Kabanata 8

30 20 41
                                    

Learned

Isang buwan din akong nagpaturo kay Manang kung paano mag luto. Marami akong natamong mga hiwa at paso ng mantika pero binaliwala ko yun ng isang buwan.

Tatlong putahi palamamang ang alam kong di ako papalpak, yun ay ang Adobo, Pritong manok at Kaldereta. Minsan kasi ay hindi na ako tinuturuan ni Manang kapag nakikita niya ang mga sugat ko sa kamay. May mga ilan din na paso ng mantika saaking braso.

Ngayong araw ay ibibigay ko ang isang lunch box kay Zach at isa kay Elliot na nag lalaman ng niluto kong adobo, nilagyan ko narin ito ng kanin. Ako mismo ang nag handa nito para sakanila.

Gusto ko sana ay si Elliot ang unang makakatikim ng luto ko ngunit nangako ako kay Zach na siya ang unang makakatikim. Maganda narin siguro yun para malaman ko kung masarap ba o hindi bago ko ibigay kay Damon.

"Ksenia, tumawag saakin ang Mommy mo kagabi pinapasabi niya na matagalan daw siya bago umuwi kasi may inaasikaso pa siya."

"Okay, Manang. Pag tumawag ulit si Mommy pakisabi na okay lang ako at mag ingat sila doon ni Daddy."

"Oh siya hala. Ready na ba yang mga lunch box na dala mo?" sabay lapit saakin ni Manang para tingnan kung nakaaayos.

"Yes, Manang. Ako ata ang nag handa nito." ngiting ngiti kong sabi.

"Oh siya sige. Pumunta kana roon at hinihintay ka ng iyong driver."

"Thank you ulit, Manang." niyakap ko siya ng mahigpit.

"Walang anuman. Kamusta naman ang mga sugat mo?" alalang tanong sakin ni Manang.

"Ah! Ito po? Wala na to Manang ang importante ay marunong na ako kahit papaano mag luto."

Sinuri muli ni Manang ang mga sugat at maliliit na paso ko sa kamay at braso.

"Manang, I have to go. I'm okay, okay?"

Ngumiti lamang si Manang sa sinabi ko. Nag madali narin ako sa pag punta sa kotse namin dahil ibibigay ko pa ito kay Zach at Elliot.

Naging mabilis lang ang byahe namin sa School. Tinext ko si Zach na magkita kami sa may garden. May mga puno at lamesa at mga upuan na pwedeng kainan at tambayan.

Papasok pa lamang ako nang gate ng makita ko ang mga batang nasa kalye. Mga nang lilimos ito ng pera sa mga tao. Nakaramdam ako ng habag para sa mga ito. Paniguradong hindi pa sila nakakakain. Lumapit ako sakanila.

"Hi! Kumain na ba kayo?"

Tumingin saakin ang mga munting bata na tila gutom na gutom na.

"Hindi pa po Ate ganda. Wala pa kasi kaming pambili, kulang kasi ang nalimos namin kagabi."

Kumirot ang puso ko sa sinabi ng isang batang lalaki. Naisipan kong ibigay nalamang ang isang lunch box na para kay Elliot. Si Zach nalang muna ang bibigyan ko, hindi parin kasi ako sigurado kung masarap ito. Tinikman ko na ito bago ko hinanda. Masarap ang resulta pero mas maganda narin na may ibang tao na makakapag sabi na masarap ito bago ko ibigay kay Damon.

"Here, sainyo nalang ang isang lunch box. Pag pasensyahan niyo nalang kung di masarap ah? Nag aaral palang si Ate mag luto e."

Kumislap ang mga bata nang iabot ko na sakanila ang lunch box.

"Pag pasensyahan niyo na ah? Yan lang ang maibibigay ko sa ngayon. Pag hati hatian niyo nalang muna. Sa susunod ay bibigyan ko kayo ng mas marami." ngiti kong sabi sakanila.

"Nako napaka laking bagay na ito saamin, Ate ganda." excited sila ng kunin saakin ang lunch box.

"Lagi ba kayo dito?"

Chasing You (Chasing Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon