¤CRUSH-MATE¤

42 13 14
                                    

A/N:  Pasintabi po sa inspirasyon ko sa character nina Denice At Niel heheheh Love you both :*

Ito ay gawa lamang ng maharot kong pag-iisip dahil ako ay bored. Sorry na agad.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Unang araw ng klase, kabado ako. Paano ba naman kasi nasa kalagitnaan na ng school year nang mapagpasyahan nila mama na lumipat kami ng bahay kung kaya't damay sa paglipat namin ng bahay ang paglipat ko din sa bagong paaralan.

"St. Bernadette Academy.. please be nice to me"

pabulong kong sambit habang papasok sa gate ng bagong paaralan na nilipatan ko..

Nasa isandaang hakbang lang ito mula sa nilipatan naming bahay kaya dito ko mas piniling ipagpatuloy ang pag-pasok sa skwela. Iwas hassel na din kumbaga.

** Room 401**

Nakakabingi ang katahimikan...
Lahat ng atensyon ay nasa akin.
Parang hindi na nga kumukurap ang mga bago kong kamag-aral kakatitig saakin. Samantalang.. ako naman ay hindi mawari kung nakangiti ba o kung ano.. nagaalangan kasi ako.
Hiyang-hiya ako.

"Sya si Denice, ang bago niyong classmate. Utang na loob class maging mabait kayo sa kanya."

Bulalas ni Mrs. Eryan ang aming gurong tagapayo.

Ako naman ay napatango nalang.

Matapos noon ay kanda kumahog ang mga bago kong kaklase sa pag entertain saakin at pag offer ng mauupuan..

Kinuha ko na ang pagkakataon na ito upang piliin ang paborito kong pwesto.. sa kadulu-duluhan ng silid kung saan kita ko ang lahat at hindi ako masyadong mapapansin.

"Hoy Niel ! Tabi dyan.. dyan gusto umupo ni Denice!"

Singhal nung kaklase kong lalaki na hindi ko pa alam ang pangalan.

" huwag ka ngang magulo dyan Hernan! Nagdodrawing ako e Bulag ka ba ha?"

Ahh Hernan pala yung pangalan nung unang nagsalita.. tapos si Niel naman nag dodrawing..

"Okay lang guys.. dito naman ako"

Sambit ko sabay lagay ng gamit ko upuang napili ko..

Sa tabi ni Niel.

Bale ako yung nakaupo na malapit sa bintana sa kadulu-duluhan ng silid.

Samantala, yung Niel naman ay katabi ko.

Kaming dalawa lang yung nasa likuran.

Mukang magiging maayos naman ang pamamalagi ko dito.
Sana.

**

Lumipas ang mga araw, linggo at buwan.
Malapit nang matapos ang school year.

Marami naman akong naging kaibigan at kasama na din doon si Niel, si Hernan, si Ron at marami pang iba.

Tama ang pagpili ko sa St. Bernadette Academy. Tamang-tama.

¤¤¤ bzzzt bzzzzt ¤¤¤

2 Messages from 09*********

Ha? Bakit may nagtext? Hating gabi na ah.
Sino kaya to?

From: 09*********

Gudd miDnyt folks! JgL frm mY owN pocKet rara tExt.
Gm.

From: 09*********
Hi Denice :) si Niel to.
Gising ka pa?

*****

Ah si Niel pala.

 xAyfaahx's One Shot Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon