- 52 LOVING HER

146 8 1
                                    

Taehyung's POV

" Kakausapin ko lang po si Jisoo sana. " sambit ko sa isa sa mga yaya nila. Nakarating na ako sa bahay nila at saktong 9:30. Medyo lumalalim na ang gabi kaso gusto ko lang talaga makita si Jisoo. Hindi kasi ako matahimik hangga't di ko nalalaman kung okay na ba siya? Kung hindi niya na ba dinadamdam yung tungkol sa Knight na yun? Basta. Gusto ko siyang makita.

Unang bumungad sakin ay yung guard nila pero mas pinili kong tawagin muna ang isa sa mga yaya nila, kasi kilala ko sila at kilala nila ako. At buti naman, ang dumating si Ate Joy.

" Alam mo Sir. Kung wala dito si Ma'am Cassandra. Papapasukin kita agad kasi may tiwala naman ako sa'yo. Ang kaso nga lang, nandito ang nanay niya. Baka malintekan ako non " sambit niya na nagpa-taka sakin. Nandiyan ang nanay niya?

" Sandali, andiyan si Dean? "

" Anong dean? Walang dean dito— "

" Hindi I mean, si Dean, yung principal namin, si Ma'am Cassandra. Nandiyan siya? "

" Gwapo ka pero bungog ka. Diba sinabi ko sayo kanina na nandiyan siya. Kaya nga hindi kita mapa-pasok. " sabay pag-kamot nito sa ulo. Tama pala ang desisyon ko na mag-punta dito. Ipapaalam ko si Jisoo.

" Papasukin mo ko Ate Joy. Kilala ako ng Dean. Promise! Hindi ka mapapagalitan! " at itinaas ko pa ang kanang kamay ko na parang nagpapanata, para ipakita lang kay Ate Joy na totoo ang sinasabi ko na kilala ako ng prinicipal.

" Promise yan, pogi ah? Pag ako napagalitan, jojowain kita. "

Pagkasabi non' ni Ate Joy, napatahimik ako bigla at tumingin sa kanya ng seryoso na parang nagsasabi din na seryoso ba siya sa sinasabi niya.

" Joke lang ito naman. Di ko aagawin jowa ni Ma'am Jisoo. Sige na, pumasok ka na. " at pinapasok niya na ako. What a relief.

Sinundan ko lang si Ate Joy kung saan siya nagpunta. Pero pinatigil niya ako at pinaupo muna sa couch ng sala nila Jisoo. Si Ate Joy naman ay umalis at pinuntahan si Dean.

Nakakakaba, pero ito na yung chance para maipag-paalam ko si Jisoo. Dapat nga, sa nanay niya muna ako nag-konsulta. Pero si Namjoon kasi, pinursue niya ako na manligaw agad.

Nang marinig ko na ang footsteps, kinakabahan talaga ako. Yung puso ko, parang isang malakas na speaker na nag-bebeat. Pero kahit anong kaba ko, gusto ko pa din ipaalam sa kanya na liligawan ko si Jisoo at mamahalin ito kahit anong mangyari.

Nang mapalingon ako, agad akong tumayo at yumuko, way ng pag-galang.

" Mr. Taehyung Kim? " pagtanong ng Dean.

" Opo, ako po ito Ma'am. " pag-sang ayon ko.

" Umupo na muna tayo. " agad naman akong naupo dahil sa sobrang kaba habang siya ay umupo na rin.

" Gabi na, bakit ka pa nandito? May problema ba sa school? Sa pag-aaral mo? " bungad niya sakin na ako naman ay parang nauurong ang dila. Bakit school ang agad niyang naitanong? Dahil ba sa scholar ako?

" Wala po Ma'am. " galang kong sagot.

" Bakit? Anong problema? " tanong niya.

" Gusto ko lang po sana— "

" Oh Taehyung! Bakit ka nandito? " agad kaming napalingon ng Dean ng may nagsalita mula sa likod namin habang kami ay nag-uusap. Si Namjoon?

" Ah eh kasi— "

" Para gawin ang assignment natin? Sige tara! Doon ka na sa kwarto ko, at dito ka na din matulog dahil gabi na. " agad akong nilapitan ni Namjoon, inakbayan at hinila ako pero napatigil kami ng pigilan kami ng Dean.

" Namjoon? A-alam niya na kapatid ka ni.. "

" Opo Ma, sinabi ko sa kanya. At wala siyang pinagsabihan. Kaya tunay na mabait itong si Taehyung, mapagkakatiwalaan pa. " at ngumiti siya sakin na ako naman ang iniisip ko lang ay yung pagpapaalam at pag-tingin sa kalagayan ni Jisoo.

" Sorry Mr. Taehyung kung na-involve ka sa ganitong pag-lihim. Sana wala kang pag-sabihan. Hindi namin masasabi ang dahilan pero sana i-lihim mo na lang ito. " sambit niya sakin na itinango ko lang.

" Sige po Ma, akyat na kami ah? " at hinila ako paakyat sa kwarto niya at isinarado ang pinto. Ano bang nangyayari?

" Teka, bakit— "

" Bakit mo gagawin yun'? Bakit mo ipagpapaalam si Jisoo? Hindi mo ba naisip na kapag pinagpaalam mo si Jisoo na liligawan mo siya, hindi ka pipigilan ni Mama? Gagawin niya ang lahat para hindi mo maituloy yung pangliligaw mo kay Jisoo. " inis na sabi sakin ni Namjoon na ako naman naguguluhan pa din.

" B-bakit siya magagalit? Ayaw niya bang may sumeseryoso sa anak niya? " nasabi ko sa kanya.

" Para sa kanya, lahat ng lalaki na lumalapit kay Jisoo, manloloko at mang-iiwan. G-gawain niya kasi. " medyo panghihina na sabi ni Namjoon. Gawain? Gawain ng Dean na mang-loko?

" Teka hindi ko maintindihan. "

" Takot siya sa sarili niyang multo. Kaya kapag may lumalapit kay Jisoo na lalaki, alam niya mangloloko at mangiiwan ito. Pero ang hindi niya alam, pareho na sila ng anak niya. Si Jisoo ang lumalaro sa mga lalaki. Lahat pinaglalaruan ni Jisoo. Kaya nga siya tinawag na baddest playgirl. Kaya din siya naging playgirl dahil kay Mama. "

Sa bawat pag-kwento ni Namjoon. Nananatili pa din akong may tanong sa isip.

" Pero nung dumating ka Taehyung. Ngayon na lang din nag-seryoso si Jisoo. Talagang nakuha mo ang puso niya. Ngayon na lang ulit naging masaya ang kapatid ko pagkatapos mamatay ang tatay namin. Kaya hindi ako papayag na mapaghiwalay kayo ni Mama. At ayoko din mawala ang scholarship mo. Kaya sana makisama ka! Huwag mong sasabihin na nililigawan mo si Jisoo."

Talagang ganon ba kasama ang Dean? Talaga bang may nagawa siyang masama noon? At ayaw niyang maparanas kay Jisoo na maging masaya? Lahat gagawin niya para hindi kami magkatuluyan?

" Ipaglalaban ko siya.. " nasambit ko kay Namjoon na siya naman ngayon ay napalingon sakin.

" Ipagpapaalam ko siya. Okay lang na mawala sakin ang scholarship ko. Gusto ko alam ng dean kasi mas makikita niya ang sincerity ko sa anak niya kapag ipinagpaalam ko sa kanya. Kapag sinabi ko sa kanya ang nararamdaman ko para sa anak niya. Kapag nakita niya na seryoso ako sa anak niya, hindi siya magagalit sakin. Hindi niya kami paghihiwalayin. " at agad kong binuksan ang pinto at lumabas.

" Taehyung! Sandali! " tinatawag ako ni Namjoon at balak pigilan pero nagpatuloy lang ako sa pagtakbo hanggang sa makarating sa sala.

Hindi ako magpapakaduwag.
Mahal ko si Jisoo, kaya dapat ipinaglalaban ko siya. Dapat ipinagmamalaki ko siya at hindi itinatago.

HE CAPTURED THE PLAYGIRL'S HEART || TAESOO || COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon