- 10 I FOUND HER

242 8 1
                                    

Taehyung's POV

" May nakita po ba kayong estudyanteng pumasok na ganito ang itsura? "

Hays, nagdecide pa din ako na hanapin si Jisoo sa mga malalapit na bars dito. Nagsearch din ako ng picture niya since popular naman siya sa school namin, nagkakalat naman na siguro yung litrato niya sa mga websites kaya nga ayun, nakahanap ako at ito ang pinapakita ko sa mga guards ng mga bars dito.

Mga lagpas lima na din yun napagtanungan ko at 6:30 pm na rin. Mga 2hours na rin ako naghahanap ng Jisoo pero wala akong makita. Hays, saang bar ba yun nagpunta?

" Oo, si Ma'am Jisoo yan, lagi yan nagpupunta dito. " sabi ng guard na kinagaan ko naman ng loob. Sa wakas, nahanap ko na din ang paimportanten babaeng yun.

" Ah sige po salamat po. "

***

Pumasok nako sa bar at sobrang ingay, madilim pa. Grabe ang babaeng yun, buti pinapasok siya kahit naka-school uniform. Sa ganitong lugar? Akalain mo na talaga na nag-iinom siya at pala-inom. Ano pa kaya niyang gawin sa lugar na ito?

Habang hinahanap ko siya, napapaisip din ako. Talaga bang gusto ako ng playgirl na yun? Alam ko naman nung una na trip niya ako pero sa mga mata at boses ng kaibigan niya, parang nagsasabi sila ng totoo. Ayoko naman magpaasa ng tao pero talagang, hindi ko siya gusto. Siguro?

Napagawi yung lingon ko sa bandang kaliwa, yung malapit sa table ng nagbabartending ng mga alak. May dalawang mag-syota ata na naghahalikan, hays. Talaga bang wala ng ka-amor amor mga tao ngayon? Kahit public kailangan maghalikan— teka sandali? S-si Jisoo ba yun?

Medyo lumapit pako sa pwesto nila upang maaninag ko sila kung yung babae ba dun ay si Jisoo pero hindi nga ako nagkakamali, siya nga.

Napansin ko na yung kamay nung lalaki, onti onti niya ng hinuhubaran si Jisoo. Sh*t, ayoko sa lahat yung makakakita ako ng ganito, yung pambabastos sa babae di maganda. Kahit sabihin na natin inakit ka ng babae, hindi mo kailangan bastusin sila. Hays!

Nandilim nalang ang paningin ko ng maramdaman kong sinusuntok ko na pala ngayon yung lalaking nambabastos kay Jisoo.

***

Ngayong hatak hatak ko na siya sa labas, pumunta kami sa may parking lot at napabitaw naman ako sa kamay niya kasi pumipiglas din naman siya.

" I-ikaw? Taehyung? Anong ginagawa mo ditong m-mokong ka? " lasing niya na pakikipagusap sa akin.

" Ganyan kaba talagang klaseng babae? H-hayaan mo na bastusin ka ng mga lalaki? " concern kong sabi. Ewan ko ba, basta naiinis ako sa mga lalaking hindi nirerespeto ang mga kababaihan. Malaki kasi ang respeto ko sa kanila lalo na sa Nanay ko.

" Wao ha? T-taehyung? I-ikaw ba yan? Kailan ka pa naging c-concern sakin? Ni wala ka ngang pake sakin diba? " pagdadrama niya. Bakit ganun ang mga lasing? Kung kailan lasing sila, doon nila nilalabas yung tunay nilang nararamdaman. Speaking of nararamdaman, may feelings ngs ba talaga tong babae ito sakin? O baka pinagtitripan niya lang ako?

" Wala akong pake sayo pero sa mga babae meron "

" P-pero b-babae ako? So may pake k-ka sakin hihi? Kiss mo nga akuu " at ngumunguso siya na parang bata. Cute niya, este ang corny naman.

" Tumigil ka nga para kang bibe HAHAAH " pang-aasar ko sa kanya.

" Kung b-bibe ako. Edi bibeh mo ko? YiEee bebe niya akuu, hikhik* iloveyou " pagpapacute niya. Ano bang problema nito? Kanina galit tas ngayon, parang bata.

" Umayos ka nga, tara na gabi na mag-8 na oh. Umuwi ka na sa inyo "

" Ayoko! Ayoko magpahatid sayo mokong ka! Lumayo ka sakin!!! " at tinulak tulak niya ko problema ba nito?

" Nababaliw kanaba "

" Baliw saYuu hikhik* " sabay umikot ikot siya sa parking lot. Hay nako, parang sira.

" Uy tigilan mo yan baka mahilo ka— " at sumuka na nga siya -_-

Dali dali ko naman siyang nilapitan at hinagod yung likod niya. Buti nalang at bandang dito siya sa gilid ng parking lot sumuka.

" Ayan kasi sabi ko na nga ba " at hinagod hagod ko pa din ang likod niya. Habang hinahagod ko yun, napatingin ako sa bukas niyang butones— napalingon ako sa malayo. Kunwari di ko nakita -_-

" A-ayusin mo nga yang butones mo " sabay kinuha ko yung panyo ko sa bulsa ko at iniabot sa kanya para ipapunas sa bibig niya dahil nga siya ay nasuka.

" Thankyou " at kinuha niya na ang panyo sabay punas sa bibig niya.

" Yun tungkol sa butones mo, ano kasi, nakabukas, sarado mo na— " napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko siyang nakasandal na sa may pader at tulog na. Hays, magbubuhat pa ata ako ng babae ngayon.

Kaso naiilang talaga ako sa polo niya, kung bubuhatin ko siya, dapat nakasarado ito.

Pero pangit naman na dito ko gawin, mamaya may makakita pa samin, sabihin nirape ko ang loka lokang to.

"Hays, buhatin ko na nga ang lasing na to."

endofchap10

HE CAPTURED THE PLAYGIRL'S HEART || TAESOO || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon