan sila sa pagbubulungan. Takot na takot ang mga mukha nila.
Sinipa ko bigla ang nakaharang na lamesa sa dadaanan ko.
Humanap ako ng pwedeng maupuan.
Pero wala ng vacant seat.
Napabuntong hininga ako.
"WALA BANG BALAK MAGBIGAY NG UPUAN?!" I shouted.
Nagtayuan lahat sila at itinulak ang mga upuan malapit sa'kin. Napaatras sila lahat.
Hinila ko ang isang upuan malapit sa'kin. Dinala ko sa pinakadulo ng classroom. Ayoko ng istorbo.
Umupo ako ng tahimik.
Ang boring -_______-.
May umupo bigla sa tabi ko.
Section A nga pala si Raph.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nya.
Kinuha ko ang laman ng bulsa nya sa T-Shirt.
Cigarette.
Sinindihan ko at ginamit. Pero inagaw nya bigla.
"Ano bang problema?" Tanong ko sa kanya.
"Pwede kang gumamit ng sigarilyo, OUTSIDE THE ROOM at OUTSIDE THE SCHOOL. Sinisira mo imahe ng school."
Inagaw ko ang sigarilyo.
"Wala akong pakielam. Edi tanggalin nila 'ko dito. Hindi problema 'yon." Sabi ko at bumuga ng usok.
"Nandito si Kathlyn." Sabi nya.
Napatingin ako sa kanya.
"Tss. Ayan oh.." Tinuro nya.
Unti unti akong napatingin ako sa direksyon na tinuro nya.
T-Teka..
"K-Kathlyn?" Bulong ko.
Siniko ako bigla ni Raph. "Joke lang pare. Si Faith 'yan. Kamukha lang talaga nya si Kathlyn kapag nakatali ang buhok, siguro naman maaamin mo." Sabi nya.
Napapikit ako sandali. At minulat ko din ang mga mata ko. Tumingin ako sa ibang direksyon.
"Matalino din sya katulad ni Kathlyn." Sabi ni Raph.
"Nag iisa lang si Kathlyn. 'Wag mo ng banggitin sa'kin 'yang babaeng 'yan. Kamalasan ang dala nyan sa'kin." Sagot ko.
"Okay okay."
Tss.
Napatingin ako sa babaeng.. ano pangalan?
Napatingin din sya sa'kin.
inirapan nya ako at tumingin sa ibang direksyon.
Tss.
Akala naman nya tinititigan ko sya.
-end of Chapter 6.
