- 34 GREEN MINDED

218 9 6
                                    

Namjoon's POV

" Bakit mo po sila iniwan Manang Darci? "

" Hayaan mo sila. Bigyan niyo sila ng oras na silang dalawa lang. Ito ang unang beses na nag-dala ng lalaki si Ma'am. "

" Oo nga Ate Joy at Manang Darci, iba iba ang lalaking nakaka-date ni Ma'am Jisoo, pero ngayon lang may pumasok na lalaki sa mansion ni Ma'am at halata sa lalaki na may pag-aalala siya sa Prinsesa natin. "

" Nako Lindy at Manang Darci, mapapatay tayo nito kay Sir Namjoon. Ayaw nun' na may lalaking nagpupunta dito. Mapapatay tayo kapag nalaman niya to' "

" Hayaan mo na Joy, ako ang bahala kay Sir. Mas mabuting mag-usap sila. Sigurado naman ako na yang' lalaki na yan ang iniiyakan ni Ma'am Jisoo gabi gabi. Kaya mas mabuting mag-usap sila at magkaayos. "

Papaakyat ako ng 3rd floor para sana puntahan si Jisoo. Kahit kasi mag-kaklase kami, hindi niya ako pinapansin o kinakausap sa school. Magkapatid kami na parang hindi dahil hindi kami close at hindi din alam ng mga tao na magkapatid kami. Hindi ito sadyang ipinaalam para mabantayan ko si Jisoo ng hindi kami napaguusapan ng tao. Pag nalaman kasi nila na kapatid ako at anak ng may ari ng school. Pagkaguluhan din ako, paguusapan. Hindi ko na maprotektahan ng maayos ang kapatid ko.

Ilang araw na ding usap usapan na lagi siyang may kabangayan. Si Jennie at si Taehyung na kaklase namin. Usap usapan din na napaiyak ng lalaking ito ang kapatid ko. Kaya matindi ang pagbabantay ko ngayon. Kahit kasi nanglalake ang kapatid kong ito, lagi naman akong nakasunod at inaalam kung saan siya mag punta. Kaso ngayong buwan kasi, hindi ako masyadong nakatutok kay Jisoo dahil may iba akong inaasikaso. Inaalam ko kung sino ba ang nagbibigay ng death threats sa kapatid ko. Ilang beses na siyang nakakakita ng dugo sa locker niya, lagi na rin siyang napapahamak.

Kaso sa pagtutok ko sa ibang bagay, hindi ko na namalayan na may ibang lalaki na palang nanakit sa damdamin niya.

Nabigla ako ngayon sa pagkumpol kumpol ng mga katulong namin dito sa harap ng pintuan ng kapatid ko.

" Bakit kayo nandiyan? " sambit ko na ikinabigla din nila.

Agad naman silang nag-yukuan. Si Manang Darci ang unang nag-salita.

" Nahimatay po ang kapatid ninyo. Nadapa nanaman kasi siya at nagkadugo sa tuhod kaya— "

" Nasaan ang first aid kit, gagamutin ko siya. " balak ko sanang buksan ang pinto ng bigla nila akong pinigilan.

" HUWAG PO! " sabay sabay sambit nilang tatlo at  pinigilan nila ako.

" Bakit? " pagtataka ko.

" Nandiyan po kasi si— "


" OUUUUUUUUCH! ARAAAAAAY!!!! " sigaw na narinig namin mula sa loob ng kwarto.

" Teka si Jisoo yun ah? Anong nangyayari sa kanya Manang Darci? "

" Wag po kayo mag-alala Sir, nasa loob naman po si Taehyung— "

" Si Taehyung? Bakit siya nandiyan? " galit kong sabi. Mas lalo akong mag-aalala kung nandiyan pala sa loob si Taehyung!

HE CAPTURED THE PLAYGIRL'S HEART || TAESOO || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon