- 18 CONCERN

235 8 2
                                    

Jisoo's POV

" Problema mo? " tanong ko sa kanya nang may pagka-inis. Medyo nanghihina pa ako pero kung makahila siya sakin akala niya nanghila lang siya ng maleta.

Pumiglas ako sa kanya at napahinto siya sa paglalakad. Nakatalikod lang siya sakin at hindi ako hinaharap.

" Ano bang problema mo? " tanong ko sa kanya. Nawawalan nako ng gana sa kanya to the point na ayoko na rin talaga sa kanya. Malabo ang ugali at hard to get. Hindi ako yung taong marunong maghintay, naiinip ako. If ayaw niya na maging boyfriend ko siya, edi wag! Marami naman jan na pag sasawaan ko. Tsk

" Ayos ka lang ba? " tanong niya na ikinabigla ko naman.

" A-ayos a-ako? " medyo utal kong sabi. Nabigla kasi ako sa inasta niya. Bakit naman niya ako hihilahin sa kung saan tapos tatanungin lang kung ayos lang ba ako. Baliw na ba siya?

Hindi niya ako sinagot at humarap lang sakin na nakapamulsa.

Sa pagharap niya sakin, bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko. Parang may mga nagkakarerang mga kabayo. Mga butterflies sa tiyan ko lipad ng lipad. Pati ang mukha ko feeling ko ay namumula na sa init. Bakit ganito yung nararamdaman ko? May sakit na ba ako? Bukod ba sa takot ko sa dugo e may iba pa ba akong sakit? Mayroon ba akong malalang sakit sa puso? May cancer din ba ako sa tiyan? Magpaderma kaya ako kasi yung mukha ko ang init init sa pakiramdam. Ano ba to?!

" Hoy, hoy! "

Napahinto na lang ako sa kakaisip ng yugyugin niya ako. Teka, tagal ko na bang nakatulala?

" Anong nangyayari sa'yo? " tanong niya sakin.

" Wala! Ikaw? Anong nangyayari sa'yo? Bakit moko hinila hila tapos tatanungin mo kung ayos lang ako? Hindi ko ma-judge ugali mo talaga. Pabago bago! " inis kong sabi.

" Masama ba na tanungin ko yun'? Pagkatapos ng nangyari kanina, syempre nag-alala ako sayo "

Sa pagkakasabi niya non' napahawak nalang ako bigla sa dibdib ko at napaubo ng kaunti. Tama ba ang narinig ko? Nag-alala siya sakin? Teka, umiinit nanaman ang pisngi ko! Ano ba naman to! Alam ko sa sarili ko na hindi ako normal. Kasi alam ko din na hindi ko magugustuhan ang isang to dahil hindi ko naman siya talaga type. Pero bakit ganito? Naiinis na ako sa sarili kooo!

" T- teka, mali yung iniisip mo. Nag-aalala ako kasi syempre kapag namatay ka, wala ng tagapagmana ang mama mo dito sa school. Nag-aalala ako para sa school kasi balak ko na dito na mag-aral hanggang college. Kaya wag kang mag-isip ng kung ano ano. "

Napahinto naman ako sa pag-momoment at biglang tumayo ng maayos. Bwisit na to, so sa school siya nag-aalala at hindi sa akin? Saka teka sandali, pano naman niya nalaman yung iniisip ko ay ganun?

" Paano mo naman nasabi na may iniisip ako tungkol sa sinabi mo like duh, wala naman akong pake kung sakin ka nag-aalala or sa school "

" Kitang kita naman sa itsura mo na kinikilig ka, namumula ang pisngi mo. Parang mga bulok na kamatis. " at inayos niya ang salamin niya na parang ang dating sakin ay assuming ako sa sinabi niya. Wow huh?

" B-bulok na kamatis? Hoy! Para sabihin ko sayo, linggo linggo ako nagpapaderma! Flawless ang skin ko hindi tulad sayo a-ano.. a-basta! " at napacross arms at at lumingon sa ibang direksyon. Hindi naman ako makarebat kasi, makinis din ang mukha niya at mukha pa siyang laging naliligo, walang malalait ganun. Hays

" Mukhang maayos ka naman na, nakikipagaway ka na e. Sige maiwan na kita jan " at nilayasan ako ng lokong yon' OMYGOSH! TALAGANG NAGAGAWA NIYA SAKIN ANG MGA GANITONG BAGAY.

" ARRRRGHHHH! NAKAKAASAR! " at tinanggal ko ang sandals ko sabay binato sa pader. Kita ko naman yung mga taong naglalakad sa hallway ay nag-si-takbuhan, ayaw din kasi nila madamay sa galit ko.

Napaka-worst talaga ng araw na to'.

Naglakad lakad nalang ako ng nakayapak at dumeretso sa personal office ko. Oo, mayroon akong sariling personal office. Mayroon tulugan, kitchen, sala, in short, parang apartment pero masasabi kong personal office to.

Pagpasok ko ay pinuntahan ko ang closet ko where in nandoon ang iba't ibang accesories ko, damit, at shoes including sandals na balak ko magsuot ngayon dahil nga sa nasira ko yung suot ko kanina.

Pagtapos ko magsuot, dumeretso ako sa kwarto ko. At dumeretso sa isang pader. Mayroon pindutan sa pader na code at kapag natype ko yung correct code, kusang bubukas ang pader at doon makikita ang mga monitors, na nakaconnect sa cctv. Bukod sa office ng dean ng school, mayroon din ako ditong personal monitors na makikita ang bawat galaw ng estudyante.

Tinype ko ang exact oras kanina bago ko mapuntahan ang locker ko.

Lumabas sa monitor ang recording kung saan nakita ko ang isang babae na papunta sa locker ko. Tinanggal niya ang pagkakalock gamit ang isang pliers at may inalagay na isang balot ng meat.

Hindi ko makilala kasi nakatakip ang mukha. Ang tanging evidence lang na nakikita ko ay yung ribbon na hairclip niya sa ulo. Sino naman itong malakas na loob ang balak patayin ako?

" Kung akala mong natatakot ako sayo, nagkakamali ka. Sisiguraduhin ko na kapag nakilala kita, ikaw ang matatakot sakin. "

endofchap18

HE CAPTURED THE PLAYGIRL'S HEART || TAESOO || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon