-Knight's POV
Papunta ako ngayong prisinto.
May gagawin lang ako.
Binilisan ko ang pagmamaneho.
Hanggang sa makarating na 'ko.
Bumaba agad ako sa motor ko. Inihagis ko ang helmet ko kung saan. Agad akong pumasok.
Nakita ko sya.
Si Danny.
"Palabasin nyo sya. Kakausapin ko lang sya." Sabi ko sa isang pulis.
"Sige sir."
Inilabas nila si Danny. At nang makalapit sa'kin si Danny, agad ko syang sinuntok.
"Sir!" Hinawakan ng dalawang pulis ang dalawa kong braso.
"Kulang pa 'yan sa ginawa mo! You'll pay for this!" Sigaw ko kay Danny.
Tumayo sya. Nakakadena sya. He laughed.
"Hindi pa 'ko tapos sa'yo Knight. Mabuti nga nawala sa'yo si Kathlyn. Para malaman mo ang pakiramdam ng isang TALUNAN! TALUNAN KA KNIGHT!"
Bigla kong itinanggal ang braso ko sa dalawang pulis at pinagsususuntok si Danny hanggang sa napahiga sya.
Pinagsisisipa ko sya.
Lumuhod ako sa harap nya at hinatak ang damit nya papalapit sa'kin.
"Magbabayad ka. Papatayin kita." Bulong ko sa kanya at sinuntok sya muli. Duguan sya.
"Tama na sir." Hahawakan sana ng mga pulis ang braso ko pero tinabig ko ang mga kamay nila.
Tumayo ako.
At naglakad papalayo.
Paglabas ko ng prisinto..
"Ate.." Sabi ko.
Nilapitan nya 'ko.
"Sinundan kita. Hindi mo na dapat ginawa 'yon." She said.
"Malaki na 'ko ate. Alam ko na ang mga ginagawa ko." Sabi ko at naglakad papunta sa motor ko.
Dinampot ko ang helmet ko sa sahig at isinuot.
Sumakay na ako.
"Hindi matutuwa si Kathlyn sa'yo nyan. Akala ko magbabago ka na, pero parang mas lalala ka pa." Sabi nya.
Hindi ko sya pinansin.
Pinaandar ko na ang motor ko.
Hindi nya siguro alam 'yong pakiramdam na mawalan.
Hindi nya alam.
Tumigil uli ako sa damuhan na pinupuntahan namin ni Kath.
Bumaba ako. Inalis ko ang helmet ko at inilagay sa motor.
Naglakad lakad ako.
Matagal pa bago bumaba ang araw.
4pm pa lang.
Umupo ako.
Kath, wherever you are, I'm always here for you.
Alam kong alam mo 'yan.
Pasensya na kung hindi ko kayang magbago.
Minahal mo 'ko ng ganito, mamamatay akong ganito.
Dahil kung hindi ako ganito, hindi mo naman ako mamahalin, hindi ba?
Biglang nag vibrate ang cellphone ko.
Kinuha ko at tinignan.
From: Simon
![](https://img.wattpad.com/cover/2072836-288-k276010.jpg)