Again
Nagising ako na mahapdi ang mata. Tiningnan ko ang oras at napag alaman na 4 am palang ng umaga. Naalala ko nanaman ang nangyari kahapon. Akala ko makakalimutan ko na yun kapag nakatulog ako pero nakatatak parin siya sa isip at puso ko.
"Kaya ko to!"
Nag handa na ako para sa pag pasok ko. Pagbaba ko ay naka handa na ang mga tupperware na gagamitin ko, siguro ay inayos na ito ni Manang kagabi. Maaga akong gumising para makapag luto ng ibibigay ko kina Elliot at kina Mikoy.
"Ouch!" daing ko ng natalsikan ako ng mantika galing sa niluluto kung chicken.
Naisip ko kasi na ipagluto ng iba naman na putahe sina mikoy tapos ay adobo ang kay Elliot sapagkat hindi niya pa ito natitikaman. Balak ko ay lahat na alam kong putahe ay ipapatikim ko sakanya.
"At last!" napabuntong hininga ako ng sa wakas ay natapos ko ng lutuin ang Adobo at Fried Chicken.
Namumula ang ibang parte ng kamay ko dahil sa talsik ng mantika. Siguro ay lalagyan ko nalang ito mamaya ng ointment bago ako pumasok, mahapdi kasi ito lalo na kapag nadadanggil. Nag simula na akong ilagay ito sa mga tupperware. Sinamahan ko narin ito ng mga prutas para sa dessert narin.
"Dito nalang po, Manong." saad ko ng nakita ko na sina Mikoy na nag hihintay saakin ng kanto.
"Sige po, Ma'am Ksenia."
Lumabas na ako ng kotse. "Ingat po pauwi, Manong."
Naglakad na ako papunta kina Mikoy na panigurado ay kanina pa ako hinihintay.
"How can i forget?" nasapo ko ang noo ko ng nakalimutan kong bumili ng gamot para sa Nanay nina Mikoy? argh.
"Hi Ate!" nakangiti nilang salubong saakin.
"Hello! Kamusta naman kayo?"
"Aba ay sobrang okay kami Ate, Salamat sainyo."
"Pasensya na kayo. Nakalimutan ko kasing bumili ng resita ni Nanay." nasanay na kasi ako na Nanay nalang rin ang itawag sa Nanay nila.
"Nako ate napakarami pa pong gamot ni Nanay dahil dun sa binigay niyo nung nakaraan na pera."
"Don't worry, next time di na kakalimutan ni Ate." nakangiti kong sabi.
"Oh! Ito pala yung fried chicken na promise ko sainyo. Sana ay magustuhan niyo."
"Salamat ng marami, ate!"
Nakakataba ng puso na makita silang masaya kahit maliit lang na bagay yun.
"Oh siya. Mauuna na ulit si ate ha? May klase pa kasi ako." nakangiti kung sabi.
"Salamat po ulit, Ate ganda!" masaya nilang sabi sakin.
Nag paalam na ako sakanila sapagkat hinihintay narin ako ni Maddison sa aming classroom.
Habang papasok ako sa room namin ay nakakarinig nanaman ako ng compliment galing sa kaklase kong mga lalaki. I just give them a small smile.
"Ano naman ang dala mo?" salubong sakin ni Maddison nung nakita niya ako.
"Bag." pabalang na sagot ko.
"Seriously, ksenia?" natawa naman ako sa reaksyon niya.
"I'm just kidding, Mads."
"So ano nga?"
"Pagkain na ibibigay ko kay Elliot mamaya." nakangiti kong sabi.
Napairap naman siya sa sagot ko.
"What happened to your hands again, ksenia?"
"Just a burned."
"Just a burned? Seriously, Ksenia? Are you making your hands looks like..."
"Like what?"
"Like an old woman, you know."
"You're so maarte, Maddison." inirapan ko siya ng pabiro.
"Whatever."
Wala naman akong pakialam sa mangyayari sa kamay ko. Atleast I already knew how to cook a few meal. Saka para pag naging mag asawa na kami ni Elliot ay magiging mabuti akong asawa. Natawa naman ako sa naisip ko, nonsense.
Nang tumunog na ang bell hudyat na break time na ay agad akong tumakbo papuntang garden.
"Ksenia!" tawag saakin ni Maddison. Ngunit hindi ko ito pinansin sa pag mamadali baka kasi maunahan ako ni Trisha.
Hinihingal ako ng makarating ako sa garden ng school. Napangiti ako ng makitang hindi pa kumakain si Elliot at wala rin na lunch box sa lamesa niya. Siguro ay hindi na siya dadalhan ni Trisha.
"Hi!" ngiting ngiti kong bati kay Elliot.
Mabilis naman nagtama ang mata namin ng inangat niya ang tingin niya saakin. Hindi siya umimik at bumalik ulit ang tingin sa librong binabasa.
"I brought you a food, Elliot."
"Stop bringing me food."
"Why? I thought you like girls who cook?"
"And where did you get that?" nag angat na siya ng tingin saakin
"Maddison told me. She said you like girls who knows how to cook."
He chuckled at what i said.
"Kalokohan."
Nalungkot naman ako sa sinabi ni Elliot. Masasayang nanaman ba ang hinanda ko para sakanya? Pinipiga ang puso ko habang naalala ang isang araw na nakita ko siyang may tinanggap na isang lunch box galing sa isang senior. Does it mean ayaw niya lang tanggapin ang niluto ko? But why is that?
"I prepared this for you." inabot ko sakanya ang lunch box na galing sa bag ko.
Tiningnan niya ang lunch box na hawak ko. "I already eaten."
"Then you can bring this to your house." suggests ko.
"No."
"Elliot, I promis..."
Pinutol niya ang sasabihin ko. "I said I already eaten."
Alam kong ano mang oras ay mag sisimula nanamang mag tubig ang mga mata ko.
"But..."
"Give it to Zach."
"This is for you!"
"That is for Zach. You prepared it for Zach." sabay iwas niya ng tingin.
"No. Elliot, this is for you!"
"Lies."
Napatingin siya sa lunch box na hawak ko. Naging mas seryoso ang mata niya ng mapadako ito sa kamay ko na puro paso ng mantika.
"Why you're doing this?" sabay tingin niya saakin.
"Because, I love you!"
Napaawang naman ang labi niya sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Chasing Series #1)
RomanceEven though I really tried my best to make you fall inlove with me, you never really saw me. I'm so Inlove with you that it hurts so bad. ....... Cover by: @queenzariWp