Chapter 1

4 0 0
                                    

Hindi ko alam kung papano ko ito uumpisahan pero nasa point na ako ng buhay ko na hindi ko alam kung saan ako tutungo.

Ngayon nakaupo ako sa upuan ng aking study desk o lamesa sa aking kwarto, nagiisip pa rin ako sa buhay ko kung anong dapat kong gawin.

I'm already a 21 years old, graduate of Bachelor of Science in Nursing and now I'm reviewing for my board exam pero hindi ko pa rin alam kung ito ba talaga gusto ko.

Marami akong kilala o naging classmate ko na alam na nila kung anong gusto nila sa buhay.

"Ang hirap ng walang trabaho." Sabi ng bestfriend ko sabay higa sa kama ko. "Bakit ba kasi walang tumatawag ni isa sa mga pinasahan ko ng CV ko." Pagrereklamo niya.

"Maghintay ka lang. It takes time, siguro hindi mo pa time para dun." Sabi ko sa kanya.

Yan din ang sinasabi ko palagi sa sarili ko, kumabaga pampalubag loob.

Isa rin tong bestfriend ko sa mga taong alam na nila kung anong gusto nila sa buhay. Kakagraduate niya lang naman ng BS Psychology nung April at May palang ngayon pero hindi na siya mapakali nang wala siyang trabaho.  Naiintindihan ko siya kasi nakakahiya na ngang humingi ng pera sa ganitong mga edad namin pero hindi namin mapipilit ang isang bagay kung hindi talaga samin.

Parehas kaming napabuntong hininga sa sinabi ko.

Hindi ako matalino, hindi rin ako bobo pero may pagkatamad ako. Para bang ayoko kung ano ako. Wala naman akong choice kaya kailangan ko nalang tanggapin kesa magreklamo baka tumanda pa ako ng maaga.

"You know what, pupunta nalang ako sa boylet ko tutal wala naman akong magawa at maaga pa naman at hindi rin kita maaya dahil nagrereview ka." Sabay turo niya sa mga libro kong nakakalat.

Tinignan ko lang siya habang nakataas and kaliwa kong kilay.

"Bye." Biglang sabi niya at sinarado ang pintuan.

Gulong-gulo na ako sa sarili ko at sobrang nahihiya na rin ako sa mga taong gumagastos sakin.

Sa totoo lang, pangarap ko dati na maging Nurse at pumunta sa ibang bansa, magtrabaho at dun na tumira kasi dito sa Pilipinas hindi pinapahalagahan ang mga tulad ko o ang mga nurses. Katulong lang nang doktor ang alam nila, we are more than that. Edi sana hindi nalang kami nag-aral ng apat na taon at gumastos ng malaki kung yun lang naman pala ang nasa isip nila.

May doubt ako sa sarili ko na baka hindi ako makapasa sa board exam. Sa totoo lang, bago ako makagraduate bumagsak ako isa sa mga major subject ko. That time, sobrang dami kong problema. Problem sa school, sa duty at sa friendships. Alam kong hindi dahilan yun, tao lang ako, napapagod at nasasaktan pero tuloy pa rin ang laban. Nag-enroll ulit ako at sa wakas nakapasa at nakagraduate na ako.

Kung hindi man ako makakapasa ngayon, lalaban pa rin ako hanggang sa makapasa ako.

My One and Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon